CHAPTER 26 ~ Friend ~

148K 3.6K 855
                                    

CHAPTER 26

FREEZALE'S POV

The only thing that is visible in his eyes are pain and guilt.  Parang sinipa ang dibdib ko sa nakikita ko. Is he a part of this? Kaya niya ba sinabi na magiging masaya na ako ay dahil sa aalisin niya si King sa buhay ko? At si Kelly...anong kinalaman niya dito?

It doesn't make any sense. If Comet wanted to hurt King he should have done it ages ago. Lagi silang magkasama. Magagawa niya iyon ng hindi ko malalaman. And I...I just can't wrap my head around it. Comet always protected King, and any member of the band. Even me.

Comet wanted him to be happy. Paano niya magagawa ito?

Hindi inalis ni Comet ang tingin niya sa akin. And even in the middle of all this, he managed to gave me a smile. Ngiti na kahit na hindi niya nararamdaman ay lagi niyang binibigay sa akin.

Binalot ako ng pagkapahiya sa sarili. How can I thought of him that way? How can I doubted him? There's no way he'll be a part of this.

"Ano 'tong ginagawa mo Kelly?" tanong ni King sa kabila ng katotohanan na alam namin pare-pareho kung ano ang nangyayari. Wala sino man sa amin ang magawang makahuma dahil sa hindi pagkapaniwala sa mga nagaganap.

"Stop playing dumb, King. Alam kong alam mo kung anong nangyayari." sagot ni Kelly. Hindi kababakasan ang mukha niya ng kahit na ano. Maliban sa galit.

"Why?" he asked in a pained voice.

"You ruined my life!"

"I didn't."

I open my mouth to speak. To stop King from agitating her. But no words came out of my mouth. Napahinto ako ng biglang may tumunog. Tunog ng telepono. Bumaling sa akin ang mga mata ni Kelly. Bahagya niyang ginalaw ang baril na hawak niya. "Answer it. And make sure you won't say anything I don't like or I'll blow your brother's head off."

Itinutok niya ang baril sa kapatid ko. I'm not afraid for myself...but it's different when it comes to people that I love. My hands shook with the weight of fear I'm feeling. I answered the call. "H-Hello?"

"Freezale this is Clea."

"Oh, h-hi Clea!"

Saglit na napatigil ang experiment department agent sa kabilang linya. Pagkaraan ay nagsalita siya. "I have the information. Natapos na ako sa paggamit ng KSIF. I found out that the man that attacked King before was not a hired Killer."

Nanatili akong nakatingin kay Kelly at halos hindi rumehistro sa akin ang sinasabi ng babae. "Hmm?"

"Are you okay, Freezale?"

"Yes. Go on."

"As I was saying, hindi hired killer ang lalaki. It might not look like it but he was the long lost brother of Kelly Ferrel."

Pinutol ko na ang tawag at hindi ko na hinintay pa ang iba niyang sasabihin. If I live through this, I'm gonna enhance the KSIF. The information was too late. Far too late.

"Kelly, drop the gun." I said to the woman, trying to convince her still even though there's nothing but determination in her eyes.

Kung sino man ang babaeng nakilala nila...at minahal ni Comet ay matagal na siyang natabunan ng kung sino mang babae na ito. Driven with anger, she managed to kill whatever humanity she has.

"Hindi ako tanga!"nanggagalaiting sigaw niya.

"Kelly-"

Nabalik kay King ang atensyon ni Kelly nang magsalita ang lalaki. I tried not to look away from Kelly. Alam ko na sinasadiya ni King na agawin ang atensyon ng babae. Malaki ang galit sa kaniya ni Kelly at kitang-kita iyon sa babae.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon