CHAPTER 1 ~ Captain and Lady ~

247K 4K 326
                                    

CHAPTER 1

FREEZALE'S POV

Nakatingin lang ako sa hawak ko na libro. Maingay ang paligid pero wala akong pakielam. Isa ang libro sa iilang bagay na dahilan kung bakit natatagalan ko ang kahit na anong klaseng ingay. Maganda rin na training ang mga co-agents ko na kahit kailan ata ay hindi mga natutong tumahimik.

Idagdag pa na isa ako sa triplets ng second generation elite agents na sina Rain Dale night and Wynter Night. Hindi kailanman nagkaroon ng katahimikan sa bahay namin dahil sa gulong dulot ng mga kapatid ko. Ako lang ata ang nag-iisang normal sa kanila iyon nga lang iba ang opinyon nila sa akin pagdating doon. They see me as a person with no emotion...and cold. Frozen Stare, Death Eyes, Frozen Medusa ay ang ilan sa mga imbento ng mga abnormal na agents ng BHO CAMP patungkol sa akin.

I worked at BHO CAMP as one of their experiment department agent. Isang tagong organisasyon iyon sa Tagaytay na binubuo ng mga taong trained para sa mga bagay na maaaring maglagay sa kanila sa panganib. We handle secret missions that can help eliminate our client's problem. And usually it involves a lot of dangerous jobs involving criminal activities. Kaya nagbibigay solusyon ang BHO CAMP para sa mga sitwasyon na kailangan ang serbisyo namin para sa surveillance, under covers, criminal investigation, and so much more.

Hinilot ko ang sentido ko at pinagbuti ang pagbabasa ko. Ang kaso nakakaramdam na ako ng pananakit ng ulo. Hindi naman kasi sapat ang liwanag sa kinaroroonan kong bar. Napapabuntong-hininga na inilagay ko ang bookmark sa libro at isinarado iyon.

Kinuha ko ang atensyon ng bartender na kaagad namang lumapit sa puwesto ko sa may mini bar. "Another Irish Car Bomb."

Nag-aalangan na sumunod siya. Hindi ko siya masisisi. Pang-apat ko na ito. It can be considered as a hard drink pero kung titignan ako ngayon ay parang walang epekto iyon sa akin. Hindi kasi ako madaling malasing. To be exact. Hindi pa ako nalalasing sa tanang buhay ko.

Tinignan ko ang libro sa harapan ko. Wala akong ipinagkaiba sa mga agents. Abnormal din ako katulad nila. Wala namang normal sa amin. Sinong matinong tao ang magbabasa sa loob ng bar? Ako lang iyon. Wala naman kasi akong pakielam sa sasabihin ng iba.

Bakit ako nandito? Simple lang. Ang mga abnormal na agents na mas mataas ang kaabnormalan di hamak kesa sa akin ay kasalukuyan ngayon na nagwawala sa dance flooor. Para silang nasisiraan ng bait.

Kung ako ang papipiliin mas gusto ko pa na tumabay sa control room. Hindi lang talaga ako nakatanggi dahil nandito sa Pazo Bar lahat ng agents para icelebrate ang birthday ng halaman ng isa sa mga kasamahan ko na si Nyx na pinamana pa raw sa kaniya ng tatay niya na si tito Andreige. Seriously. Naghahanap lang sila ng dahilan para mag party.

"Here ma'am."

Irish Car Bomb is a cocktail drink where you need to drop a shot glass full of Irish whiskey and cream into a stout cocktail glass. You drink it just like that. Tinungga ko iyon at ng maubos ay ibinaba sa counter at itinulak sa direksyon ng bartender na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Anong magagawa ko eh sa walang epekto sa akin? Ramdam ko ang init ng cocktail drink na iyon sa lalamunan ko pero wala akong pagkahilo na nararamdaman.

"Give me one of that, Mist-er." someone said with a slurred voice. "That looks fun and I am born to be fun!"

Nilingon ko ang nagsalita na sa boses pa lang ay alam ng may tama na. Lucas Darryl King. Vocalist of the band Royalty. Kilala ko siya pero hindi ko masasabing close ako sa kaniya o ano. Ni hindi ko pa ata nakakausap ang taong iyan kahit pagala-gala sila ng mga kabanda niya sa BHO CAMP.

Ang mga members ng Royalty ang ang tanging mga tao na may special membership sa BHO CAMP. Sila lang ang maaaring bumili ng isa sa mga villa sa BHO CAMP dahil hindi naman talaga pinagbibili ang mga iyon. Ang front ng BHO CAMP katulad dati ay tanging bakasyunan at pasyalan lamang ng mga guests. Maaari silang mag rent ng villa, BHO CAMP tent and lodges.

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon