Kabanata 15

365K 10.3K 3.8K
                                    

"WALANG HIYA SIYA!!!" tili niya na halos ikalabas na ng lahat ng litid sa kanyang makinis na leeg. "That self-centered conceited bastard! Humanda siya sa akin! Pati too-toot niya may latay pag nagkaharap kami!"


Binato siya ng unan ng kanyang best friend na si Cynthia. "Hoy! 'Wag ka ngang makasigaw dyan at baka magising iyong kapatid mo!" sita nito sa kanya. Nakahiga ito sa tabi ng natutulog na si Kara habang nagse-cellphone ito.


Naririto ito ngayon sa kanila para dumalaw. Pasulpot-sulpot ito. Tiningnan niya ang babae. Maganda ito, hindi sila nalalayo ng edad. Matagal niya na itong kaibigan. Prangka ito ngunit mabait. Matulungin din kahit kapareho niya itong isang-kahig-isang-tuka. Hindi ito maramot. Madalas ay napag-iiwanan niya pa ito kay Kara.


"Cynthia, ang lalaking iyon ang dahilan kaya wala akong trabaho ngayon..." sumbong niya. Naupo siya sa gilid ng kanyang katre kung saan nakaupo si Cynthia at ang tulog na si Kara.


Mabuti na lang talaga at mantika matulog si Kara. Hindi nito maririnig ang mga hinanaing niya.


Bumangon si Cynthia. "Naku, Camz. Ibang klaseng kalaban ang mga mayayaman. Wala kang binatbat sa kanila."


"Ano pa ba ang gusto niya sa akin? Nakuha niya na lahat, ah! Tigilan niya na ako! Doon na siya sa Ava niya! Doon na siya at sana hayaan niya na ako!"


Naiiyak na siya.


"Ubos na! Said na said na ang bigasan namin at ubos na ang coins sa alkansya kong baboy! Ano na ang kakainin namin?!"


Nginisihan siya nito. "Sakyan mo."


Napamaang siya rito.


"'Yung bilyonaryong iyon, tingin ko'y miss na miss ka na. Hindi lang maamin sa sarili niya. Naku, ang mayayaman talaga, ke tataas ng pride chicken!" Ngumuso ito.


"So, sinasabi mong mag-apply ako sa kompanya niya?" nakasimangot na tanong niya.


Pumalakpak ito. "Yes FM!"


Nakagat niya ang kanyang lower lip at biglang nakaramdam ng tensyon nang maisip ang ideyang iyon. "P-pero ayoko nang makita ang pagmumukha no'n!"


Hinampas siya nito sa balikat at tinudyo. "Bakit? Dahil baka di mo mapigil ang sarili mo at masugod mo siya ng yakap at halik?"


Napalabi siya.


"Hmn... Talagang naku-curious ako dyan sa H na 'yan ah!"


"E iyong love life mo, kumusta na ba?" pag-iiba niya para hindi na siya nito asarin.


Hindi niya maintindihan ang sarili kapag inaasar siya nito kay Hendrick. Namimiss niya ang lalaki kahit pa hindi niya ito gustong makita ulit. Naguguluhan siya sa sariling nararamdaman.


Nakita niyang nagningning ang mga mata ni Cynthia pagkabanggit niya sa lovelife nito. Mukhang sa unang pagkakataon ay in love na nga talaga ang kaibigan niya.


Mukha ngang in love ito. Si Cynthia kasi ang klase ng babae na madaldal, prangka, mahilig sa guwapo at mayaman, ngunit nunca na nagpaisa. Virgin pa ito sa pagkakaalam niya. Napakaingat nito. Napaka-wise.


Masyadong mataas ang standard ng babae at meron itong goal sa buhay. Naku-curious siya ngayon dahil bigla na lang nitong sinabi na boyfriend na nito ang isa nitong katrabaho sa opisina.


Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan. "Hoy! 'Wag mong sabihing naisuko mo na ang—"


"Hep! No comment!" sansala nito na ngiting-ngiti pa rin. "Secret muna kung ano ang lagay namin ni L ngayon!"


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon