40. Decisions

701 18 0
                                    

>>>>>>>>>>>>>>>>BREAK THE HEART OF THE ONE YOU LOVE<<<<<<<<<<<<<<<<<

 

 

“Hindi…..”  Bumalik sa alaala ko ang lahat ng mga nangyari sa akin noon. Ang eksena sa malamig na ulan. Ang pagtulo ng butil ng luha sa mga mata ko. Ang pagiwan sa akin ng taong minahal ko.

Unang pumasok sa isip ko si Stephen. Ito pala. Ito pala ang dahilan kung bakit ako nasaktan noon. Kung bakit ako iniwan ni Stephen. Kung bakit ako nandito sa academy. Lahat ng ito, isang laro lang ng academy. Ako ay naging  isang laruan, isang tao-tauhan ng academy.

Tahimik ang lahat matapos sabihin ang huling activity ng semester. Parang lahat rin ay nagulantang. Waring lahat ay walang reaksyon. Marami sa amin ang nanatili lang na nakaupo sa pagsasara ng ilaw ng Mark Anthony Hall. Nawala ang mga hiyawan. Nawala ang mga ngiti sa labi.

This is the last. And this is the worst.

“ Maribel, Tara na?” Pagyaya sa akin ni Andrea na umalis na sa upuan at lumabas na ng hall.

Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

“ Honestly I don’t mind Maribel. The one I love is now far away from this place.” Andrea

“ Bakit saan pumunta si Carlo?” Ako

“ Gone home.” Andrea smiled. Ramdam ko ang sakit sa mga ngiting iyon. “ Maribel…”

Lumingon ako kay Andrea at napatigil rin ako sa pagharap nya sa akin.

“ Ano yun Andrea?”

 

“Maribel hanapin mo kung nasaan ang puso mo. Para mapasa mo itong pagaaral mo dito sa academy. Ako? I am willing to give everything for this institution. Dahil sa ngayon, ito nalang ang meron ako Maribel. “ 

Ramdam ko ang kalungkutan at sakit sa pagsasalita ni Andrea. Niyakap ko sya ng mahigpit.

 “ Naiintindihan ko Andrea. I am wishing you all the luck. “

I am also wishing that to myself.

( King)

“ Tristan Sy for RTC News, sya po ang nagupload ng video.” Cynthia

 

“And Penelope?”

 

“ She’s talking with him since last week Sir.”

 

“ Thank you Cynthia, you can leave now.”

&quot;Players Academy&quot;  COMPLETED❤ ( editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon