Kabanata 9

505K 10.7K 2K
                                    

"ANONG ngini-ngiti-ngiti mo riyan, ha?! Nasisiraan ka na ba ng bait at panay tawa kang mag-isa?!" asik ni Camilla sa lalaki. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa pagkapahiya kanina.


Nakaalis na ang pamangkin nitong si Ayeza na mas bata lang rito ng anim na taon. Mabuti na lamang at mabait pala ang babaeng iyon. Hindi siya pinatulan sa kanyang pagtataray. Humingi siya ng paumanhin dito.


Inis na inis siya sa sarili. Bakit siya napraning kanina? Solid iyong gigil niya kahit pekeng fiancée lang naman siya.


Kasalanan din naman ni Hendrick. Bakit kay Ludwig Miller ay grabe itong magpaka-possessive sa kanya? Kahit pa kunwari lang silang engaged ay naisip niya tuloy na may karapatan din siyang bakuran ito.


"Kapag hindi ka tumigil sa kakangiti mo riyan, magpapatawag na ako ng mga taga mental!" banta niya rito sabay irap.


Doon na pumormal ang anyo nito. "Hey, bakit ba ganyan ka makipag-usap sa akin?! Sumusobra ka na, huh!"


Umingos siya. "Sorry! Nakalimutan kong binili mo pala ako ng dalawang linggo!"


May kahabaan pa sana ang bangayan nila nang may lumapit na isang matangkad na lalaki. Napakaguwapo. Naka-tuxedo itong kulay puti na pinarisan din ng puting pantalon at sapatos. Anghel ba itong isinugo sa lupa para awatin ang bangayan nila ni Hendrick?


"H!" Matamis ang ngiti nito sa kanya. Hmn, simpatiko.


Natigilan siya. Kilala niya ba ito? Tiningnan niya si Hendrick ngunit wala itong reaksyon.


"So, you are Camilla?"


"Yes..." Hmn, mukhang kamag-anak ito ng topakin niyang master. Ngayong malapit ang lalaki ay napansin niya na kahawig ito ni Hendrick. Magkasing tangos ang ilong at chocolate brown eyes din.


"I'm Leo. Leo Montemayor-Saavedra," pakilala nito.


Tama nga ang hinala niya. Kamag-anak nga. "Ah... Nice to meet you, Leo," magalang niyang sagot. Mukha namang mabait si Leo, sabagay mukha namang mababait ang buong angkan ni Hendrick maliban kay Hendrick mismo.


"Mukhang wrong timing yata ako? I bet may LQ kayo?" Nakangiti ito.


LQ? Napatingin siya kay Hendrick. Paano sila magkakaroon ng LQ e hindi naman sila lovers in the first place. 'Q' lang siguro kasi quarrel lang naman ang meron sa kanila.


Tumikhim si Hendrick. "We're not fighting."


"Uh, I see." Hindi mawala-wala ang ngiti sa mapulang mga labi ni Leo. "So, hi, H. Long time no see."


Nakita niyang umismid si Hendrick.


"Mukhang naiinip na ang fiancée mo, H." Ang ngiti nitong matamis kanina ay napalitan ng ngisi.

The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon