Chapter 5

142 3 0
                                    

Chapter 5

Hindi naka-lock ang gate at ang pintuan ng bahay nila Elaine. Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi at maingat na tinulak ang pinto.

Wala man lang kailaw-ilaw sa loob kahit hindi pa naman nakalubog ang araw.

"Calyn? Calyn, ikaw na ba 'yan?" Hinang-hina na ang boses ni Elaine; para bang kanina pa siya naghihintay na iligtas ko siya.

Nanginginig ang boses ko nang tawagin ko siya. "Elaine? Nasa'n ka?" Bawat paglakad ko, pakiramdam ko ay mahuhulog ako sa kung ano mang hukay ang hinanda ng taong gumawa nito.

"Calyn,"

Mas lumakas na ang pagtawag ni Elaine; ibig sabihin malapit na lang siya sa'kin. Hanggang sa nagkabungguan na yata kami ng ulo.

"E-elaine?"

Nakatayo ang bestfriend ko—may tali ang kamay at paa niya, habang nakapiring naman ang kanyang mata. "Elaine..."

"Calyn? N-nakikita mo na ba siya?"

Sa mga oras na 'yon, buong tapang kong kinalas ang pagkakatali sa kanya. Hindi nga lang madali dahil sobrang nanginginig ang mga kamay ko sa takot.

"Hindi ko alam, wala akong makita... 'pag naalis ko na 'to, tatakbo tayo ha?"

Kahit pa magbulungan kami, ramdam kong may tao sa paligid at nagmamanman sa'min.

Nang maalis ko na ang piring ni Elaine ay bigla na lamang akong napatumba sa sahig. Para akong hinagis ng malakas na hangin, katulad ng scenario nu'ng muntikan akong mabangga ng truck.

"Calyn!" Sigaw ni Elaine. Pilit niyang inaalis ang sarili mula sa pagkakatali.

Wala akong nakikita, pero bigla na lamang akong napasigaw nang may matalim na bagay ang dumaplis sa braso ko.

"D-dugo..."

"Calyn!" Tumakbo palapit sa'kin si Elaine na para ba'ng bigla na lang siyang nakawala. "Calyn, kaya mo pa bang tumayo? Aalis na tayo..." Sabi niya habang umiiyak at nakayakap sa'kin, pero unti-unti na lang akong nawalan ng malay.

Ayaw na ayaw ko talagang nakakakita ng dugo.

***

Ligtas kami. Alam kong ligtas kami dahil sa ospital ako nagising at hindi sa kung anong nakakatakot na lugar.

"Calyn?" Nasa tabi ko ang tita ko. Siya pala ang nagbantay sa'kin.

"Tita, si Elaine po?"

"Okay na siya, nasa kabilang kwarto siya, nagpapahinga na din."

"Yung parents niya po? Kasama na niya?"

Tumango si tita. Gusto niya 'kong bigyan ng assurance, pero hindi pa din ako mapakali.

"Calyn, natatandaan mo ba 'yung mga nangyari? Kaya mo na bang sabihin sa police para sa report at mahuli na 'yung gumawa nito" Malumanay na tanong ni tita.

"Pero gusto ko po munang makita si Elaine..."

Pumayag naman sila agad at inalalayan akong lumabas ng kwarto, May ilang pulis na rin ang nasa kwarto ni Elaine pagdating ko.

"Elaine!"

"Calyn!"

Dali-dali naming niyakap ang isa't-isa. Para kaming kambal na hindi nagkita ng sobrang tagal.

"Okay ka na ba, Elaine? Wala namang masakit sa'yo?" Tanong ko. Punong-puno pa din ako ng pag-aalala.

"Okay na ko, wala din namang ginawa sa'kin kundi itali ako sa bahay at tawagan ka. Calyn, wala daw silang makuhang trace... may nakita ka ba nu'ng pumasok ka? Kahit ano na pwedeng magbigay ng lead kung sinong may gawa nito?"

Sa sobrang advance na ng teknolohiya ngayon, imposibleng mahirapan na ang mga awtoridad na manghuli ng kriminal.

"Nu'ng nasugatan ako, wala naman akong naramdamang lumapit sa'kin. Wala kahit ano..." Napatulala na lang ako.

Hindi ko lubos maisip kung anong meron at bakit nangyayari sa'kin 'to. Maging ang mga pulis, hindi alam kung paano iimbestigahan ang kasong walang kahit anong ebidensya.

***

Hinatid ako ng mga pulis sa bahay for my safety na din. Alam kong busy din si tita kaya pinilit ko siyang umuwi na sa kanila.

Pagdating ko ay nasa tapat ng bahay ko si James. Malamang nahanap niya ang address ko sa registered account ko sa hologram.

"Calyn, nabalitaan ko 'yung nangyari sa inyo ni Elaine. Okay ka na ba?"

Nakakakilig. Pero ang sakit. Kasi alam kong may iba naman siyang gusto.

"Okay na 'ko, James. Sugat lang naman 'yung tinamo ko." Pagkatapos ay inabisuhan ko na din ang pulisya na okay na 'ko. May security din naman sa subdivision, at safe sa bahay namin.

"Bakit ka nga pala andito?" I mean, bakit siya sobrang concerned sa'kin?

"I was worried..."

Hindi na 'ko kumibo pa at dumeretso na lang sa bahay. Sa totoo lang, nakakakonsensya na bigla ko na lang siyang iniwan sa labas. Pero gusto ko munang mapag-isa at magpahinga.

"Calyn? Anak?" Nag-play ang recorded calls ni mommy as soon as I entered. "Tumawag sa'kin ang tita mo, I'm really sorry wala ako diyan para bantayan ka... I know my work should not be an excuse, but I'm really sorry baby. Call me as soon as you get home, please?"

Sunod-sunod ang pangangamusta sa'kin ni mommy. Hanggang sa itinigil ko na ang pag-play ng calls. I dialed her number, but service unavailable so nag-record na lang din ako.

"Hi ma, okay na po ako, nakauwi na ko. You don't have to worry that much, wala naman pong nangyari sa'kin. Baka prank lang po 'yun."

I took a shower after that. Ang sabi sa'kin, pwede ko na daw alisin 'yung benda sa sugat ko. Pero parang hindi ko pa kayang harapin 'yung takot ko sa dugo.

Napansin kong umiilaw 'yung sensor sa light sa may pintuan; senyales na may tao sa labas. Pagkasilip ko, andu'n pa din si James.

"James? Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Can I stay with you?" Seryoso niyang tanong, "for a while?"

Natutunaw na yata ako sa mga oras na 'to. Pero bago mangyari 'yun, pinapasok ko na siya at baka mahalata pa niya sa mukha ko na hindi ko na kinakaya ang mga pangyayari. 

"Water? Juice?" Offer ko sa takot na baka wala akong ibang masabi.

"No thanks, I'm fine." Sagot niya in a nice way. "You live alone?"

Assumera na kung assumera, pero bigla ko lang natanong sa isip ko kung gusto ba niya kong samahan at natanong niya 'yon.

Tumango ako. "Nasa abroad si mommy, pero kita mo naman, secured ako dito. Halos lahat ng gawaing bahay, technology na ang gumagawa,"

Hindi siya kumibo. Natigilan na din ako dahil sa seryosing titig niya.

"Uhm," ang awkward, super. At sa ka-akwardan, feeling ko lumalabas na ang oiliness sa mukha ko. Lalo na nu'ng bigla siyang lumapit at yakapin ako.

"I'm sorry,"

"B-bakit ka nags-sorry?" Sorry ba dahil naaawa siya sa'kin, o sorry dahil may kinalaman siya sa nangyari?

"Sorry, Calyn,"

Hindi ko alam na isa lang pala ito sa madaming 'sorry' na maririnig ko mula sa kanya.

Hindi ko alam, pero sa mga sandaling 'yon, magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko.

The Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now