Kabanata 26

286K 8.8K 2.9K
                                    

MARRY ME.


"Ano kamo?" Agad na napakalas si Camilla. Nabibingi lang ba siya? Anong sinasabi ni Hendrick? Bakit bigla na lang—


"Marry me, Camilla..." ulit ni Hendrick sa seryosong boses.


"A-ang..." Napahilamos siya sa sariling mukha gamit ang kanyang mga palad. Gulat na gulat siya. Hindi niya inaasahan ang ganito.


"I would like to settle down and I wanna do it with you, Camilla."


"Ah..." Hindi pa rin siya makapagsalita. Totoo ba? Niyayaya siya ni Hendrick na magpakasal dito? Iyon ba ang dahilan kaya pinapunta siya nito sa suite nito? Bakit bigla-bigla? Ang akala niya ay ayaw nito ng kasal? At nasaan ang singsing?


"I don't care kahit ano pang sabihin mo, besides naka-oo ka na." Humiwalay ito sa kanya at saka lumapit sa mesitang naroon. May dinampot itong tila maliit na gadget... recorder?!


"A-ano iyan?"


"Ibibigay ko ito kay Kara," nakangising wika nito.


Lalo siyang napanganga.


"I'm sure ayaw mong maging masamang ehemplo sa kapatid mo. Liars go to hell, gayon na rin ang mga hindi tumutupad sa binitiwang salita."


Napamulagat siya.


Inilahad nito ang kanang kamay sa kanya. "Come here..." tawag nito.


Para naman siyang robot na sumunod.


"I missed you..." Muli siya nitong niyakap ay hinagkan sa kanyang pisngi.


Okay. She was happy. Mahal niya ito. Aminado siyang mahal na mahal niya na ito kahit wala naman talaga iyon sa plano.


Pumayag siyang maging girlfriend nito ngunit mas masaya siya na malamang okay lang dito na pakasalan siya. Mas naramdaman niya ang sincerity nito. Kaya lang ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-isip, kailangan niya munang manigurado.


"Si Ava?! Bakit hindi siya ang yayain mong magpakasal sa 'yo? I'm sure more than willing ang babaeng iyon na—"


"She's not Camilla Honrado."


Napangiti siya kasabay nang tuluyang pagkahulog ng kanyang puso sa mga palad nito.


Magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila, langhap na langhap niya ang mainit at mabango nitong hininga. At habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Hendrick ay parang tinatangay na naman sa kung saan ang utak niya.


Napasinghap siya nang maramdaman ang kamay nito sa ilalim ng palda niya. Nag-init bigla ang paligid.


Inilapit niya ang kanyang mukha dito. "Hendrick..." Yes. Nakapag-desisyon na siya, sukdulang malagay sa panganib ang puso niya.

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon