[41] The Confession

1M 25.1K 4.7K
                                    

CHAPTER 41: The Confession

 

KAYE ANNE’S POV

Monday na naman. Ang bilis talaga ng araw. Parang nung Friday lang, birthday ni Nathan ah. Anyway, speaking of his birthday, wala na akong matandaan after our performance. Tipsy na ako that night .. for the first time of my 17 years of existence in this world T___T

Parang beauty queen lang ^__^

Napagalitan tuloy ako nina dad on the phone. Nakatuntong lang daw ako ng college. Natuto na raw akong magpakalasing. Hayyst! Eh kinakabahan kasi ako nung mga oras na yun eh. I just thought na mawawala yung butterflies inside my stomach if I drink alcohol.

Nasabi na rin pala sa akin ni Gail na binasted na raw niya ng maayos si Nathan at tanggap na rin naman daw nito. Hayyst, kawawang Nathan.

Andito na kami sa E.H.U at na-swipe na namin ang mga ID’s namin. Nasa hallway na kami as of now.

“Gail,yung Math notes ko nasa sayo diba?”

“Ay, oo nga pala,” hinahanap niya sa bag niya ang math notes ko, hiniram niya kasi para makakopya ng homework. “Eto oh, thank you. Sa uulitin.”

“Sanay na ako, Gail”

“Hehehe.. that’s good..” I rolled my eyes and I heard her chuckling. Ang saya niya huh?

“Sissies!!!”

 Lumingon kami sa sumigaw. Syempre kilala na namin ang golden voice na yan. Si Chloe =___=

“Oh, bakit?” Inayos ni Gail ang buhok ni Chloe nang makalapit na ito sa amin ng tuluyan. Nakaharang na kasi sa mukha niya yung bangs niya. Ang weird niya today huh?

“Let’s talk in private. Urgent lang.” Tapos ay tumingin siya sa akin,” Kaye Anne, you need to hear me out.” And she smiled, a mischievous one.

“Ay? Pupunta pa ako sa Library eh, may nakalimutan akong i-research. Kayo nalang, i-chika mo nalang sa akin, Kaye Anne later huh?” Natatarantang sabi ni Gail.

“Ahh, sige Gail..” Nagwave na si Chloe kay Gail tapos umalis na rin agad siya.

Tumingin ako kay Chloe. Sa paraan ng tingin niya, bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano kaya ang sasabihin niya sa akin?

“Tara, Kaye Anne sa soccer grounds,” sabi ni Chloe at hinila na ako. Pagdating namin sa soccer grounds, umupo kami sa bleachers.

“Uy, Chloe. Mukhang serious talk ito ah.”

Nagsuklay muna siya ng buhok at naglagay ng powder sa mukha. “Ahh oo, actually, it’s all about you.” She stared at me for awhile.

Hala? ano ba ito? Kinakabahan ako ah. Ngayon lang siya ganito. :3

“Ano ba yun? Sabihin mo nga ng diretso, Chloe. Kinakabahan na ako eh.”

Nakita kong nilabas niya yung phone niya at nag-pipindot.

“Kaye Anne, may naalala ka ba kung anong nangyari nung Friday night? Yung birthday ni Nathan?” Inalala ko kung ano ang nangyari nung gabing yun. Actually, wala na akong masyadong maalala after Gail and Nathan left us inside the restobar.

“Lasing ako nun eh. Bakit, ano ba yun?” Napainom ako sa bottled orange juice na dala ko. Geez! Pinagpapawisan ako ah, phew!

Umupo siya paharap sa akin. Tinaas niya yung dalawa niyang paa sa bleacher seats na inuupuan namin. Sinimangutan ko nga siya. Masisilipan itong babaeng ito eh. >.>

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon