18: The Past

29K 260 7
                                    

Maraming Salamat sa lahat ng nag-FAN at nag-ADD sa kanilang LIST ng story na to. I'm soooo touched dahil may nagttyaga ng gawa ko. Hahaha!! ^^ Hindi ko na kayo isa-isahin para magpasalamat. I dedicate ko na lang mga next updates senyo!! Yung iba okey na.. Tamamats!! *^_^*

To ELLIZA muna for now. Salamat sa pagdaan sa profile at pag-drop ng message sa message board! ^^ :-***

Chapter 18

Alyx’s POV


Flashback (4 years ago)

Lahat ng tao sa hallway paputang classroom nakatingin sa akin. Lagi naman, nakakainis!! Masyado akong sikat. Ang pinakamahirap na scholar. >.<

Awwwww!!! Muntik na akong matumba ng madulas ako sa isang balat ng saging. Buti na lang may isang maagap na taong andito agad sa likod ko.

“Okey ka lang?”

“Oo. Salamat.” Nakayuko kong sabi sakanya.

“Tara.” Tapos hinila niya ako palayo sa mga taong nag-aabang sana ng pagkadapa ko. >.<

“Salamat ha! Lagi mo na lang akong tinutulungan.”

“Nagkakataon lang na kapag may nangyayare sayo eh napapadaan ako. Hahaha!” ito ang aking crush na super bait sa kin. Si Bill. Lagi niya akong pinagtatanggol sa mga taong walang magawa sa buhay kundi ang mantrip.

“Kahit na. intensyon mo naman oh hindi. Salamat pa din.”

“Hahaha. Cute mo!” ginulo niya buhok ko.

Takte. Para akong kinikiliti na ewan. Ang lakas talaga magpakilig nito. Wooaahh!! Lalo na ang kanyang killer smile. ^^

“Pwede bang mag-apply?”

Marriage with Benefits - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon