Love #8

344 18 2
                                    

Lian's POV

Nadito ako ngayon sa park. Wala lang pasyal pasyal pang, wala kasing magawa sa bahay...

Wala paring pasok ang Grade 9, ginagamit kasi yung room namin ng mga soon to be college students na gustong makapasok sa university.

Masaya na malungkot. Masaya kasi walang pasok malungkot naman kasi hindi ko makikita ang love of my life ko.

"Nicks? "

Tumingala ako para malaman kung sino yung tumawag sakin.

" Oppa! " si Kuya Paul lang pala.

" Anong ginagawa mo dito. Napaka layas mo talaga! "

" Layas agad? Pwede bang wala munang magawa sa bahay kaya namamasyal ako? " sarkastiko kong sabi sa kanya.

" Sumama ka sakin sa school. Manuod ka samin. May laban yung team namin. " sabi niya.

" Wow. Bait mo naman. " sabi ko sakanya.

" Kelangan ko kasi ng magchecheer. " sabi niya.

=___= Kaya naman pala. May kelangan.

Sumama nalang ako para may magawa kahit papano.

***

Kendrick's POV

Nadito na kami sa covered court ng school. Naghahanda na kami sa laban. Malakas din ang kalaban namin pero hindi namin hahayaang manalo sila. Ano sila chix?

"SCA!! WHOOO!! KENDRICK!! " sigaw ng supporters ng SCA. Sino kaya yung sumigaw ng pangalan ko?

Tiningnan ko. Kumaway sakin si Nicks. Katabi niya sina Stephanie at may tinitingnang iba... Kateam ko nga pala si Sade.

" Okay SOUTHERN CROSS!! FIGHTING!! " sigaw ni coach.

" HWAITING!! " sabi naming lahat at nag yung parang sa maiba taya? Basta ganun.

Pumunta na kaming lahat sa loob ng court.

Atleast nadun si Nicks para sakin...

***

Sade's POV

Nagsisimula na kaming maglaro...

Todo cheer na yung nga estudyante pero syempre mas malakas yung cheer samin ng SCA. Pampalakas ng loob. Whoo! Para sa Southern Cross Academy!

Nakita ko na si Steph. Tapos nag okay sign siya. I'll win this game for you!

Napatingin ako kay Kendrick. Nakatingin rin siya kay Stephanie.

'Sorry bro, she's mine. ' gusto ko sanang sabihin sa kanya pero naiintindihan ko naman yung nararamdaman niya eh. Masakit yun.

Nagsimula na kami maglaro... Lalong dumagundong ang buong covered court....

Magaling lahat maglaro. Nasa kondisyon lahat... Pero madumi maglaro ang kalaban...

Natapos ang laban... At syempre... Talo... SILA! PANALO KAMI!!!

At kilala niyo ba kung sino ang MVP? Si Kendrick. Masaya ako para sa kanya kasi siya talaga yung pinakang nagdadala sa team kahit transferee siya... Mabait siya kaya siguro nagustuhan siya... Ni Steph... Noon

"Sade!! " tawag ni Luna at Krystal. Kasama nila si Steph.

"Ui."

"Congrats! Grabe ang ganda ng laro niyo. Grabe talaga yung kabilang team napaka unfair. " inis na inis na sabi pa nitong ni Luna. Haha! Mas nainis pa siya kesa samin ha. Haha!

Love [HunLi FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon