Chapter 1

206 6 0
                                    

Isa akong old school na babae.

Kahit pa kinain na ng sistema ng teknolohiya ang mga kabataan ngayon, ako etong libro pa din ang hawak. Hindi ko naman sinasabing napag-iwanan na 'ko ng mga bagong labas na gadgets. Sadyang mahilig lang akong magbasa at makinig ng mga lumang kanta.

"Carolyyyynnn!" Kung makatili talaga 'yung bestfriend ko, akala mo hindi kami nagkita kahapon. "Nakita mo na ba 'yung schedule natin? Magkaklase tayo sa lahat ng subjects!"

Nakayakap pa din siya habang sinisigaw ang magandang balita.

"Malamang, same course tayo e! Teka nga Elaine, 'wag mo naman akong sakalin."

"Sorry, excited lang talaga ako since alam mo na, first day sa college."

Freshman.

Finally, pagkatapos ng madugong pag-aaral sa senior high school, nasa maganda at kilalang unibersidad na din ako. Isa na 'kong official Psychology student.

"O tara na bilis, baka ma-late pa tayo sa orientation!" Excited na sabi ni Elaine at hinila na 'ko.

Bawat daanan namin ni Elaine ay may mga naka-set up na booth. Kung hindi nakapaskil ay isinisgaw na lang ng mga tao doon ang mga salitang, 'JOIN US!' para ma-engganyo lahat ng freshmen.

"May naiisip ka na ba'ng salihan?" Tanong ni Elaine.

"Ayoko, baka mawalan ako ng time sa future boyfriend ko." Pareho kaming tumawa sa komento ko.

Nangako kasi kami sa isa't-isa na bawal mag-boyfriend sa high school, kaya naman ngayong college, malaya na kaming ma-inlove.

'Di ba nga, sa sobrang hirap na ng mga ginagawa sa kolehiyo, kailangan mo din ng inspiration!

"Baliw ka talaga Calyn, mas madami tayong makikilala kapag sumali tayo sa org!"

Patawid kami ni Elaine sa kabilang lane nang biglang may sumigaw, "Tabeeee!!!" halos mailipad na kasi ang bike na sinasakyan niya.

Ako naman 'tong magugulatin, imbis na tumabi ay na-stuck pa sa kinatatayuan ko. Para akong na-glue. Ang loyal ko namang best friend, hindi man lang ako hinila para iligtas. Ang galing, 'di ba? Pero hindi pa rin talaga ako makagalaw kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

Naramdaman ko na lang ang mabilis na pagyakap sa'kin ng isang tao, pagkatapos ay nagpagulong-gulong kami sa damuhan. Hawak niya ang ulo ko na para ba'ng ako na ang pinaka-importanteng nilalang sa buhay niya.

Kakasabi ko lang na old school ako. So malamang, iniisip ko na kaagad na simula na ito ng love story ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Ayos ka lang?" Hinihingal na tanong ng lalaki. Pero hindi lang siya basta lalaki. Kilala ko siya.

"J-James...?" Kaklase ko 'to nu'ng high school. Mas kilala siya sa palayaw na 'Jay-Jay', pero hindi naman kasi kami gano'n ka-close para 'yun ang itawag ko sa kanya, 'di ba?

At nako po, sobra-sobra ang pagdadasal namin ni Elaine para hindi tuluyang mahulog ang loob sa lalaking 'to noong high school. Lahat na yata ng babae may gusto sa kanya! Ayaw na naming sumampid pa. Pero bakit naman sa first day ko, siya pa ang unang lalaking nakaharap at nakausap ko? At ganito pa ang scenario!

"Ah, magkakilala pala tayo," tugon niya. Ano nga ba'ng ineexpect ko. As if matatandaan niya ang ko.

Tumayo siya at inalalayan din ako patayo. May sugat siya sa braso at binti niya.

"I-ikaw ba 'yung nasa bike kanina?" Nahihiya kong tanong. May sugat ako sa binti, kung bakit kasi pabida ako at nag-palda pa 'ko. Pero kumpara naman sa mga sugat niya, wala ito.

Tumango si James. "Bakit kasi hindi ka tumabi? May mangyayari ba kung pipikit ka sa gitna ng daan?"

Wow. What is wrong with this guy? Siya na nga 'tong muntik maka-perwisyo e!

Nilapitan na kami ng ibang mga estudyante para maki-usisa. Kita naman, buhay pa naman kami pareho.

"Uy, Calyn, ayos ka lang?" Tanong ni Elaine. 'Yung mga mata niya, sumesenyas pang 'Si James 'yan!'

"Let's go to the clinic." Biglang sabi ni James.

"Huh? 'Wag mo na 'kong isama, maliit na sugat lang naman 'to." Sagot ko, kahit na 'yung best friend ko e tinutulak-tulak na 'kong pumayag. Akala mo naman niyayaya akong makipag-date.

"You still need a check-up. Paano kung may iba pa'ng complications? This is my fault, I have to take responsibility."

"Oo nga girl, paano kung magka-amnesia ka na?" Pagsingit pa ni Elaine. Tinignan ko siya ng masama. Kung hindi ba naman kasi niya 'ko bigla na lang iniwan sa gitna.

"Ang OA mo, amnesia agad."

"Let's go." Muling sabi ni James. Bigla na lamang siyang tumalikod at lumuhod, hinihintay na lang na sumampa ako.

Wait lang ha, hindi pa 'ko ready. Hindi pa talaga.

Napahawak si Elaine sa kanyang mukha sa sobrang kilig. Ramdam ko 'yung pagsisigaw at paghampas-hampas niya sa'kin sa isip niya.

"P-pero, sugat lang naman 'to..."

"Sige na, Calyn! Bilisan mo na at baka ma-late pa tayo!" Ang loka-lokang si Elaine na ang tumulak sa'kin para sumampa sa likod ni James.

My goodness, my heart. Hindi na lang ako nakapagsalita lalo na nu'ng tumayo na siya at mas napakapit ako. Ang daming kinikilig sa paligid namin habang pinagmamasdan ang sweet moment na ito.

Si Elaine naman ay may pa-video pang nalalaman. Bahala kayo diyan. Today marks my very first interaction with the ever perfect 'James Danes'. 

The Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now