[11] How To Do The Laundry?

1.1M 27K 3.4K
                                    

CHAPTER 11: How To Do The Laundry?

KAYE ANNE’ S POV

Akala ko nawala na sa tamang pag-iisip yun nung nakita niya si Nathan. Tama rin pala siya, cute si Nathan sa malapitan. Ahh basta, ayoko sa kanya. Ang yabang ng dating. Inis kasi ako sa mga nagmomotor eh. 

Ahh .. hindi pa nga pala kami nakakapaglaba. OH MY! Paano ba maglaba? I don’t know how. T.T

I’m on my way nga pala papuntang tindahan. Grabe ang layo naman ng tindahan dito. Almost 10 minutes na ata akong naglalakad pero wala pa akong nakikitang tindahan.

Finally! I found the store already. Hahahaha ang saya! First time akong bibili sa isang tindahan at ang bibilhin ko pa ay detergent.

Aling Nena’s Store

Tindahan na nga ito.. Ano ba yan? Ang daming lalaking nakaharang sa tindahan >__< Ah,bahala na. Makikisingit ako. 

“excuse me po.. excuse me.”

Apat ata itong nakaharang na lalaki dito. Ang tatangkad pa tapos mapuputi, at nga pala ang babango din. :””>

Tama na nga Kaye Anne, bibili ka lang ng sabon, kung ano pa napapansin mo.

“excu---“

Naputol ang sasabihin ko nang makita ko si…

“Alex??” 

“oh, ikaw pala yan Kaye Anne. Bibili ka ba?”

Si alex ito ah? Kung sinusuwerte ka nga naman.

“Yup.” ^^

“Oh, hi Kaye Anne!”

Oh, si Wayne andito din pala.

“Hello, Wayne.”

Pero yung other boys hindi ko kilala. Pero infairness, ang cute nilang lahat. Walang panget.. XD

“Wow, chick!” sabay na sabi nung dalawang lalaking magkamukha. Hmmm, kambal ata eh? Pero parang hindi. Pero parang oo. Ahh ewan.

>_____>   <_____<

“Dude, wag nga kayong ganyan. Umalis kayo dyan bibili pa si Kaye Anne, nakaharang pa kayo. Layas!” Saway ni Wayne. Wow! Ang gentleman ni Wayne >/////////<

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon