16: <3 <3 <3

32.6K 305 31
                                    

Chapter 16

Alyx’s POV

First time naming matulog ng magkatabi.

Oy! Oy! Anong iniisip niyo ha? Natulog lang kami. Yun lang. No extra curricular activity. (-____-)

Ewan ko ba. Ako nagpa-stay sakanya. Iba talaga pakiramdam ko kagabi eh, natatakot ako. Ayokong mag-isa. Kaya ayun sinamahan niya ako. Ang sweet lang!! ^^

10:00am na pero di pa din siya bumabangon sa kama KO. Sleepyhead. Akala ko mga babae ang ganun, pati pala lalaki. >.<

Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Cute!! Ang peaceful ng mukha. Parang hindi ang moody at masungit na si Mikko. Haha!!

Hindi nakakapagtaka kung bakit madaming humahabol sayo. Gwapo mo kasi. Kaya siguro pag nalaman nilang asawa mo ako, baka ipasalvage ako ng mga yun. Sows, mahirap na. mahal ko buhay ko noh! (~~,)

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya ng mas malapit.

Kung hindi kaya tayo nagpakasal asan ako ngayon? Paano na kaya ako? Siguro kasa-kasama na ako ng kung sino mang tao dyan. O baka natagpuan na lang katawan ko na palutang-lutang sa ilog at wala ng buhay. Ayyy, ano ba namang itong pinagiisip ko?? Bad. Bad.

Eh ikaw kaya? Kung hindi tayo kasal, kanino ka sweet? Sinong aalagaan mo? Sinong susungitan mo? Sinong yayakapin mo? Sinong sasamahan mong matulog? Sinong ipagtatanggol mo? Sinong bibilhan mo ng bulaklak?

Natigil ang pagd-daydream ko ng bigla siyang nagmulat ng mata.

“(o___o) Hmmmmmppp..”

“Goodmorning!!”

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Hala! Sungit agad? Haha. ang cute pala niya pag bagong gising, parang bata. Bumangon siya.

Marriage with Benefits - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon