Love #36

81 7 1
                                    

Stephanie's POV

Nandito ko sa labas ng Leda's, hinihintay ko si Leo kasi sabi niya susunduin niya raw ako.

Nagsabi na siyang malelate siya pero hindi ko naman akalain na ganito naman pala katagal. Nakailang balik na ko sa katabing 7-11 nitong kompanya para bumili ng makakain, lunch na kasi. Malilipasan pa ko ng gustom kaya bumibili ako kahit pang meryenda lang.

Nagiging libangan ko nalang yung panghuhula kung maya bababa ba sa mga nadaan na bus, pag tama yung hula ko napapangiti nalang ako. Para na nga kong timang rito.

Naisipan kong kalikutin yung cellphone dahil naisipan kong may mga videos pa nga pala ako dito ng paborito kong Kpop group.

Tss. Napapangiti parin talaga ko kapag naaalala ko yung mga pangyayari saming dalawa.

Yung mga panahong pinag-awayan naming dalawa yun. Etong Kpop na to yung dahilan kaya nagtampo siya sakin.

If I could just bring bacㅡ

"LoveㅡSteph, I'm sorry ang tagal mong naghintay. " sabi niya at hinalikan ako sa pisnge at kinuha yung shoulder bag ko sakin at siya na mismo ang nagbitbit.

"Ayos lang, but what took you so long? " sabi ko at hinapit niya ako sa baywang habang papunta sa pinagparkan ng sasakyan niya.

"May inasikaso kasi ako eh masyadong maraming delay kaya hindi na ko nakaabot sa time na sinabi ko sayo. " paliwanag niya sakin kaya tumango nalang ako.

"Buti na nga lang nagsabi ka. At least alam ko. " sabi ko sakanya.

"Dahil dyan babawi ako." sabi niya at pinasakay na ko sa sasakyan niya.

-

Paul's POV

Nandito ako sa bahay binabantayan si Baby Pauline, buti na nga lang at gumaling na ko sa pagkaka lagnat ko dahil nabubuhat ko na ngayon si Pauline, last few days kasi hindi ko siya malapitan masyado dahil baka mahawa ko pa.

"Dy. Inom ka muna ng gamot oh, para mawala na ng tuluyan yang sakit mo. " sabi ni Jazz habang palapit sakin na may dalang gamot at isang basong tubig.

Tumayo ako habang buhat buhat parin si Baby Pauline at lumapit sa mommy niya.

Pinaglapit ko ang mga mukha namin ni Jazz.

"Dyyy namann! " sabi niya at hindi makatingin ng diretso sa mata ko.

"Myy namannn. " sabi ko at nagpout sa harapan niya, pero imbis na yung labi niya ang ibigay niya sakin sinubo niya sakin yung gamot.

"Ahhh alam ko na kung bakit ka ganyan. " sabi ko habang natango tango.

"Dahil... we did it again last night? " sabi ko at ngumisi dahil nanlalaki na yung mata ng asawa ko.

"Uminom ka na nga lang. Naiinis na ko sa bibig mong walang preno. " sabi niya at pinainom ako ng tubig pero pagkatapos na pagkatapos kong ubusin yung tubig ko ninakawan ko agad siya ng halik sa labi.

"Pauul! "

"Why? Tuyo na kasi yung labi mo kaya binasa ko. " natatawang sabi ko sakanya na sinabayan naman ng pagngiti ni Pauline kaya lalong naasar si Jazz. Hahahahaha!

"Aayy! Ayyy!  Nasa labas palang ako ng gate kitang kita ko na yun ahh. Grabe ang sweet niyong dalawa!" sabi ni Lexi.

Napangiti nalang ako ng magyakapan si Jazz at ang bestfriend niya.

"Lexi Nicole Grace, bakita ngayon ka lang nagpakita ulit sakin? " naiiyak na sabi ni Jazz nung kumalas sila sa yakap.

"Si Mommy kasi, tinadtad ako ng office works. Yun daw yung initiation sakin para maging makuha ko yung gusto kong posisyon sa kompanya. " sabi niya.

Love [HunLi FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon