Chapter 7

63 2 0
                                    

"Calyn, sure ka ba'ng makikipagkita ka kay James? Tignan mo naman 'yung ginawa niya sa isang babae. Alam kong gwapo siya, pero 'wag naman tayong magbulag-bulagan."

Sunod-sunod ang rants ni Elaine pagkatapos kong ikwento ang ilang parte sa pag-uusap namin ni James.

"Naisip ko lang..." Tumigil ako sa pag-aayos ng gamit at napatitig na lang sa kawalan.

"Ano?" Iritableng pahabol na tanong no Elaine. "Ano? Na baka may pag-asa talaga kayo? Sabihin na nating meron, gusto ka niya... pero sigurado ka bang hindi ka lolokohin?"

"May relasyon bang kahit minsan, hindi nanloko ang isa?"

Pagkasabit ko ng bag sa balikat ay lumakad na 'ko palayo Kay Elaine. Oo, tama siya, baka nga umaasa akong may magandang patutunguhan kung mas kikilalanin ko pa so James.

But more than this, gusto ko rin maghanap ng sagot. Kahit na sa ngayon, hindi ko pa alam ang mga eksaktong tanong.

***

Nasa waiting area ng college building namin so James.

Nakatayo, nagce-cellphone.

Bago ko pa siya lapitan, tumigil muna ako at tinitigan siya.

Naisip ko, what did I ever do to have this guy's attention to me?

Si James na napaka-gwapo.

Si James na kayang magpasagot ng kahit sinong babae.

"Hi," Sambit ko pagkalapit sa kanya, "kanina ka pa?"

Ngumiti siya bago sumagot. 'Yung ngiting gugustuhin mong makita araw-araw.

"Hindi naman, five minutes ago?"

And then we started walking.

"So, how are you, Calyn?"

This is what I like about James. Sa ilang araw na paghatid sundo niya sa'kin, palagi niyang tinatanong kung kumusta ba ako.

"I'm okay. Maraming requirements and deadlines, pero kaya naman."

"If you need anything, I can help."

"Sure akong busy ka din sa projects mo. I can manage with Elaine."

Papalapit na kami sa bus stop. Napansin siguro ni James na napatingin ako sa isang cafe na nadaanan namin kaya bigla na lang siyang nag-offer,

"Okay lang ba kung pumasok tayo saglit?"

Hindi naman ako tumanggi. Gutom na rin.

"Anong order mo?" Tanong niya, at bago ko pa ma-ilabas ang wallet ko, "my treat,"

"Anything with strawberry,"

"Okay, strawberry."

Sinundan ko siya ng tingin. Kahit nakatalikod, ang gwapo niya pa rin.

Baka may karapatan na 'kong mag-assume ngayon na may gusto rin talaga siya sa akin.

"Nag-order na rin ako ng sandwich, baka magutom ka sa biyahe." Inilapag niya ang tray sa lamesa.

One strawberry cheesecake for me, one salted caramel late for him, and two tuna sandwich.

Kagutom.

"Thank you, James."

"Calyn, can you call me, Jay?"

For all I know, kapag tinawag ko siyang Jay, I become part of his closest friends and family.

"Okay,"

"Actually, may gusto rin akong sabihin sayo,"

My heart skipped a bit.

Ito na siya.

Ito na nga ba?

"Next week, my parents will be coming home."

Ipapakilala na niya 'ko? As his girlfriend?

"For business purposes. As stakeholders, kailangan nilang unattended sa annual gathering ng Ryx group. They require me to join them."

I sipped on my drink. Nireready ko lang ang puso ko.

"Calyn, I never had a legal relationship before, with anyone. Ayaw ng parents ko kahit kanino, kahit sinong ipakilala ko sa kanila."

So this is going to be me and you against the world, huh?

"Maybe you've seen me with a few girls in school. Most of them, binibigyan ko ng flowers, or any gifts to apologize."

Now he's here to explain.

"Yung mga babaeng 'yon, ex mo?"

"Some of them, yes, some of them napaasa ko. Kaya sinusubukan kong bumawi."

"Wait. James - I mean Jay, kung ex mo sila o niligawan dati, 'di ba dapat hindi ka na magpakita ng kahit ano pang motibo? Pagbibigay ng bulaklak o kung ano man, pagsusuyo, Jay, everyone thinks na kung sino-sino ang nililigawan mo."

Feels so good to finally get this out of my chest.

"I know, I know." Pag-uulit niya. "I just feel so bad, Calyn. But they were threatened by my parents."

"In what way?"

"Nawalan ng trabaho ang mga magulang nila, because of my parents' connection. Yung iba... even death threats."

Napalunok ako.

Hindi pala biro ito. Whether it's true or not, whether he's being sincere or not, I realized na nasa panganib rin pala ako.

Naisip ko din, 'yung nangyari sa'min ni Elaine, may koneksyon din kaya iyon dito?

"So...gusto mo ba 'kong lumayo?" I asked.

"No, Calyn. I will do anything to protect you."

And I will never forget that he just said that.

"Nu'ng nakita kita... Nakausap, you remind me of someone. No, you look exactly like her."

"One of your past girlfriends?"

I waited for his answer, hoping na hindi ang isagot niya. Ayoko namang maging replacement ng isang tao sa buhay niya. Kung ganu'n din lang pala, wag na lang.

Umiling siya.

"No, but she's special to my parents. She's to special to everyone who knows her... My sister, pero wala na siya. She died years ago."

"I'm sorry to hear that," Napayuko ako at napahinga ng malalim. I don't know her, I don't know his family. Pero ramdam ko ang bigat ng lungkot sa mga mata niya.

"No, it's okay. Gusto ko lang sabihin and be transparent to you."

I appreciate him even more. Right now, I know he's trying to gain my trust.

"Maybe this is too much or too early to ask, but maybe you can consider."

He paused and had a sip of his coffee. I waited.

"Calyn, pwede mo ba 'kong samahan next week? Will you be my date?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now