Kabanata 25

319K 10K 2.1K
                                    

MASAMA ANG LOOB ni Camilla nang umuwi siya sa bahay nila. Parang kinakatkat ang puso niya sa selos at asar. Confirmed, ex ni Hendrick ang Ava na iyon.


Siya na lang ang nagconfirm na mag-ex ang dalawa based sa inaasta ni Hendrick. Mukhang may past ang mga ito. Isang nakaraan na masalimuot kaya kinailangang mangibang bansa at lumayo noon ni Ava. Ngayon na nasa bansa na ulit si Ava, baka nagkabalikan na ang mga ito.


Namait ang panlasa niya. Hanggang ngayon, misteryo pa rin si Hendrick sa kanya. Gusto niya pa rin itong tuklasin. Gusto niya pa sana itong makilala, ngunit mukhang hindi na mangyayari iyon.


Kung nagkabalikan na nga sina Hendrick at Ava ay malamang etsapwera na siya.


Ano bang laban niya sa Avang iyon? Mayaman at makinis iyon, hindi kagaya niyang may kalyo sa kamay dahil sa paghahanap-buhay.


Hindi niya lang maiwasang hindi makaramdam ng pait. Iyong mga sweetness na ipinakita ni Hendrick sa kanya? Totoo kaya iyong mga iyon? O lahat ba iyon... joke lang?


Ilang beses na siyang pumasok sa relasyon... at lahat 'yon, pinahahalagahan siya. Siya lang itong ayaw pa talagang makipag-seryososhan. Ngunit ngayong tumitibok na ang puso niya ay siya naman ang binabalewala. Masakit pala.


Maghuhubad na sana siya ng damit niya nang biglang umilaw ang cellphone niya. Napanganga siya nang makitang si Hendrick ang caller. Anong kailangan nito?


Ah, baka ibabalita sa kanya na nagkabalikan na ito at saka si Ava. Baka sasabihin sa kanya na fired na siya at break na rin sila tutal hindi naman na siya nito kailangan.


Nagtalo pa ang puso at isipan niya kung sasagutin ito o hindi. Ngunit sa huli ay nagapi na naman siya ng kagagahan niya. Sinagot niya ang tawag.


"Hello?" Pinilit niyang pakaswalin ang tono.


"Can you come here?" mahina at paos ang tinig nito.


"Ha?" Pumitlag ang puso niya pagkarinig sa swabeng boses nito.


"Please, Camilla?"


Nalito siya, nasaan si Ava? Bakit kailangan pa siya nito? "Nasaan ka ba?" tanong niya. Kahit galit siya rito ay gusto niya pa rin itong makita. Lecheng puso talaga!


Sumagot ito. "At my condo. Montemayor Condominium."


"Are you okay?" Nahimigan niya kasi na parang kakaiba ang boses nito. May sakit ba si Hendrick? Bigla ang pagkabuhay ng pag-aalala sa dibdib niya.


"I'm not okay. Please... come here..." halos paungol na lang na sabi nito. "Camilla, I need you... here... I'm really not okay..."


"B-bakit anong nangyari? Putragis na Ava iyan! Anong ginawa sa 'yo ng babaeng iyon?!" Na-highblood siya agad pagkaalala sa dahilan kung bakit buong araw siyang iritable.

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon