Chapter 2

162 2 1
                                    

“So, I guess that’s all. Thank you for trusting us Mr. Co, your money is safe with us.” Nakipag-shake hands ako at saka tumayo papalabas mula sa restaurant kung saan kami nag-meeting ng bago naming investor, si Mr. Co.

Isang matandang intsik na malaki ang tiyan at namumuti na ang buhok. Kumuha lang naman siya ng bagong franchisa ng isa sa mga 5 star Hotels namin.

Yes, another deal is closed. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit sadyang wala lang talagang nakatatanggi sa galing ko sa pambobola. *wink*

 1:15 na nang makaalis ako sa restaurant, buti na lang at hindi kalayuan mula rito ang simabahan, I would arrive just in time to witness the wedding. Time ko na ito para mag pa-impress sa mga tao, lalong-lalo sa sa tatay ko. It is my social responsibility.

Kung sino man ang bride sa kasalang magaganap ay sigurado akong kawawa siya. Bali-balita kasing arranged marriage ito at sa pagkakarinig ko kay Ken Estevez daw siya matatali. Mayaman ang pamilya ni Ken, kilala sila bilang banana magnate sa Mindoro, ngunit up to this age ay pihikan ang kaisa-isa nilang binata sa babae, paano na naman kasi, isa siyang dakilang geek.

Tsk…she’s so unlucky. Kung alam lang niya kung gaano ka-boring ng mapapangasawa niya.

“Mang Carding, Simbahan ng San Agustin po tayo ha.” Baling ko sa Driver ko, pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse habang mabilis na nagpalit ng tuxedo. Well, isa na naman itong creation ng napakasikat na designer na si Rajo Laurel, and I can never go wrong sa pagiging constant buyer niya. He is the best. Perfect lahat ng designs niya para sa akin.Well of course, kailangan kong magsuot nito dahil mga socialite ang makakasama ko, kahit na sa loob-loob ko’y hindi rin naman ako yung ganoong klaseng tao. Kailangan ko lang makibagay.

Konting hagod lang sa buhok ko at sa suot ko, presentable na naman ako. Siempre, hindi ko pwedeng makalimutang mag-spray ng Givenchy bilang finishing touch. Presto! Mabango na naman ako!

Habang naghihintay na makarating sa paroroonan ay nagpasya muna akong ipikit ang aking mga mata to take a short nap, ilang linggo na rin kasi akong walang matinong tulog dahil sa dami ng mga bagay na inaasikaso ko sa trabaho, gusto ko mang magbakasyon kahit sandali ay hindi ko magawa dahil pag tumigil ako ng kahit isang araw, magugulo lahat ng plano ko. 

A COUPLE of minutes have passed, and we’re still on the way, traffic kasi masyado, kung tutuusin kanina pa dapat kami nakarating.

Nahihimbing na ako sa tulog nang biglang…

EEEEEEENGkkkk…

Napasubsob ang nguso ko sa likod ng shotgun seat dahil sa lakas ng preno. Pakiramdam ko’y sampung bubuyog ang nahalikan ko dahil sa hapdi nito.

“What was that?!” I shouted from the back.

“Eh sir----“ magpapaliwanag pa lang sana si Mang Carding pero lumabas na ako sa kotse dahil naiirita ako sa sinumang hinayupak na sumira sa masarap na tulog ko. Mabilis na tumaas ang dugo ko at napasugod sa labas.

Nakapamewang kong inikot ang paningin sa paligid ngunit wala namang ibang kotse, motorsiklo o kung ano pa man ang nakaharang sa daanan, hanggang sa may Makita akong puting tela na nakalatag sa harap lang ng kotse ko.

Sumunod na lumabas si mang carding mula sa kotse at napakamot pa ng batok, “Sir, may nasagasaan yata tayo.”

May nasagasaan lang pala kami eh—wait! May nasagasaan kami?! Shit!

Pinanlakihan ko ng mata si Mang Carding, sa sampung taon na serbisyo niya sa pamilya ko ay ngayon lang nangyari ito. Hindi ko tuloy naiwasang masigawan siya, “*Insert crap word here* Mang Carding naman eh! Anong gagawin natin ngayon?! Male-late na ako sa kasalan oh!” top of my mind? My dad’s gonna be so disappointed with me.

Sinipa ko pa ang isa sa mga gulong ng kotse ng pagkalakas-lakas dahil sa sobrang inis, at pucha! Ako pa ang nasaktan. Shit! Matigas pala ito?

Malamang, hindi ako bakal ‘no. Try niyo kaya.

Sinubukan kong tumayo ng matuwid kahit na pakiramdam ko’y namamaga na ang hinlalaki sa paa ko, kahit na halos maiyak at magwala na ako sa pamimilipit ng paa ko. Tatawanan ako ni Mang Carding kapag nalaman niyang nasaktan ako sa katangahan ko. Tsk! Timpi-timpi din kasi.

“Pasensya na ho Sir, siya naman talaga yung may kasalanan eh, bigla-bigla na lang siyang sumusulpot sa daan.” Pagdadahilan pa niya na ngayon ay mababakas mo na rin sa kaba ang mukha.

Hindi ko na siya pinansin, pasimple akong naglakad papunta sa harap para i-check kung sino man yung baliw na nabunggo namin habang halos paika-ika akong maglakad dahil tumitibok-tibok pa rin ang hinlalaki sa paa ko. Astig ‘diba? Akala mo puso.

Isang babaeng nakaputing gown at nakahandusay sa kalsada ang tumambad sa akin, mabilis kong sinuri kung may dugo bang nagkalat o kaya nabaling buto ngunit ayon sa nakikita ko, wala naman. Chineck ko ang pulso niya, gaya ng daliri ko sa paa ay tumitibok pa ito. Buhay pa naman siya at mukhang wala namang kagalos-galos. Mukhang nakatulog lang.

Ang tanong ko lang, saan naman kaya papunta ang babaeng ito at naka-gown pa? Haha, baka takas sa mental.

Hay tama na nga sa pag-iisip ng kung anu-ano, since wala namang dugo na kumalat mula sa katawan niya at naniniwala ako sa kasabihang ‘no blood, no foul’ ay isasama ko na lang muna itong natutulog na baliw na babaeng ito sa amin. First things first, ayokong madisappoint si papa sa akin dahil ngayon lang siya nagtiwala at nagkaroon ng pakialam sa akin.

Buong lakas kong binuhat ang babae na medyo may kabigatan kahit na ang payat-payat naman niya kung titignan, sa palagay ko’y malakas kumain ito. Partida, namamaga pa ang daliri ko sa paa niyan ah. Malakas lang talaga ako, mayabang ba? Tss…sabihin niyo yan sa triceps ko.

“Sir?” nagsalita si Mang Carding nang maihiga ko ang babae sa backseat ng kotse, “ospital po ba?”

Lumabas muna ako para makasakay sa passenger seat, masyado kasing malaki ang gown ng babae para magkasya kami sa likod eh, “Hindi, tuloy tayo sa simbahan, mamaya na natin ‘to dalhin pagkatapos. Mukhang hindi naman nasaktan eh.”

“Pero sir—“ magsasalita pa sana siya ngunit isang sulyap ko lang ang nakapagtigil sa kaniya.

Wala eh, I got the eye of the tiger.

Inuulit ko, minsan lang ako pagkatiwalaan ni papa at ayaw na ayaw kong masira iyon dahil lamang sa isang baliw na babaeng tumatakbong naka-gown sa gitna ng kalsada. Kung may lakad siya at nagmamadali, well, sorry siya mas mahalaga ang lakad ko.

Habang nasa biyahe ay saglit akong napalingon sa kaniya gamit ang rear view mirror, at ayun himbing na himbing siyang natutulog humihilk pa nga yata.

In fairness, cute siya baliw nga lang.

 

Kring…Kring…

“Hello?” sagot ko kay Fiona na tumatawag sa akin.

[“Sir, nasaan na daw po kayo, ako po kasi ang kinukulit ng papa niyo tungkol sa wedding eh. Please sir, pumunta na po kayo.”]

“Don’t worry; tell him I’m on my way.”

[“Yes!!!”] She happiliy exclaimed, marahil ay ligtas siya sa sermion ni papa dahil doon. [“Salamat sir! By the way, nandoon na daw po ang papa niyo, hinihintay niya kayo. Bye Sir! Enjoy the rest of the day!”]

She ended the call.

Enjoy the rest of the day? That would be impossible, ngayon pa nga lang minamalas na ako eh.

The Unplanned WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon