Chapter 3

113 6 3
                                    

Pinapatuloy ko siya sa bahay, pero ayaw niya. Chivalry is 100 times dead na daw, but James proves that it is not.

Old school na 'ko sa lagay na 'to ha, paano pa kaya siya?

Nakatayo lang siya sa tapat ng gate para masigurong makakapasok ako ng maayos.

"Thank you ulit, James. Ingat ka pauwi." Iyon na lamang ang sinabi ko at pumasok na sa loob.

Napasandal ako sa pintuan. Ang lakas pa din ng tibok ng puso ko.

"Hi baby! Are you home?" Napatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang auto-message mula kay mommy sa abroad.

Naka-install kasi ang sensor ng phone sa bahay, para pagdating ko, automatic na magp-play ang recorded calls ni mommy sa'kin. Para daw ma-feel ko na kasama ko pa din siya.

I am a daughter of an amazing single mom. Ngayong college lang siya naglakas-loob tanggapin ang offer sa kanyang tumira sa ibang bansa at maging researcher ng United Nations.

Iniisip ko tuloy, siguro nagmana ako sa namayapang tatay ko kasi hindi naman ako gano'n katalino hindi tulad niya. Masipag lang akong mag-aral para naman kahit papaano, ma-ipagmamalaki niya din ako gaya ng pagmamalaki ko sa kanya.

"Yes mommy, home na po." Sagot ko as if live kaming nag-uusap.

"I'm sure you did well on your first day!"

Hay mommy, kung alam mo lang kung gaano kadaming nangyari ngayon araw na 'to.

"Anyway, I have some interesting news for you, anak." Lahat yata interesting sa nanay ko. "But this is kind of creepy okay, kumakain ka ba?"

"No mom, I'm not."

"Okay, 'wag ka muna kakain ha. Alam mo ba'ng may dinedevelop na ang mga scientist para bumuhay ng patay?"

Oh my, ang creepy nga. Talaga 'tong nanay ko. Dapat ba pinapasok ko na lang si James?

Lumapit ako sa phone para i-off na sana ang recorded call, hanggang sa na-intriga ako sa mga sunod na sinabi niya, "Kilala mo ba si Dr. Danes? It was years ago pa kasi nu'ng nag-experiment siya para buhayin ang namatay niyang asawa."

"Danes?" Si James Danes agad ang pumasok sa isip ko. Pero malamang hindi lang naman siya ang may apelyidong 'Danes'.

"And now, some scientists are doing their best to produce an effective chip that will make the dead living again! Alam mo, naisip ko nga 'to sa daddy mo e, kaya lang kailangan pala preserved ang body at hindi na-agnas."

Iniimagine ko pa lang, nasusuka na 'ko.

"Oops, sorry, I forgot sensitive ka pala sa mga ganitong bagay. Anyway, binalita ko lang kasi I want you to be careful especially these days. May rumors na may nangunguha ng mga dalaga para mag-conduct ng experiment. And it's happening worldwide! Ang ginagawa nila, pinapatay muna nila 'yung mga naki-kidnap nila, and then nilalagay sa isang parang malaking fridge, pagkatapos,"

I turned off the phone and vomited. Masyado yatang nag-enjoy ang nanay ko sa pag-kwento at nakalimutan niyang mahina ang sikmura ko sa mga gano'ng balita.

Buti na lang, hindi na uso ang map. Inactivate ko ang auto-vacuum at ito na mismo ang naglinis sa nadumihang sahig. Mom makes sure I have the latest technology at home lalo na't madalas siyang wala para sa mga gawaing-bahay.

After turning on the TV, umupo na 'ko sa sofa para magpahinga. Iba na talaga ang panahon ngayon, ultimo buhay pinaglalaruan na.

***

The Perfect BoyfriendWhere stories live. Discover now