CHAPTER 23 ~ On The Run ~

176K 3K 140
                                    

CHAPTER 23

FREEZALE'S POV

Kasama ko ang dalawang kapatid ko at si Momma at Papa ngayon dito sa BHO CAMP Hospital. Pinapunta kami ni tita Autumn para sa check up ko. Balak ko sana na ako na lang mag-isa pero ayaw pumayag ng mga magulang ko. Wala narin akong nagawa kaya hinayaan ko na lang sila sa gusto nila.

"Are you really ready to talk about this, Freezale?"

Imbis na sagutin ang tanong ni tita Autumn ay tumango lang ako. Bumuntong hininga siya at nilingon niya ang asawa niyang si tito Wynd na kasalukuyang nag sasayaw ng 'Wiggle wiggle' sa isang tabi.

"Baka gusto mo akong damayan Wynd?" tawag pansin ni tita Autumn kay tito Wynd na mukhang pinapagaan lang naman ang atmospera. But for once, his jokes didn't work to lessen the pressure around us that even a knife can slice through like butter.

"Kaya mo na yan, sweetie. I believe in you! Wiggle Wiggle!"

Bumuntong-hininga ulit si tita Autumn bago ako tinignan muli. "The other agents said that King didn't believed you when you told him about your pregnancy, am I right?"

"Yes, tita. Akala ni...niya hindi siya maaaring magkaron ng anak. Low sperm count."

Tumango-tango si tita Autumn. "Alam kong mahirap sa iyo ang nangyari. The baby wasn't even fully formed when you lost her. But the miscarriage was ineluctable, Freezale."

"W-What do you mean by that tita?"

Animo nagtatalo ang isip ni tita sa sasabihin sa akin. Hinilot niya ang sentido niya at pagkatapos ay nagsalita. "Your body was week, for one. Masyado mong pinagod ang sarili mo, hindi ka masyadong kumakain at palagi kang puyat. Idagdag pa na talagang mahina ang kapit ng bata. The sperm also carries a faulty gene that affected the embryo. The last straw was when Lisette pushed you."

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. It was my fault. Kaya nawala ang baby ko. Kasalanan ko lahat-lahat.

"You didn't know. Don't blame yourself-"

Pinutol ko ang sasabihin ni tita. "Hindi niyo kailangan pagaanin ang loob ko. Alam kong kasalanan ko ang nangyari."

"It was not your fault. Kung alam mo ang sitwasyon mo, hindi mo pababayaan ang sarili mo. But like what I've said, the pregnancy will still result to miscarriage."

Halos dumugo ang mga palad ko sa higpit ng pagkakakuyom ng mga kamay ko. Hinayaan ko na lang si Momma na makipag-usap kay tita. Hindi ko pa pala kaya...hindi ko pa pala kaya na pag-usapan ang anak ko na para bang wala akong nararamdaman.

Nang matapos silang mag-usap ay nauna na akong tumayo at naglakad palabas. Balak ko sana na pumunta sa control room ngunit bago pa ako makarating doon ay may mga bigla na lang humatak sa akin na kulang na lang ay buhatin ako. Walang iba kundi ang mga kapatid ko.

Natagpuan ko ang sarili ko sa malaking storage room ng BHO CAMP. Pero imbis na mga lumang gamit lang ang nandoon ay may nakalatag na blanket sa gitna at may nakahain na mga pagkain.

Marshmallows, sour tapes, gummy bears, pochis, yogurt stick at isang malaking punch bowl na puno ng dried mangos.

"Ano to?" tanong ko.

"Pagkain!" masayang sabi ni Snow na may kasama pang palakpak.

"Alam ko. Para saan at bakit dito?"

"Trip. At saka gusto ni Snow na mag explore dito. Kesa naman matabunan siya o worst mapahamak si Phoenix kapag may pinagawa iyan, dito ko na lang dinala ang mga ito." sabi naman ni kuya Thunder.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon