49: Thoughts

8.5K 88 15
                                    

Chapter 49

Caye's POV

"Meron tayong two weeks para ayusin lahat ng documents na kailangan naten." iniabot ni Bill kay Alyx ang isang papel kung saan nakasulat lahat ng mga kinakainlangan nila.

"OK."

Mukhang desidido na talaga sya. Haaaay!

"Alyx? Gusto mo ba talaga tong gawin?" Tsk. Ewan ba. Gusto ko syang suportahan, kasi saksi ako kung paano nya to pinagtrabahuhan. Pangarap nya to pero hindi tama eh.

"Oo naman." sagot nya ng hindi man lang ako tinitingnan.

Ilang araw ba din simula ng lumabas sya sa ospital. Dito sila tumuloy ng nanay nya sa Tita Lisa nya.

Di din napag-uusapan si Mikko. Ayaw kasi ni ALyx.Tsaka nitong huli para syang bato na walang pakialam.

"Kaya ba natin to ng 2 weeks?" iniiba nya ang usapan. Alam nya kasing di ko gusto ang ginagawa nya.

Tumatakas sya. Eto na naman ang Alyx na nagku-kunwaring may amnesia at gustong kalimutan ang lahat. Eto na naman syang nagtatapang-tapangan.

Pero parang sa ngayon. Ayoko syang suportahan. Hindi sa kinakampihan ko si Mikko, pero malakas talaga ang kutob ko na may mali sa mga pangyayari. Kailangan nilang ayusin yun. At hindi makaktulong ang pag-alis ni ALyx.

Ayyyttt! -.-

But wala ako sa lugar para mag-desisyon. Hmmm!

"We'll make it. I promise!" suportado sya ni Bill. Of course. Gusto nya to eh. Ang makasama si ALyx kahit mali. Di ko din naman sya masisisi. Gusto nyang tulungan ang kaibigan ko kagaya ng lagi nyang ginagawa.

Pero---

"Alyx, hindi mo man lang ba kakausapin si Mikko?" napakagat-labi na lang ako. Gusto kong pagsisihang sinabi ko yun.

Marriage with Benefits - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon