26: Brother-in-law

25.5K 186 20
                                    

Chapter 26

Alyx’s POV

“Bakla, anong nangyare? Namumutla ka!!” Rica

“Alyx. Okey ka lang??” Caye

“Ha??” biglang bumalik lahat ng nangyare saken dati. Mga pangyayareng halos sumira sa buhay ko.

May tumulong luha sa mata ko.

“Bakla????” Rica

“Okey lang. May naalala lang ako.”

“May naalala ka lang?? Nanginginig ka at namumutla??” Caye

“Okey lang ako. Okey lang ako.” Pagsisinungaling ko sa tunay kong nararamdaman. Dahil sa totoo lang sobra-sobra akong natatakot. Ayoko ng maulit yung nangyare dati.

Napahagulgol ako sa pag-iyak. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ng dalawa then nag-black out na.  

***

Caye’s POV

Tulala lang si Alyx. Nawalan siya ng malay kanina. Hindi namin alam ni Rica kung anong nakita o kung may nangyare ba? Nakita na lang naming siyang namumutla at nanginginig sa takot. Tapos ayun iyak na siya ng iyak. Tinatanong namin siya sinasabi niya lang – okey lang daw siya. May okey bang ganun?? (-__-) Dinala ko na lang siya dito sa bahay. Ahay, itong magaling niyang asawa hindi ko pa macontact. >.<

“Bakla, kumain ka muna!! Ipinagluto pa talaga kita, espesyal yan.” Rica

“Okey lang. Di ako gutom. Si Mikko??”

Marriage with Benefits - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon