Kabanata 11

458K 10.7K 3.5K
                                    

NAGISING si Camilla na magaan ang pakiramdam. Malamig ang paligid ngunit mainit ang kanyang katawan. She was comfortable.


Napadilat siya nang may marealize. No, hindi katawan niya ang mainit, kung hindi ang lalaking nakayakap sa kanya. Nanlaki ang mga kanyang mata nang makita si Hendrick Montemayor sa tabi niya. Nakasiksik siya sa mabangong leeg nito.


Kung ganoon ay hindi ito umalis? Hindi siya iniwan? At natulog ito na kasama siya sa iisang kama?


Nanuyo ang lalamunan niya nang makitang nakahubad din ito sa ilalim ng kumot. Ang isang palad ay nakahawak sa kanyang dibdib. Marahan niya iyong inalis. Umungol ito at muling dinakma ang dibdib niya.


"Hendrick..."


Tulog na tulog ito, wala itong kamalay-malay na piga-piga nito sa palad ang isang dibdib niya.


"Camilla, you witch..." ungol nito na tulog pa rin. Tila nananaginip.


Tulalang napatitig siya rito. Ngayon niya lang ito nakitang natutulog. Although he looked gentle in his sleep, he still possessed an authoritative aura. May bahid pa rin ito ng pagkasuplado.


Wala sa loob hinaplos niya ng daliri ang dulo ng itim na itim at mahahaba nitong pilikmata, sumunod ay pinadaan niya ang hintuturo sa bridge ng matangos at perpekto nitong ilong. Wala siyang maipintas dito. Napakaguwapo nito.


Nakapagtataka dahil hindi niya ito lubos na kilala, hindi rin maganda ang impression niya rito noong una, ngunit sa loob ng yakap nito ay pakiramdam niya'y safe siya. May ganoong pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.


Kahit abnormal ito mag-isip, kahit minsan ay parang bata, minsan naman ay antipatikong walang modo, hindi niya makuhang magalit dito. Sa kaibuturan ng puso niya ay parang may nagsasabing hindi ito masama.


Naalala niya ang nangyari kagabi, hindi siya nito ginalaw.


He didn't penetrate her but he made sure that she will be in bliss. Iba ang pinagsaluhan nila kagabi. Hindi siya nasaktan, sa halip ang naramdaman niya ay kabaliktaran.


Gusto niyang mamula nang maalala kung paano siya kanina umungol at napaliyad dahil sa ginawa nito.


Ang mas hindi niya mapaniwalaan ay ang pagpayag niya sa utos nito. Kung tutuusin ay dapat mabastusan siya, ngunit wala siyang naramdaman na ganoon. Nababaliw na siguro siya.


Nang makita niya ito kaninang nasasarapan, mas lalo niyang sinikap na pagbutihin ang ginagawa, na para bang kailangang-kailangan niyang pasayahin ito. She loved his loud moans, grunts, and his growls when he reach his peak.


Nang magmulat ito ng mga mata ay napalunok siya. Nagtama ang kanilang mga paningin.


Wala siyang makuhang sabihin dito. Ito naman ay nakatitig lang din sa kanya. Mayamaya ay nagsalita. "How long are you staring at me?"


The Billionaire's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon