Chapter 5

142 2 0
                                    

I feel as dizzy as I woke up next to a lady who fervently shakes my body with her small hands.

Nakatulog pala ako.

Malapad ang ngit niya sa akin, habang dahan dahang tinatanggal ang puting belo sa buhok niya, her curls falling freely in her head as she untangle the bun in her hair.

F*ck! I thought I was just having a nightmare, pero hindi…totoo pala lahat ng nangyari kanina. Siya pa rin ang baliw na babaeng humatak sa akin palabas sa simbahan at sa lahat ng kaguluhang ito.Napahilamos na lang ako ng palad, when reality hit me.

“Nandito na tayo!” Masayang bungad niya sa akin.

Nandito na nga kami, napatigil ako saglit at inikot ang paningin sa paligid, ngunit nasaan kami?

Takip silim na, malalagong puno ang bumungad sa akin ng buksan ko ang pinto ng kotse sa tabi ko. Tanaw na tanaw ko din ang malawak na bukirin sa di kalayuan, nasa tapat kami ng isang bahay na kalahating kubo at kalahating konkreto, kagaya ito ng iba’t pang mga bahay na nakatayo ng isang daang metro sa pagitan ng bawat isa. Tahimik ang paligid, tanging ang huni lang ng ibon at lagaslas ng tubig sa ilog o sapang natityak kong nasa may hindi kalayuan lamang.

Kahit na nag-aagaw na ang liwanag at dilim wala akong nakikitang bakas ng ilaw maliban sa gasera sa loob ng bawat tahanan. Wala sigurong kuryente dito.

Huminga ako ng malalim para salubingin ang mabangong sariwang hangin ng probinsyang ito. Kung hindi ako nagkakamali, probinsya nga ito.

“Naihatid na kita, uuwi na ako.” Matipid kong sabi kay Andi na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko, bago ko buksang muli ang pinto ng kotse ko para pumasok dito.

“Ano?” pagpigil niya sa kamay ko, tumayo siya sa pagitan namin ng kotse ko at isinarang muli ang pinto. “hindi pa ba malinaw sa’yo yung sinabi ko kanina?” kunot noong tanong niya sa akin.

Umirap lang ako sa kaniya, “Mas malinaw pa sa tubig, pero sorry, hindi ko magagawa ang hinihiling mo.” hindi lang naman ikaw ang dapat nagdedesisyon dito. Dagdag ko sa isip.

“Maki-sama ka naman. Parang awa mo na.” pagmamakaawa niya habang nakahawak sa braso ko, “gusto kong mabuhay ng normal.”

Lalo ko lang siyang pinaningkitan ng mata, “Ako din, at hindi ito ang normal sa akin.” I fold my arms across my chest. “I need to go back now or get my life ruined. Hindi mo ako pwedeng pagbantaan ng ganun dahil kayang kaya ko namang sabihin sa lahat na kasinungalingan lang ito eh.”

Pwede naman akong magpa-press conference para malinis ang pangalan ko once and for all.

“But then again, who would believe you?” she pointed at my chest, threatening me, “Ako ang babae dito, at ako ang mas lalabas na kaawa-awa. Nasaksihan ng lahat kung paano mo sabihing mahal mo ako at gagawin ko ang lahat wag lang kitang saktan ‘diba?” She winked at me, Shit, pano niya ba kasi ako napa-oo? Oh I remember inapakan niya pala ang namamagang paa ko kanina.

“Kung gagawin mo ‘yan, tiyak masisira ang pangalan mo sa pamilya niyo, ako rin, pero wala akong pakialam.”  I wish I can just say na wala din akong pakialam pero meron eh.

Ilang taon kong pinaghirapan ang pangalan ko sa pamilya ko at sa industriya. Ginawa ko ang lahat para patunayan ang sarili ko lalo na sa papa ko. Naalala ko nanaman ang ngiti niya sa akin kanina, hindi ko alam kung bakit siya Masaya, pero kung ito ang dahilan ‘non, I guess, gagawin ko na lang din kahit sobrang labag sa kalooban ko.

The Unplanned WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon