46. Knight Wars

872 29 4
                                    

Bumukas ang ilaw at natigil din ang halos tatlumpung minutong pagsasayaw ng mga estudyante sa Academy.


Isa-isang nagbalikan ang mga ito sa kanya-kanya nilang mga upuan at mga kwentuhan.


Saglit akong napalingon sa malaking screen sa harap at sa pintuan malapit doon.


Kung si King man ang nakasayaw ko kanina, marahil doon sya dumaan.


But it doesn't matter now. In the first place Maribel, hindi naman din siguro nya napansin kung ikaw ba yung nakasayaw nya o hindi. The lights are off.


Inalalayan ako ni Stephen sa bewang hanggang makaupo kami sa pwesto namin. Nagbalikan narin ang iba pang mga estudyante sa kani-kanilang table. Halata sa mga mukha nito na nag enjoy sila sa pagsasayaw kanina.

                                                                                                                                                                                                                                                        

Naunang lumapit si Andrea sa amin at ngumiti ito nang makita si Stephen.


" Wow! What a pleasant surprise Mr. Molina. Kamusta?"Nakipag-beso ito kay Stephen saka umupo sa tabi ko.


" Hi Ms. President, pleased to see you. Im feeling perfectly fine, thanks to this woman beside me. I owe her the night."


Siniko ko naman si Stephen.


Nakita kong abot tenga naman ang ngiti ni Andrea kay Stephen. " Naku, ito talagang si Maribel, always chased  by the finest guys huh. "Sabay kindat sakin.


Pinanlakihan ko nga ito ng mata. " No Andrea, its not what you think. Bumibisita lang si Stephen dito."



 

" I hate you!"


Napalingon kami sa sumigaw. Nakita namin si Georgina na nagwalk-out. Namumula ang mukha nito at mistulang galit na galit. Sinundan naman ito ni Robi.


" Anong nangyari dun?"Natanong ko.


Lumapit naman sa amin si James at umupo na sa pwesto nya kanina. " He kissed her. "


" What?!"Sabay sabay naming tugon ni Andrea.


" Hindi na ako nagulat.  I know Robi likes her. But what will he do now, she's mad."Dagdag ni James.


Kumuha ng wine si James sa table, naglagay sa baso at nilagok iyon. Matalim na napatitig naman ito kay Stephen. "And what are you doing here?"

"Players Academy"  COMPLETED❤ ( editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon