006 The Rose Man

1.9K 83 30
                                    

The Guilty Ex, the Thief, or the Boss? ❤❤❤ :"D 

------------------------------------------------------------

 Kanina pa ko nakikipagtitigan sa manyak na principal na to.

Hindi rin umaalis ang tingin nya sakin.

Para bang may hinahanap sya, tinitingnan ba naman ako mula ulo hanggang paa. 

Excuse me, hindi po ako ice cream na matutunaw sa tingin mo no?  

" Anong kailangan mo po?" Tanong ko.

Naku kung hindi ko lang kailangan matutunang maging heartbreaker hindi ako magtyatyaga dito sa school nya. 

" Im just wondering. Thinking about WHY in the world I am not the only one interested in you. "

Ano daw!!? Lumukso ang puso ko ha.

" Not in anyway aside business Maribel, please dont get me wrong. "  Dagdag nya.

Hay, ayun naman pala. Kinabahan ako dun ah. Hindi ko sya papatulan no.

" Ahhh....hindi mo naman po siguro ako pinatawag dahil lang dyan noh?" May bahid na inis ng tanong ko ulit.  

Tahimik lang uli sya.

Tumingin sya sa katawan ko. 

Teka, iba na yan ha!! 

" Cup 34A, Waist is 25, Butt approximately 38. This is crazy. Nagkamali ata ako sayo.  "  Nakita ko syang tumawa ng bahagya at humawak sa baba. Nakita ko tuloy ulit ang broken chin nya. 

Agad kong tinakpan ang boobs ko! Rape!! Nagdilim ang paningin ko. 

Bwisit! Manyak!! 

Binato ko sya ng unang bagay na nahawakan ko sa bulsa ko. 

" Ah! " Narinig ko ang sigaw nya. 

 Hala! Nabato ko ata sya ng.........Gunting!!

Ginamit ko kasi sa bedsheet ko kanina. Aww, masakit yun. 

" Ikaw! " Nasugatan sya sa pisngi. Nangngingitngit na sya sa galit!! 

Hala baka maexpel ako, di ko po sinasadya!

Akala ko lalapit sya sakin at bubugbugin ako o ipapatapon sa labas. Pumikit na nga ako eh. Pero hindi ko sya naramdamang gumalaw.

Imbes, tumawa sya ng malakas. 

" This is funny. You are funny. " Hindi parin sya tumigil sa kakatawa.  

Matapos nun ay umalis sya sa upuan nya at naglakad paikot sa akin.

" Maribel Castro, make sure mataas ang grade mo sa Dawn, Midnight Activity Period, sa school. Dahil kung hindi. " 


Ito na, ito na....galit na sya. Nararamdaman ko na talaga!

"Kukunin ko ang lahat sayo, lahat. I will make sure na hindi ka na makakatuntong ng College. Understood?" Mahinahon nyang banta. 

Pinunasan nya ng tissue ang sugat nya sa pisngi.

"Go out.... Now!! " 

========================

Pagdating ko sa room ko, naalala ko yung sugat ng Principal. 

Oo naman noh, may konsensya din naman ako. 

HIndi tuloy ako makatulog. 

Pumikit ako ulit.Sana makatulog na.

After 10 minutes............................

" Shit ang lamig naman. " Pinatay ko ang aircon.

After 30 minutes.............................


Nakatunganga lang ako sa ceiling.

After 1 hour....................................

" Arrrrgggg!!! Ayoko ng ganito! " 


Maglakad lakad na nga muna ako sa academy. Total hindi ko pa naman naeexplore lahat. 

Sana walang multo dito. 

Napadpad ako sa isang maliit na cottage malapit sa condo type rooms ng mga estudyante. 

Ang ganda naman dito. Ang daming bulaklak ibat ibang klase at kulay. Ang daming halaman sa palibot. Pumunta pa ako para makita pa ang sobrang laking hardin ng rosas.

Wow, ang galing naman, sino kaya ang nagtanim ng lahat ng ito?

May narinig akong tumutogtog, ano kaya yun? Lumapit pa ako sa musika, medyo naiintindihan ko na ang lyrics.

You broke my heart with a rose

Who fooled me by its beauty

But you walk away before I even knew

Youre the worst thing that could happen to me

Your love is sweeter than sugar

But colder than ice

My love ...youre gone

before you even break my heart

 Napatago ako ng may marinig akong kaluskos. Ano yun!!?? 

May lalaking humila sakin at nagtakip ng bibig ko. 

"What are you doing here? " 

"Players Academy"  COMPLETED❤ ( editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon