Chapter 6

73 2 0
                                    

Sa mga nag-attempt na ligawan ako dati, ang palagi ko lang sinasabi, 'Hindi pa ko ready'.

Hanggang sa na-realize ko na lang, wala naman talagang handa para sa pag-ibig. Walang nakakapag-plano kung kailan at saan niya gustong magkaroon ng romansa sa buhay.

No one's ever ready till someone worthy redefines love again in a very special, genuine way.

"So wait, ang ibig mo bang sabihin, may something na sa inyo agad ni James kahit na alam naman nating pareho na may nililigawan siyang iba?" Nakakunot-noong tanong ni Elaine.

"Hindi naman ako nag-aassume na may something agad,"

"Then bakit nga hinahatid-sundo ka niya, at maya't maya ka pang kinakamusta na parang anytime, may pwedeng mangyaring masama sa'yo?"

"Baka concerned lang 'yung tao. After all, nagsunod-sunod din naman 'yung mga muntikang aksidente sa buhay ko. Himala na lang talaga kung pa'no ako nakakaligtas."

Baka nga concerned lang talaga siya as a normal, human being. Baka instinct niya lang 'yon. Nothing special.

"Calyn," hindi ko pa nililingon ang taong tumawag sa'kin, alam ko na kung sino ito. Hindi ko lang alam kung bakit - bakit nag-aaksaya siya ng oras sa isang tulad ko?

Tinalikuran ko si Elaine para harapin si James. Bigla na lamang lumakas ang ihip ng hangin sa paligid namin, na para sumasayaw at nagdidiwang ang mga puno sa pagkikita namin. 

Bahagya akong tinapik ni Elaine para bumulong, "sino nanaman 'yung kasama niya?"

Napatingin rin ako sa gawing kanan ni James kung saan nakatayo ang maganda, ngunit kunot-noong babaeng nakatitig sa'kin. Kung girlfriend man siya ni James, maybe it's a sign na dapat na kong lumayo.

"Pwede ka ba mamaya? Sabay tayong umuwi." Seryosong tugon ni James. 

Tumaas ang kilay nu'ng babae at kinwestyon ang lalaki, "James? 'Di ba may lakad tayo? Nililigawan mo ba talaga ako?" Nang wala siyang narinig na sagot mula kay James, padabog siyang umalis at lumakad palayo.

Napapikit na lang ako sa scenario. Sa totoo lang, nawi-weirduhan na rin ako sa lalaking 'to. 

"Ano ba'ng kailangan mo sa'kin?" Iritable kong tanong.

"Galit ka ba sa'kin?" Tanong niya, as if he has no idea. Hindi niya ba talaga makita kung anong mali sa sitwasyon?

"James," pagsingit ni Elaine, "bakit nangingibang-bakod ka kung may nililigawan ka na pala?" 

"Hindi ko siya girlfriend." Mariin niyang sagot. "And what do you mean, nangingibang-bakod?"

"Hindi mo ba talaga gets?" Agad kong pinatigil si Elaine at baka kung ano pa ang masabi niya. Mahirap na. Ayoko namang mapa-away kami sa isang kilalang James at malaman pa ng buong unibersidad.

"Elaine mauna ka na, susunod ako." 

"Sure ka?" Paninigurado niya, at saka muling bumulong, "balitaan mo ko ha. Huwag bibigay agad."

Umirap ako sa komento niya. After everything that has happened, sure akong overprotective na ko sa sarili ko. Even if it meant avoiding the guy who saved me. 

"Calyn," muli siyang nagsalita pagkaalis ni Elaine. "I just want to make sure you're safe."

"James, hindi ko talaga maintindihan kung bakit sobra 'yung concern mo sa'kin." Okay, kailangan masabi ko na sa kanya lahat ng nararamdaman ko. No filter. 

"Simulan natin sa bike. Minor accident lang naman 'yon, tinulungan mo ko doon, I was thankful. And then 'yung truck. It's also not your fault na muntik akong mabangga. Alam mo naman kung gaano ako ka-thankful sa'yo sa pagligtas mo sa'kin, 'di ba? At 'yung nangyari sa'min ni Elaine... wala ka namang kinalaman doon, 'di ba?"

Naghintay ako ng sagot. 

Pero wala, lumakas lang ulit ang ihip ng hangin at pagsayaw ng mga puno. Inikot ko ang paningin ko. Wala namang senyales na babagyo, pero bakit bigla-bigla na lang nagkakaganito ang panahon? Hinimas ko ang braso ko dahil sa unti-unting paglamig. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagpatong ng jacket ni James sa balikat ko. 

"Jay-Jay?" 

Kumunot ang noo ko nang makita ang College Dean ng Engineering. Si Kuya Japs. 

Tumigil ang malakas na hangin, ngunit wala na 'ko sa wisyo para maalalang nasa'kin ang jacket ni James.

"Jay-Jay, kumusta?" Lumapit si kuya at inakbayan si James. "Ngayon na lang ulit kita nakita."

Nanliwanag ang mga mata ni James, siguro dahil dati pa silang malapit sa isa't-isa. Ngayon curious tuloy ako kung paano sila nagkakilala. 

"Oh, Calyn?"

"Hi po, kuya-" Napatigil ako nang maalalang nasa school ground pa rin ako, kailangan kong gumalang. "Sir Japs,"

"Sabi ko naman sa'yo kuya na lang. Magkakilala kayo? Close kayo?"

Tinignan ko si James. Tinignan niya rin ako. Ano nga ba kami? Ano ba ang mayroon sa'min?

"Hindi pa ba kayo male-late sa klase?"

"Ah," umiwas na ko ng tingin at bahagyang napayuko. "Mauna na po ako."

"Hihintayin kita, Calyn."

Hindi na 'ko nakasagot pa sa sinabi ni James. Suot pa rin ang jacket niya, lumakad na 'ko papalayo.  

Ilang lakad na lang mula sa office building namin, sumunod si kuya Japs at saka ako tinawag. "Calyn, wait."

"Kuya Japs?"

"Can I borrow your phone?"

"Huh?" Hawak ko lamang ito kaya madali ko naman naibigay. Sana lang natanong ko muna siya kung para saan.

"James is a kind guy, Calyn. Para ko na siyang kapatid." Kwento niya habang tinatype ang kanyang number sa aking cellphone. "But if anything happens, call me."

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" 

Ngumiti lamang siya, sinoli ang cellphone sabay sabing, "You really look like her, Calyn. And I'm worried na baka dahil doon..."

Hinintay kong ituloy niya ang sinasabi. Pero agad siyang umiwas ng tingin at saka nagpaalam. Anong dahil doon? Sinong sinasabi niya? 

"Kuya Japs?" 

"I have to go. Stay alert, okay?" 

"Anong sinasabi mo? Kuya Japs!" But just like that, he left me hanging. 

Kung sa tingin niyang hindi ako matatakot kung hindi niya sasabihin, mas lalo lang akong mag-aalala. Mas lalo ko lang iisipin na may mga susunod pang trahedya ang kailangan kong harapin. 

God save your soul, Calyn. 






The Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now