[EPILOGUE]

1.3M 24.6K 13.7K
  • Dedicated kay To all my readers who support me
                                    

 EPILOGUE

Another month has passed since everything has fixed. Gaya ng pinangako ni Nathan sa akin, siya na ang tumayo bilang tunay na ama ng baby ko. Inaalagaan niya ako, sinasamahan sa OB-Gyne ‘pag magpapa-check up, at inaalalayan ako hanggang sa pagpasok sa E.H.U. In short, siya ang gumagawa ng mga bagay na dapat ay si Kurt ang gumagawa. Medyo naayos na rin ang issue tungkol sa akin. Pero hindi pa rin maiiwasan ang mga residue na issues.

Ang X9, kahit hindi ko pa ipinapanganak ang baby ko ay nag-ala-ninong na. Natutuwa akong isipin na puro gangsters ang magiging ninong ng anak ko. Idagdag ko na rin ang Suishou Empire dahil nag-volunteer din sila.

Masaya ako kasi nagkaroon ako ng kaibigang katulad nila. Si Chloe na lagi akong binibigyan ng sexy maternal dress kahit hindi pa naman kaumbukan ang tiyan ko, samahan pa ni Dustin na kapag free time niya ay binabahasan ng story si baby na akala mo ay maiintindihan =____= , si Wayne na magagalit sa akin kapag nakasimangot ako at pipilitin na pangitiin ako, si Derrick na sumusugod sa mga estudyanteng pinagchichismisan ako, at ang Suishou Empire na inientertain ako sa pagsasayaw para daw paglabas ng baby ko ay maging dancer daw -____-.

Pinapasalamatan ko rin ang mga FB friends ko na nagpopost sa wall ko at nag-PPM ng mga advices nila, na wag daw akong susuko, na magpakatatag ako, na sinusuportahan nila ako. Kahit pala may mga haters ako, mas nangingibabaw pa rin ang mga taong may malasakit sa akin. Pinapagaan nila ang pakiramdam ko at nabubuhayan ako ng loob. Salamat kina Shana, Armivel, Trisha, Jhancee at lalong lalo na kay Ate Grace na naging tagapag-payo ko sa FB.

I believe that everything happens for a reason so just deal with it.

I really thank God for giving them to me. Alam kong lagi akong nasasaktan pero nandyan pa rin sila na walang sawa sa pagdamay sa akin.

“Ma’am, ayos na po ang make-up niyo. In 15 minutes bababa na kayo sa event,” sabi sa akin ng make up artist. Napatango nalang ako sa kanya.

Ngayong araw na ang 20th birthday ko. Kasabay nito ang engagement party namin ni Nathan. Napag-usapan ng mga magulang namin na pagsabayin na rin ang birthday naming dalawa dahil bukas naman ay ang birthday ni Nathan. So, this is a triple celebration. Dahil na rin sa hindi ako nakapag-debut, gagawing mala-debut ko daw ang party.

Hindi ko pa rin nakakaligtaang isipin kung kamusta na si Kurt ngayon. Nalaman ko na nasa China pala sila nagpuntang dalawa ni Kaye Anne pero ngayon ay nasa Korea na daw sila. I really missed him but this time I have to let go of my feelings. Baka nga hindi talaga kami para sa isa’t isa.

Tumayo ako at pumunta sa harapan ng isang full-length mirror. Pinagmasdan ko lang ang sarili ko at bahagyang umikot para makita kung ayos lang ang suot ko.

I am wearing a pink strapless hi low dress with a jeweled empire waist with a black open toe 4 inch high heels on. My Mom said that she ordered these for me specially made by one of the famous designers in Hollywood. Kung hindi ako siguro kilala ng mga tao sa event’s place, mapagkakamalan nilang hindi ako buntis dahil sa figure ko. Hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko dahil 9 weeks pa lang ito.

Natigilan ako nang biglang pumasok sa isip ko si Nathan. I am worried because I haven’t seen him for a week. Pero nakaramdam naman ako ng relief nang makatanggap ako ng messages mula sa kanya kahapon. May importanteng bagay na inaasikaso lang daw siya.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon