Chapter 3

116 2 0
                                    

Pagdating namin sa simbahan, the commotion was all over, as usual, nagkalat ang mga socialites na kumare ng step mom ko. Beso dito, beso doon. Narito rin siyempre ang mga naglalakihang pangalan sa industriya, siyempre nginitian at nakipag-shake hands naman ako sa kanila.

Plasikan dito. Plastikan doon.

Dahil isa sa mga haligi ng business ang mga pamilya ng ikakasal, nagkalat din dito ang mga press. Hindi ko maipagkakaila, this is a big event.

Pero ang higit na pinagtatakahan ko ay yung mga hindi mapakaling organizers ng kasal na panay ang paroon at parito. Sa totoo lang, ako ang nahihilo sa kanila.

Habang hinahanap ko kung nasaan si papa,napalingon ako sa table kung nasaan ang pamilya Estrevilla at Estevez at kitang-kita ko kung paano halos himatayin ang nanay ni Ken dahil sa hindi ko malamang dahilan. Sa kabilang panig naman ay nakaupo lamang si Mr. Hector Estrevilla at animo’y galit na sinasabon ang mga body guard na walang magawa kung hindi yumuko at tumango lamang sa mga sinasabi ng kanilang amo. In that spilt second I thought ‘ganon din kaya ako?’ Nakakainis din palang makakita ng ganoon, pero what can we do? Ganito talaga ang mundo. Some are rulers, some are weepers.

Ganunpaman, hindi naman mahalaga ang opinyon ko ngayon dito eh, kasi base sa mga nakikita ko parang may mali. Parang may problema, hindi ko nga lang matumbok kung ano at bahala na sila doon.

Hanggang sa may nagsalita na nga sa harap, “Good afternoon everyone!” Si Mr. Hector, ang ama ng bride; at hindi maipinta ang pagmumukha nito, parang may sasabihin siyang hindi kanais-nais. “may I request everyone to please settle down in their seats…”

Nagpatuloy lang sa pananalita si Mr. Hector ngunit hindi ko na ito masyadong napapakinggan dahil kasalukuyan ko pa ring hinahanap si papa. Siyempre para Makita niya na umattend nga ako sa kasalang ito at hindi ko siya binigo, malay mo i-promote pa niya ako kahit na CEO na ako.

Napakaraming tao, nahirapan ako maglakad at sumingit dahil baka maapakan ko ang mga nag-gagandahan at (nagmamahalang) mga gown ng mga sosyalera dito, bawas investors yun kapag nagkataon. Speaking of gown, yung babaeng baliw na naka-gown pala kanina, iniwan ko na muna sa kotse knock out na knock out pa eh, ang himbing ng tulog. Baka pag ginsing ko ay masipa pa ako.

Konting paglalakad pa ang naganap at ayun nakita ko si papa sa sulok kasama ang mga kaibigan niya habang nakikipagbulungan.

“Papa!” I called out para marinig niya ako, ngunit laking gulat ko na lamang ng hindi lang pala ako ang nagsabi ng salitang iyon. May kasabay akong babae, mula sa likod, edi ang lakas ng mga boses namin at nangibabaw kami sa lugar na iyon. Stars of the show kami ngayon nito.

Everyone silenced as I turned to look at her. Shit! Yung babaeng baliw sinusundan ako!

Pero hindi siya nakatingin siya sa akin. Nakatingin siya sa harap…kay Mr. Hector.

                                   

Tama ba ako ng rinig, yung tinawag niyang ‘papa’ ay si Mr. Hector Estrevilla; ang isa sa mga pinaka-kilalang business tycoon sa Plipinas?! Ibig sabihin dito din ang punta niya?

Naka puting gown nga pala siya, bakit nga ba hindi ko naisip yun kanina?

Double shit! I’m doomed. Pakiramdam ko’y lumakas na naman ang pagtibok ng hinlalaki sa paa ko.

Saglit na bumilis ang kaba sa dibdib ko, ngunit naalala ko…hindi naman pala niya alam na ako ang may-ari ng kotse na nakasagasa sa kaniya diba? Natutulog lang siya all the while diba?

The Unplanned WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon