[17] Revelations

1M 22.9K 6.8K
                                    

CHAPTER 17: Revelations

SANDY’S POV

Nakakainip naman dito sa bahay ngayong gabi. Wala kasi sila Kurt my loves ko. Nagpaalam kasi sila na luluwas daw muna sila kasi may aasikasuhin pa daw silang importante doon. Sana naman sinama niya ako, iniiwan niya yung girlfriend niya dito. Ano ba kasi yung aasikasuhin nila? Gaano ba kaimportante yun? Mas importante pa ba sa akin yun? TT__TT

“Sandy, nakakainip naman dito. Makinuod nga muna tayo ng tv sa kapitbahay.”

Wala kasi kaming tv. Surplus kasi yun. Yung mga 2nd hand lang na madaling masira.

“oh sige. Dun nalang tayo kina ate Kaye Anne ,maganda ang tv nila dun nakita ko PLAT-SKWING,” sabi ko.

“Shunga shunga ka talaga kahit kelan. Baka TATS SKRING! Tanga!”

“Oh, sige na taralets.”

Lumabas na agad kami ng bahay at nangapit-bahay na kina Ate Kaye Anne. Buti nalang, si Ate Kaye Anne yung nagbukas sa amin ng pinto. Medyo natatarayan kasi kami kay Ate Gail eh. >.< 

“What can I do for you girls?” Si Ate Kaye Anne. 

“Ate, pwedeng makinuod ng tv? Ambureng kasi sa bahay ehh.” Sabi ni Lovely. 

“Ambureng talaga? Baka ang boring,” natawa si ate Kaye Anne. “Napapatawa niyo talaga ako!”

Hehehe …. Ano daw? Pakitransport nga? Di ko maintindihan eh..

“Ganun na din yun, Ate! Hahaha!” Lovely

“Sige, come in. Tamang tama, nanunuod ako ng DVD wala akong kasama.”

Ayy sayang! Hinihintay pa naman namin yung paborito naming teleserye. Pero okey lang, sosyalen naman DVD. 

Pumasok na kami sa loob at umupo sa sofa nila. Yippee! Ang lambot!

“Bakit mag-isa ka lang Ate? Nasaan si Ate Gail?” Tanong ko.

“As usual, nasa terraist siya, naglalaptop eh. Kaya ako lang mag-isa yung nanunuod. Tamang tama nga yung dating niyo ehh. Isasalang ko palang yung DVD,” sagot niya.

“Aba sosyaleng! Nag-lalaftaf! Ate Kaye Anne, ano ba papanoorin natin?” tanong ni Lovely habang sinasalang na ni Ate yung DVD.

Kaso ayun, natawa na naman siya. Palatawa talaga siya! “Hahaha! Laftaf? Hmm, I love watching horror movies, kaya nagdala ako. Ito oh, Paranormal Activity 1 and 2.”

Kahit hindi namin alam ang pelikula nay un, napa-“yehey!” nalang kami ni Lovely.

NATHAN’S POV

Masyadong boring ang gabing ito. Wala kasi ang mga tropa ko, kumuha kasi sila ng entrance exam sa isang university sa Maynila. Tsk! sumama na rin si Jenny, para daw ay makapamasyal naman daw siya sa mall. Si Danica? Ayun, hindi ko pa rin kinikibo dahil sa ginawang niyang pang gegate crash sa birthday party ni Kaye Anne.

*Flashback*

“babe, bitawan mo nga ako! Ang sa---kit! Ouch!”

Hinila ko siya palabas ng resort. Hindi naman siya totally kaladkad, nag-iinarte lang talaga si Danica.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon