Chapter 4

122 4 1
                                    

Naniniwala na talaga akong pinagtatagpo ng tadhana ang mga taong pareho ng dinaramdam para tulungan nila ang isa't-isa at magdamayan.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ngayon, dali-dali akong pumasok sa kwarto para sumulat sa notebook ko. Sinarado ko na din ang pintuan dahil malamang, may recorded call nanaman si mommy.

'Dear Calyn,

Nakilala ko ngayon si kuya Japs. Hindi ako natakot sa kanya kasi mukha siyang mabait. At malakas talaga ang kutob ko na may dahilan kung bakit kami nagkita. Maaaring para ipaalala sa'kin na 'wag masyadong mahulog ang loob sa taong hindi kayang magbigay ng label. Kasi si kuya Japs, hindi naman naging sila, pero mahal na mahal niya 'yung babae.

Alam kong hindi pa naman ganoon kalalim 'yan nararamdaman mo para kay James, pero pwede ba'ng itigil mo na ang kakaisip sa kanya? Itigil mo na bago pa lumalim 'yan. Ikaw lang din naman ang masasaktan sa huli.'

Itinabi ko na ang diary at humiga sa kama. Ang OA nu'ng umiiyak na 'ko ngayon. Kaya ba 'ko nasasktan ng ganito kasi matagal ko na siyang crush, at ngayong akala ko may pag-asa na kami, mas lalo ko siyang nagustuhan?

***

Last day na ng mga organization booth ngayon, at may napili na 'kong gustong-gusto kong salihan. Kaya lang, wala pa si Elaine. Palagi pa namang mas maaga sa'kin 'yon.

"Hi! Would you like to join the Old Soul's Club?" Nakangiting tanong ng isang senior nang makita niyang ang tagal ko nanag nakatayo sa harap ng booth nila.

Hindi literal na ang ibiga sabihin ng Old Soul ay Matandang Kaluluwa. For literature lovers, it means appreciating the traditional or having wider thoughts than ordinary people.

Naturingan na din akong writer at reader, feeling ko talaga dito sa organization ko na mahahanap ang college growth ko.

"Calyn, are you signing up?"

James is here. James is asking me.

Matapos niya 'kong pakiligin at ligawan ang ibang babae, sino siya para kausapin ako?

"Ah, oo," nakangiti kong sabi at nag-register na. Sabi ko hindi ko na papansinin 'tong lalaking 'to e.

"Makakasama pala kita, I registered yesterday e."

"Talaga? Mahilig ka din pala magsulat?"

E kung binibilisan mo na ang pagreregister diyan Calyn, para maging successful naman ang operation pag-iwas mo?

"Hmm, not really. I think I'm just an old soul."

That's it. I give up. I like him again.

"Oh wow. Hindi halata ha," Komento ko. Wala kasi siyang makapal na glasses tulad ko. Pero hindi lahat ng old soul e may salamin. Mahilig lang akong mag-stereotype. Malay mo 'yung iba naka-contact lens.

"By the way, okay ka na ba? Wala namang trauma?"

Bakit ba concerned na concerned sa'kin ang lalaking 'to? At bakit ang galing galing niyang magpakilig?

"Wala naman." Nakangiti kong sagot. Huminto ako para tanungin ang matagal nang gumugulo sa isip ko, "alam mo ba kung paano ako nakaligtas? I mean, para kasi akong lumipad ng mga oras na 'yun e."

"Hinila kita. Hindi mo ba natatandaan?" Sagot niya.

But I know something illogical has happened. Alam kong hindi niya lang ako basta hinila.

"Ah, thank you ulit. Kung hindi dahil sa'yo, malamang wala na 'ko." Sabi ko na lang.

"Calyn,"

Ayan nanaman po 'yung puso ko—nagwawala nang tawagin niya ang pangalan ko.

"It's better if you don't overthink things." Nang sabihin niya 'yon ay sumenyas na siyang mauuna na siya.

So, eto na ba 'yung way niya para sabihing wala lang 'yung mga pagligtas at pinapakita niyang concern sa'kin nu'ng dalawang beses nang malagay sa alanganin ang buhay ko? Ganu'n na lang 'yon?

"Kuya Japs?" Hindi ko inaasahang makakasabay ko ang lalaking nakilala ko lang kahapon dito sa loob ng school.

Inassume ko na tuloy na dito siya nagtatrabaho, o baka kumukuha ng masteral?

"Hey, Calyn." Bati niya. Lumapit ako at sinabayan siyang malakad.

"Ano pong ginagawa mo dito?"

"Ah, Dean ako ng College of Engineering."

Para akong binuhusan ng nag-uusok sa lamig na yelo. Dean. Isa siyang DEAN sa Unibersidad na pinag-aaralan ko. Tapos kung maka-Kuya ako, sobrang feeling close lang.

"Don't worry, you still have my permission to call me kuya." Ngingiti-ngiti nitong sabi. "At hindi pa naman ako gano'n katanda."

"Buti na lang hindi ako engineering student," bulong ko at napakamot sa ulo. "Ah sir, sir na lang po itatawag ko sa'yo."

"Whatever you want."

"Sir Japs!" Tumakbo ako ng kaunti para unahan siya. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa. Feeling ko talaga matagal na kaming close kaya kahit asarin ko siya, ayos lang.

"Close kami ng dean ng college of engineering!" Kung andito lang yung bestfriend kong si Elaine, malamang makiki-join 'yon.

"Kuya! Kuya Japs!"

Habang nakangiti itong nakatingin sa'kin, napansin kong bumuka ang bibig niya. Isang pangalan ang nabanggit niya, pero hindi naman ako magaling sa lip-reading kaya hindi ko ito nahulaan.

Tumigil na 'ko sa pang-aasar at baka sabihin pa nitong wala akong respeto.

"Kuya sir, una na po ako!"

"Kuya sir?" Pag-uulit pa niya.

"Byeee!"

***

Hindi pumasok si Elaine. Ang galing. Buong araw akong mag-isa sa lahat ng subjects. Dapat na ba 'kong maghanap ng bagong bestfriend?

Tumunog ang phone ko; tumatawag si Elaine. Siguro na-feel niyang papalitan ko na siya bilang bestfriend ko. Naka-mute ang hologram niya kaya through voice lang kami makakapag-usap.

"Bakit hindi ka pumasok?" Bungad ko, "Alam mo ba kung gaano kadaming school works ang na-miss mo?"

"Calyn,"

Napahinto ako nang mapansin kong seryoso ang boses niya.

"Calyn," inulit niya ang pagsabi sa pangalan ko.

"U-uy... okay ka lang ba, Elaine? May nangyari ba? Umiiyak ka ba?"

Tahimik siyang humihikbi. Naalala ko 'yung sinabi ni mommy. 'Wag naman sana, 'wag naman kay Elaine, please. 'Wag sa bestfriend ko.

"B-bakit? Anong problema?" Naramdaman kong umiiyak na din ako sa panic. "N-nasa'n ka?"

"Sa bahay... dito sa bahay, puntahan mo 'ko."

"O-okay... ngayon na? Ngayon na, pupuntahan kita." Naglalakad na 'ko palabas ng school.

"Calyn, ikaw lang mag-isa ha? May nakabantay dito... hindi ko siya makita, pero 'wag kang magsasama ng kahit sino."

"O-oo... wala ba 'yung mga magulang mo diyan? Hindi ka ba nila sinasaktan?" Naputol ang tawag na para bang may nanadyang patayin ito.

Tumatakbo na 'ko habang umiiyak. Wala na 'kong pakialam sa ingay ng highway. Gusto ko lang makita ang bestfriend ko. Gusto ko lang malaman na ligtas siya.

Napahawak ako sa bibig ko nang maramdamang nasusuka nanaman ako. Hindi kasi maalis sa isip ko 'yung brutal na kwento ni mommy. Huminto muna ako sa may basurahan para sumuka. Paano na 'pag nakita ko si Elaine? Paano kung may dugo? 

Paano kung...

Agad kong pinilit bumangon at tumakbo ulit. Hindi ako pwedeng magpadala sa takot ko. Hindi ako pwedeng umatras kung ako naman pala ang kailangan at ginamit lang ang bestfriend ko para makuha ako.

Pero ano nga ba'ng papel ko? Bakit ako? 

The Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now