027. Wrong Move

1.3K 44 5
                                    

“ Im leaving the Academy. “  Maribel

“ If that’s what you wish. “King.

I let her leave without knowing when she’s coming back. That moment, I felt my heart being squeezed in pain.

------------------------------------------------

( MARIBEL)

“Maaaaaaa! Nandito po ako. Buksan nyo po ang pinto!!” Sigaw ko sa pinto habang kumakatok ng malakas. Halos limang minuto ko nang ginagawa ito. Nasan naman kaya ang mga tao.

“ Sandali lang!!” Ayan may narining na akong bababa.

Maya-maya ay may nagbukas na ng gate. Lumabas doon si Mama na nakablusa at may pangkulot na nakalagay sa buhok.

“ Anak? Anong ginagawa mo dito?”May pagtatakang tanong nito.

Hindi ko rin po alam sa totoo lang.

Bigla kong binitawan ang lahat ng dala ko at niyakap ng mahigpit si Mama. Sobrang namiss ko sila. Kung di lang sa walang hiyang King na iyon lagi ko silang makakasama. 

Naramdaman ko na namang pinipiga ang puso ko. Leaving the academy, leaving him, kahit na masakit, alam kong mas makakabuti iyon sa akin.

“ Namiss ko po kayo Ma. “Bulong ko kay Mama habang nakayakap parin.

Marahil ay naramdaman na ni Mama na may problemang nangyari kaya hindi narin sya nag-react. Tinapik-tapik nya ang likod ko at hinimas ang buhok ko.

“ Ay sya, pumasok ka na at makakain ka na. Marahil ay mahaba ang byahe mo. Saka kana magkwento. “ Mama

“ Opo.”Pinigilan ko ang pagtulo na naman ng luha ko.

Pumasok kami sa loob at dumiretso sa kusina. Nakitako naman si Papa na nagkakape at natulala rin pagkakita sa akin. Nabuga na naman nya ang iniinom nyang kape.

“ Arturo! Ano bayan! Paglilinisin mo na naman ako ng lamesa!”Galit na sigaw ni Mama sabay pinaalis si Papa sa table.

“ Nak! Musta ang Academy? Akala ko ba…..” Sinaksakan ng tinapay ni Mama si Papa para hindi na nito matuloy ang sinasabi nito.

“ Mahabang storya po Pa. Payakap nalang po muna. “Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

“ Sinong umaway sayo anak. Susugurin ko!” Papa

“ Wala po Pa, bigla kolang pong naisip na mas masaya dito sa bahay.” Umupo na din ako sa table.

“Pano pagaaral mo anak?Di kana bababalik dun?” Papa.

“ Hindi ko pa po alam. Pero sa ngayon. Gusto ko lang pong huminga. “

"Players Academy"  COMPLETED❤ ( editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon