Kabanata 7

566K 12.3K 5.1K
                                    

BREAKING THE CONTRACT?


Bakit? Dahil ba nagsinungaling siya? Dahil virgin pa siya?


Disappointed din ba ito dahil hindi siya magaling? Dahil salat siya sa karanasan at walang kwenta pagdating sa sex?


Kung mawawala ang kontrata ay ibig sabihin ba hindi niya na makukuha ang kabuuhan ng bayad nito? Hindi maaari. Hindi pwede na hindi siya bayaran ng buo ni Hendrick. Paano na lang ang paparating na operasyon ni Kara? Saan siya kukuha ng pera?


Nagpapanic na hinarap niya ito. "Hendrick, I know that you are very disappointed. Sorry kung hindi ko naabot ang expectations mo at—"


Hindi na niya naituloy ang pagsasalita nang bigla siya nitong hilahin at yakapin.


"Hendrick..." Natulala siya.


"Shhh..." Hinaplos nito ang buhok niya. "Don't talk..."


Tulala pa rin siya dahil sa gulat at dahil sa ang init ng katawan nito. Naguguluhan siya, natutuliro, ngunit isang bahagi niya ang tila kumalma dahil sa yakap ni Hendrick sa kanya. Anong nangyayari?


Matapos ang ilang segundo ay humiwalay ito sa pagkakayakap at ikinulong ng mga palad nito ang kanyang mukha upang pakatitigan siya.


"Paano kung sa iba ka napunta?" Malamlam ang kulay tsokolate nitong mga mata.


"Ha?"


"Paano kung ibang lalaki ang nakakuha sa 'yo? Paano kung hindi ako?"


Namimilog ang mga mata niya habang nakatingala rito. Anong nangyayari kay Hendrick? Nauntog ba ito?


"Who told you that I'm not satisfied? I am breaking our contract because I was more than satisfied and it scared me. "


Napaawang ang mga labi niya.


"You lied. I should be dumping you right now, but again, I changed my mind..."


"Hendrick..." Hindi siya makapaniwala sa lumalabas sa bibig nito.


The moment became magical. Tila iyong mga napapanood at nababasa niya. Hindi pa rin siya makapaniwala ngunit posible kayang...


"How much, Camilla?" seryosong tanong nito na nagpatigil sa kanyang pagpapantasya.


"Ha?" Napakurap siya.


"Be my woman. Name your price and I will give it to you. Nakahanda akong bilhin ka."


Gumuho ang momentum at kumirot ang sentido niya nang magsink in ang sinabi ni Hendrick. "Siraulo ka ba?"


"What did you say to me?" manghang sambit nito.


"Mukha ba akong isda sa palengke, Montemayor?"


Ito naman ang napakurap. Tila naguluhan sa tanong niya. "Camilla, what are you talking about? Of course hindi ka mukhang isda—"


"Pwes, tigilan mo ang pagprepresyo sa akin," gigil na putol niya sa pagsasalita nito. "Ito nga lang na pagsama ko sa 'yo rito sa barko, labag na sa loob ko. Kung hindi lang ako nangangailangan, hindi ako sasama sa 'yo rito. Saka pagkatapos nito, hindi na ulit ito mauulit!"


"Are you declining my offer?"


Naglapat ang mga labi niya. Obvious ba? Ang haba na nga ng dialogue niya.


"Camilla, think it over." Hinawakan siya nito sa balikat.


Habang nakatingala rito ay kitang-kita niya kung gaano ito kaseryoso.


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon