Chapter 7

185 5 2
                                    

ANDI: 

Nagising ako sa walang tigil na pagtilaok ng mga manok ni Lola Cely sa maliit niyang bakuran dito sa probinsya – idagdag mo pa ang naakabigat na bagay na dumadagan sa bewang ko dahilan para magising akong may stiffneck dahil sa magdamag na hindi ko paggalaw.

Madali akong bumangon ng Makita ng mga mata ko kung ano ang mabigat na bagay na iyon. Shit! Nakapulupot pala sa akin ang mga bisig ni Phil. Sabi na nga ba’t may binabalak itong lalaking ito eh. Tatampalin ko n asana ang braso niya ngunit napag-isip isip kong napakabastos ko naman kung gagawin ko iyon.

Malay ko ba kung aksidente lang talaga ang pagyakap niya sa akin sa tulog?

Gaano katagal na kaya siyang nakapukupot sa akin? Sa pagkakatanda ko ay wala naman kami sa ganitong posisyon kagabi, siya pa nga itong nagsumiksik ng unan sa pagitan namin para lang hindi ko madikitan ng mala-‘porselana’ daw niyang balat.

Napatingin ako sa mukha niya, ngayon ko lang napagtanto na halos magdikit na pala ang pisngi ko at ang labi niya dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa kanina. Maliit lang din naman kasi ang kama ko, kasiya lang talaga para sa isang tao. Anyway, naglandas ang mga mata ko sa maamo niyang hitsura –pag tulog.

Actually, ngayon ko lang siya natitigan ng ganito, sa bawat sandali ba naman kasi ng pagsasama namin kahapon ay wala kaming ibang ginawa kung hindi magbangayan. Maganda ang features niya, siguro nga ay mala-porselana ang balat niya gaya ng sabi niya, napaka-puti at kinis kasi nito, mahihiya talaga ang kahit sinong babae kahit na ako, pag nakita nila ito. His cheeks are naturally blushing too, partnered with lips that are equally as pink. His jaws are chiseled for a more manly effect in his appearance, and lastly, hinding-hindi ko pwedeng kalimutan ang makapal niyang kilay na nag-finish ng overall look niya. It added some kind of masculinity to his soft face.

He’s handsome, but I won’t tell that to his face. He’s already too conceited to take another compliment. He looks almost perfect actually – physically speaking, but every single time that he starts to open his big mouth, everything falls.

He’s rude at wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba. Napakayabang niya, always acting like he knows everything. Napaka-arte niya to the point na dinadaig pa ako sa kaartehan.

I’m already starting to think na bakla itong si Phil – kung hindi lang ganito ang katawan niya. Don’t get me wrong – hindi ko siya pinagnanasahan. Napaka-antipatiko niya.

Marahan kong na ginalaw ang mga bisig niya paalis sa mallit kong bewang – nagugutom na ako. In all fairness, napakabigat ng braso niya, kung sa bagay napakalaki naman kasi ng muscles niya, siguro palaging nag wo-work out ito. Talagang toned kasi ang kaawan ni Phil, mukhang firm at tender ang chest niya na nababakat mula sa manipis na T shirt ni Seb.

Hay ano ba itong iniisip ko? It’s like I’m harassing him in my mind. Gutom lang siguro ito.

Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay gising na lahat ng tao dito sa maliit na komunidad namin, bawat isa ay abalang-abala na sa mga kaniya-kaniyang trabaho – hindi kasi gaya ng siyudad, wala kaming mga tagasilbi dito. Kami-kami lang din ang kumikilos para sa sarili. Kahit na napaka-simple ng pamumuhay dito, hinding-hindi ko ito ipagpapalit sa marangiyang buhay na makukuha ko sa maynila. Kuntento na akong mapaligiran ng mga taong nagmamahal at nakakaintindi sa akin. Yung hindi ako dinidiktahahan sa mga bagay na gusto at dapat kong gawin.

Nag-inat ako ang bewang nang makaalis ako mula sa kama. Habang ginagawa ko iyon nakita ko ang mga nagdaraang tao sa harap ng bahay, hindi pala naisara nitong si Phil ang bintana na nakaharap sa lupang kalsada sa tapat ng bahay namin, lahat tuloy sila’y napapatigil at bumabati sa akin ng “Magandang umaga.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unplanned WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon