Love #1 Edited

924 39 8
                                    

¬

Stephanie's POV

Kakarating lang namin ng mga kaibigan ko dito sa school dahil nagtagpo tagpo kami sa tambayan namin bago pumasok. Naglalakad na kami ngayon papunta sa classroom dahil magkakaklase kami ngayong taon, finallyyy~!

"Stephanie! Look oh! " sabi ng kaibigan kong si Krystal. Nilingon ko naman yung tinutukoy nya.

Tiningnan ko lang saglit nung malaman ko kung sino. Masasabi kong stalker siya dahil lahat ata ng pictures ko sa FB nalike na niya, minsan nga nalitaw yung mga jeje days ko dahil nga sa paglike niya. Pati yung mga latest dubsmash ko.

Feeling ko nga ang famous famous ko. Minsan kapag napapasali ako sa contests na kelangan ng netizen votes siya talaga yung gumagawa ng effort, kaya lagi ko namang napapanalunan yung People's Choice award.

"G-good Morning, Stephanie. " nauutal na sabi niya. Sanay na ko sakanya, hanggang ngayon parang hiyang hiya parin siya.

Nginitian ko nalang siya dahil kahit papaano nagpapasalamat ako sa mga nagagawa niyang pabor para sakin. Maraming nagsasabi na masama daw ang ugali ko dahil hindi ako namamansin ng mga ibang bumabati sakin. Ang paplastic naman kasi nila, babatiin nila ko pero pagchichismisan nila ko pagkatapos.

"Hayy nako. Kelan ba titigil yang nerd na yan sa kakastalk sayo? It's pretty obvious na wala siyang pag-asa sayo no. " sabi sakin ni Luna, siya yung pinaka maarte pagdating diyan.

" Stop it na, dalian niyo nalang. " sabi ko sa kanila.

We walk towards our class.

" Hi Steph. " bati sakin ni Paul pagkapasok namin ng classroom. I almost forgot, kaklase ko nga pala siya =___=

" Hello. " I flashed a smile at namili ako kung saan ko gustong umupo.

" Yah! Ba't ba hindi mo pa sagutin yang si Paul? Diba nanliligaw siya sayo? " tanong sakin ni Krystal.

I rolled my eyes.

" Alam mo namang playboy yan diba? Saka hindi naman ako pumayag na manligaw siya, dineclare nalang niya yun kaya wala akong balak na sagutin siya. " sagot ko sa kanya.

" Sa gwapo niyang yan?!" gulat na tanong niya sakin. Anak ng, landi eh.

" Gwapo nga hindi mo naman alam kung ilan kayong nililigawan. " sabi ko sakanila at sinabit yung back pack ko sa upuan na nasa harapan ko.

***

Sade's POV

She smiled at me. Hindi ko marecognize yung feelings na nararamdaman ko. Ayoko mang aminin pero pakiramdam ko kinikilig ako. Ano bayan baka kung ano isipin niyo. Lalaki ako, straight ako no.

Matagal ko ng gusto si Stephanie, hindi dahil sa famous siya at maraming nakakakilala sakanya kundi dahil may mabuting kalooban siya na maraming hindi nakakaalam. At pakiramdam ko blessing sakin na nakikita ko sakanya yung mabuting puso na yun.

Sinulyapan ko lang si Stephanie na napadaan lang sa classroom namin.

"Oi Sade! Nangangarap ka na naman diyan.  Naasa ka pa, eh alam mo namang madaming nanliligaw dun. Wala ka namang pag-asa, nagmumukha ka lang aso na sunod ng sunod sakanya. " sabi sakin ni Bernard na matalik na kaibigan ni Paul.

" Pakelam mo ba. " balewalang sagot ko sakanya at umupo sa upuan ko.

" Lakas ng loob mo sumagot. Wala ka lang pag-asa kay Stephanie eh. " pang-aasar niya sakin. Nagsasayang lang siya ng oras sakin dahil lagi na niyang ginagawa sakin to.

Love [HunLi FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon