Chapter 4

124 2 0
                                    

Nagmamadaling pumasok ang babae sa loob ng kotse ko habang hinahatak ang braso ko. Wala sa loob si Mang carding ngunit nakasuksok ang susi ng kotse sa ignition. Ipinilit niya akong iupo sa passenger seat habang siya naman sa driver’s.

Hindi ako makapagsalita o makagalaw o makapag-isip dahil sa sobrang pagkabigla ko sa lahat ng pangyayari, habang sinisimulang niyang patakbuhin ang kotse’y dumarami na rin ang taong nakapalibot sa labas namin, hanggang sa kahuli-hulihan ay hindi pa rin sila nagkamayaw sa pagkuha ng litrato sa bawat anggulo ng kilos namin.

Tigib ang pawis ko kahit pa naka full aircon naman sa loob ng kinalalagyan ko habang ang lalamunan ko naman ay naninikip na dahil sa sobrang tuyo. Well, first time to, I just can’t find the words to say.

Nakatingin lang ako sa bintana hanggang sa tuluyang maipaharurot papalayo ng babaeng baliw ang kotse ko. Nilisan namin lahat ng mga taong pawang naghahanap lang din naman ng kalinawan gaya ko.

Lumingon ako sa babaeng baliw nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin at balak niya sa akin, pero isa lang ang alam ko, na-kidnap ako.

Mahigpit ang hawak niya sa steering wheel maging sa gear stick, na umabot sa puntong namumuti na ang knuckles niya. Mukha siyang naiinis na ewan kaya naidagdag pa ‘yon sa takot ko. Mukhang malalim din ang iniisip niya, eyes still focused on the road with knitted eyebrows on.

Ano ba talaga itong pinasok ko? Paano niya ako napapayag at nadala dito in the first place?

This is not the Phil that I know. Kinatatakutan ako hindi ba?

Paano kung bigla na lang niyang ibangga ang kotse ko’t mamatay kami pareho? No. Hindi pwedeng mangyari ‘yon.

Habang abala siya sa pagmamaneho patungo sa kung saan man ay pasimple ko naman inilalabas ang cellphone ko mula sa bulsa, pero bullshit, mukhang napansin niya.

How can she be so mad and observant all at the same time?

“Ibaba mo ‘yang phone mo.” matalim sa sabi niya sa akin.

Ngunit hindi ako nagpadala this time at ipinagpatuloy ang pag-dial. Hindi niya ako pwedeng dikatahan sa gusto kong gawin.

“Ibaba mo ang phone mo sabi!” sigaw pa niya, kunot na ang noo at nakapapaso na ang aura niya. Bigla niyang ipinreno ang kotse dahilan upan mahulog ang cellphone ko at mauntog ako sa dashboard.

Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya, siya na nga itong nanghatak sa akin sa lahat ng kaguluhang ito, siya pa ang may ganang magalit? WOW.

“Aww!” anas ko, habang sinasapo ang noo. “Are you crazy?! Mapapatay mo ako!” nagtaas na ako ng boses at ginantihan ko ang matatalim niyang tingin ngunit, hindi man lang siya natinag gaya ng mga empleyado ko.

“Hindi mo pwedeng sirain ang plano ko, naiintindihan mo ba ‘yon?” pinutol niya ang titgan namin at ibinalik ang tuon sa pag mamaneho, seconds later, were back on the high way.

“Hindi mo ako pwedeng utos-utusan ng ganiyan! Once and for all, sino ka ba? Why did you drag me into all of this mess!” padabog kong hinampas ang upuan ko, hindi ko na kaya pang maging kalmado. Hindi na rin ako nag abalang kunin pa ang cellphone ko, who knows kung ano pa ang pwedeng gawin niya?

“Chill ka lang okay! Babayaran kita, pero ngayon, kailangan ko muna ang tulong mo.” bigla namang siya itong nag lie-low.

“Chill?! Babayaran? Who do you think you are?” Napantig ang tenga ko sa sinabi niya kanina, pakiramdam ko umuusok na ang tenga ko sa babaeng to, ni hindi man lamang nagpa abiso na kailangan niya pala ang tulong ko. “Mayaman din ako ‘no, marami akong pera! Hindi ko kailangan ang pera mo!” pagtatapos ko.

The Unplanned WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon