[37] Childhood Friend

988K 22.7K 5.8K
                                    

CHAPTER 37: Childhood Friend

 

GAIL’S POV

 

Gail,pakinggan mo yung lyrics. Para hindi na ako mahirapan sabihin sayo ah? Pagkatapos nito wag mo kong tanungin. Okay?

Gail,pakinggan mo yung lyrics. Para hindi na ako mahirapan sabihin sayo ah? Pagkatapos nito wag mo kong tanungin. Okay?

Gail,pakinggan mo yung lyrics. Para hindi na ako mahirapan sabihin sayo ah? Pagkatapos nito wag mo kong tanungin. Okay?

Waahhh! Anong ibig sabihin ni Nathan dun?! <(o_O)>

 

Sagutin mo lang ako, aking sinta'y walang humpay, na ligaya
At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay na tahimika'at buong ligaya

 

Eh parang nililiga---

“Aray naman! Ano ba?!” Nakalimutan ko na hinila pala ako ni Kurt. Tsk! sayang, ayun na yun eh! Panira ng moment!

Napahawak ako sa noo ko. Pitikin daw ba?

“Eh kanina ka pa tulala dyan eh! Mukha kang tanga!” Kurt exclaimed. Hinila na naman niya ako.

“Master, andun na raw sina Alex sa rooftop. Hinihintay na raw tayo.” Oh! Andito pala si Toffer?

“Oh, hi Toffer. Andyan ka pala?” sabi ko habang hinihila pa rin ako ni Kurt.

“Kami din andito. Hehehe..” Napatingin ako sa nagsalita. Si Wayne pala. Hindi ko talaga napansin na may kasama pala si Kurt.

KURT?!? As in TRISTAN KURT LEE?!

“Bitawan mo nga ako Kurt!!!!!” Sumigaw ako ng sobrang lakas kaya naman napahinto si Kurt sa paglalakad. Nakatingin pati sa amin ang mga students. Tsk! Another scene na naman ba ito? (-_-‘)7

Napatingin naman ako kay Kurt sa tabi ko. Nakatingin lang siya sa akin. Natatakot ba silang lahat sa akin? Hahaha sabi na eh, may bangis din akong tinatago hohoho *O*

“Miss..”

Napatingin ako sa biglang lumapit sa amin. He’s a soccer player, obvious naman kasi sa suot niya. May benda pa siya sa left arm niya at madaming bruises sa mukha. Anong nangyari kaya dito? Kawawa naman. Baka nainjured sa paglalaro ng soccer.

“Yes?”

Napatingin siya kay Kurt at sa akin tapos nagulat ako nang biglang siyang lumuhod sa harapan ko.

“Hey, what are you doin’?” Nagtatakang tanong ko.

Nakayuko pa siya sa lupa. Ano bang nangyayari? Hindi ko magets. Nasamid naman sina Wayne, Toffer and Dustin.

“Miss ,sorry na po. Nagmamakaawa po ako, patawarin niyo po ako. Please!”

“Huh?” Napatingin ako kay Kurt. Kaso umiwas siya ng tingin sa akin, tumingin lang siya sa soccer player na nakaluhod sa harapan ko.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon