[7] Selos ako?

1.4M 28.3K 4.9K
                                    

CHAPTER 7: SELOS AKO?

GAIL’S POV

WOW! Enjoy palang sumakay ng motorcycle! That was my 1st time and that won’t be the last. Enjoy kaya! Pagkabalik na pagkabalik ko sa Manila, mag-aaral akong mag motor kahit ayaw pa ni mommy, dahil gusto ko, wala siyang magagawa! Mouhahahahaahaha! >:)) 

Hala! Every person na makakasalubong namin nakatitig talaga sa amin. Feeling ko parang artista na kami ni Kaye Anne ehh hehehehe.. sinusundan talaga kami ng tingin.. Oo na feeler ako eh! Pinark na ni Sheen yung motor niya sa may vacant lot dun and we started walking papunta sa covered court. Then napahinto kami nang may kumausap na girl kay Sheen. Para siyang boyish the way she talks, but the way she looks? Mukha pa siyang pagirl sa amin ni Kaye Anne.

“Hoy! Dre! Ayos ahh, bagong chikas ahh. Yan na yata ang pinakamagandang chikas na dinala mo dito. At aba! Sosyalin ka pa, dual girls sila. Parang dual sim lang hahahaha” Chikas? Kami ba yung sinasabi niyang chikas?

“Hey! Nagkakamali ka, we’re not his chikas as you have said,” sabat ko.

“Wow! Ang gara mo dre, ingleserang kokak pa ito! Jackpot ka dito!” Did she just say ingleserang KOKAK ako? Wow! Kapal niya huh? Siya nga itong mukhang kokak! DUH!

“Jenny, pwede bang manahimik ka nalang? Wag kang epalogs! Kung gusto mo, sa highway ka tumambay para makabingwit ka ng gwapo! Mga kaibigan ko lang itong mga ito! Tsismosa ka pa naman!” naasar na sagot sa kanya ni Sheen. So, close pala silang dalawa?

“Okay fine! Hi miss, pwede ba kitang i-add sa facebook?”

“Sure! Just search Crystal Gail Rivera. Accept nalang kita,” nakangiting sagot ko sa kanya.

“Ano pala tatawag ko sayo? Alam mo na .. yung palayaw! Haba kasi ng pangalan mo.”

“Just call me Gail, we can be facebook friends. Mas better kung real friends pa.”

“Sosyalin! May friends na akong taga- Maynila.. ang gaganda ng kutis niyo Gail at--- ano pala pangalan mo?” She’s reffering to Kaye Anne.

“Secret,” Kaye anne replied boredly. May pasecret secret pa siyang nalalaman! Ganyan lang yan kapag di niya kavibes yung tao, I know her pretty well kasi ganun din ako!

“Ay? Walang clue?”

“wala! Kasi di naman ito guessing game!”

Ang taray ni Kaye Anne! Mamaya, makukurot ko itong babaeng ito eh..

Sumingit na ako sa usapan. Nagkakatarayan na eh, “Ahh, don’t mind her, she’s Kaye Anne. Bad mood kasi yan kaya ganyan.”

“Ahh ako naman si Jenny.”

“Who cares?” bulong ni Kaye Anne. Siniko ko kaagad siya. Good thing, hindi naintindihan ni jenny.

“Nice name, Jenny,” komento ko.

Kasama na namin si Jenny papuntang covered court. Grabe ang ingay pala kasama nito! She shouts everytime makashoot yung bet niyang team! Para namang wala siyang bet na team eh. Basta pag may gwapo, tumitili siya.

“Woooooooooohhhhhhhhhh! Ang gwapo mo number 1” Jenny

Hinanap ko yung number 1 para makita kung anong itsura.. and to my surprise! Yeah gwapo nga! Gwapo yung jersey niya. Hahahaha. Talaga naman eh! I like the color of their Jersey.. pink! At saka I thought, matatangkad yung mga players like sa varsity sa school namin, pero wow huh! Matangkad pa ata ako eh! XD

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon