Love #10

333 15 2
                                    

Stephanie's POV

Nadito ko sa may gazebo... Sabi kasi ni oppa na dito daw kami mag-intayan. Eh ako na excited pumunta ako ng maagap. La eh! Valentine's eh! ^____^

Pero nasan na ba kasi yun? Kanina pa ko dito ah. Don't tell me ngayon pa siya malelate? =___= Babatukan ko pala yun pagdating niya.

"Hi Steph! Iniintay mo si Sade? Hindi ba niya sinabi sayo? Sinugod ulit yung papa niya sa ospital." Sabi ni Belle.

"Ganon? Sige salamat ah!" Tumakbo ako palabas ng campus. Sumakay na ko ng taxi.

Double batok na talaga sakanya. Hindi manlang niya sinabi sakin yun. Hmpp!

***

Nadito na ko sa Information ng ospital.

"Ahm. Miss, san po yung room ni Mr. Miller? Yun pong may anak na lalaki?" Tanong ko sa nurse na on-duty.

"Room 128 po."

I ran as fast as I could...

*blag*

Swerte ko no?

Nakabunggo lang naman ako ng lalaking...

"Steph?"

"Oppa!" Agad naman akong tumayo kasi napatihaya talaga ko. Lakas din ng impact eh.

Agad ko naman siyang binatukan. 2 times as promised!

"Baby para san yun?" Tanong niya sakin habang hinihimas yung part na binatukan ko.

"Para yun sa hindi mo sakin pagsasabi na sinugod pala yung papa mo sa ospital! At sa iba ko pa malalaman!" Sigaw ko sa kanya.

"Tinext kaya kita! Akala ko nga galit ka kasi hindi ka nareply! Aigoo~ ang sakit nun ah." Sabi niya habang hinihimas parin yung binatukan ko.

Hinalungkat ko yung bag ko... nakita ko yung phone...

Naka-off pala =___= Sorry oppa!

In-on ko na yung phone kaya naman sunod-sunod na ang texts na dumadating...

"Sorry na! Masakit pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Masakit pa nga ito." Sabay turo sa lips niya.

"Ih! Oppa naman want sapak?" Sabi ko sa kanya pero syempre joke lang yun.

"Joke lang yun baby. Basta okay na tayo ha." Sabi niya sakin.

"Halika may ipapakilala ako sayo." Sabi niya sakin at hinigit ako sa room ng dad niya.

Omaygad!

"Dad..." napalingon naman samin ang lalaking kamukha ng oppa ko.

"Dad si Stephanie po... girlfriend ko. Steph si dad nga pala. My true father." Sabi ni Oppa.

Love [HunLi FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon