016. In Denial

1.7K 71 33
                                    

"Youre coming with me. "

" Teka teka! May gagawin pa ako!" Nagpupumiglas ako para makawala lang sa mahigpit na hawak nya.

Imbis na pakawalan nya ako ay lalo pang humigpit ang kapit nya hanggang sa maiupo nya ako sa sofa.

Dumiretso sya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa fridge.

Lumagok sya dito ng marami.

Matapos nun ay inilagay nya ang baso sa lamesa at tumingin ng matalim sa akin.

" Sya ba yung nagbigay sayo ng kiss mark?"  Kitang kita ang inis sa boses nya.

Teka, ano bang ginawa kong masama!

" Oo? Pero hindi ko naman ginusto yun!”

Teka again, bakit nga ba ako nagpapaliwanag!?

" What is your relationship with that guy?"

" Partners kami sa Kissing 101...." 

" What!?? Partners kayo sa Kissing 101? What the heck!"

" Teka eh bakit ka ba galit!?" 

" Hindi ko alam! Im pissed off! Im really pissed off right now! " 

Napatahimik nalang ako.Ano bang problema ng lalaking to??

Mukhang nagising naman sa ulirat si King at tila ba nabuhusan ng malamig na tubig sa putla ng mukha nya. 

Nakatingin lang sya sakin at bigla nyang nahilamos ang kamay nya sakanyang mukha.

" Im sorry...." King.

" For what......?"  Ako.

Ngayon magsosorry sorry ka!

" Never mind.....just......"Nagbuntong hininga sya and composed na tumingin ulit sakin. This time bumalik na ang misteryosong principal ng school.

"...tell me your assignment please. I will help you since hinila kita mula sa classmate mo."

" Ahhm, sigurado ka ba? Hindi ba bawal to?"

" Im not your teacher in that subject. Thats fine."

Hmmm….mapagkakatiwalaan ko ba to.

“Ahm, ganito kasi yan…kailangan naming magportray ng proper body language sa pakikipagusap…kailangan ko lang ng experimental partner, pwede ka ba? ”

“Got it. Give me your video camera.”

Dali-dali kong hinila mulasa bag ko ang camera. Yes! May isusubmit na ako.

“ Ahh, pwede bang magpanggap kana gusto mo ako. Kailangan kasi.”

“ Fine.”

Ipinwesto ni King ang camera sa may orchid nanakapatong sa isang mataas na table, samantalang kami ay nakauposa sofa.

“Let’s start?”

Tumango nalang si King at nagsimula na ang fake conversation namin for the assignment.

 

"Players Academy"  COMPLETED❤ ( editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon