Love #34

69 6 0
                                    

Lian's POV

Magkasama kami ni Kendrick dito sa canteen ng school. Graduate na siya tapos ako 4th year. Tamad niya diba, hindi pa naghahanap ng trabaho. Tss, sabagay may kompanya naman sila na pinag merge nung amin.

"Ba't hindi ka nalang pumasok sa company? " tanong ko sakanya. Habang siya naman nilalantakan yung pagkain ko. Ayaw pa kasi kanina bumili gusto rin naman palang kumain. =____=

"Bakit gusto mo kong maglayag at manguha ng sardinas sa karagatan?" tanong niya sakin.

"Porke ba Sardine manufacturing, alangan namang ilagay ka ng mga magulang mo dun. Syempre sa office ka, shunga mo talaga. " sabi ko sakanya.

"At least ako, graduate na. Eh ikaw?" pang-aasar niya sakin.

"Yun na nga ang ipinagtataka ko... Kung paano ka nakapasa. " sabi ko sakanya at sumubo ng fries.

" Daldal mo. Kung sinasagot mo nalang ako. " sabi niya sakin.

" Bakit kita sasagutin? Nanliligaw ka ba? " tanong ko at inirapan siya.

" Hindi pa ba panliligaw tong ginagawa ko, bakit kasi binawi mo pa noon, akala ko tuloy tayo na mula nun. Paasa ka. " sabi niya sakin. Tsk tsk.

" Sabi ko lang naman noon ay may chance ka ah. Hindi pa naman kasi kita sinasagot. Kaya hindi ako paasa, sadyang umasa ka lang. " sabi ko sakanya.

" Oo na oo na, pero nagpaalam na kaya ako kina tita na liligawan kita. " sabi niya sakin. Napaka talaga nitong lalaking to, nagpaalam sa magulang ko hindi sakin. Baliw.

"Tss. Oo na, jinojoke lang kita." sabi ko sakanya.

"Kelan mo nga ako sasagutin?" tanong niya uli sakin. Nakapahalumbaba na siya at nakatingin habang nanguya ako.

"Bakit? Ano ba yung tanong mo?" natatawa kong tanong sakanya.

"Aish! Kung pwede b-ba kitang maging g-girlfr----"

"Okay. " saka ako naglakad palayo papunta sa CR. Ayokong makita niyang namumula yung pisnge ko. Letse, parang pinangarap ko lang to dati eh.

Buti naman hindi niya ko sinundan, makulit pa mandin yun.

" OI TAYO NA?!!! SABI MO OKAY DIBA?!! TAYO NA AHHH?! WALA NG BAWIAN!!!"

-

Stephanie's POV

Nadito na ko sa pinag-usapang shooting place para sa photo shoot na ako ang magiging cover. Naghihintay nalang ako na matapos sila sa pagreready.

"Nasan na ba si Mr. Miller? Natext mo na ba? " tanong ni Ferdy, yung photographer.

" On his way na daw po. " sabi nung staff na pinagtanungan niya.

Miller? Wag mong sabihingㅡ Tss. Wag ka ngang ano Stephanie, hindi lang naman si Sade ang Miller sa mundo. Aishh, bakit ba siya iniisip mo? Eh ano naman kung siya yun?

" Ma'am dito na po tayo. Bibihisan na po kayo. " sabi sakin at pinapunta na ko sa isang kwarto. Dressing room ata to, yun ang nakalagay sa pinto eh. Tss, baliw na ko.

Kanina habang naghihintay ako sinisilip ko na kung anong nasa loob eh. At kanina parin ako sobrang excited pumasok rito. You know, gurls love clothes at sa kwartong to, iba't ibang klase ng damit ang makikit mo. May gowns tapos

" Eto po ma'am pakisuot po nito. " sabi ni ate at binigyan ako ng white na sweat shirt na may print na vintage rose at binigyan ako ng maroon skorts.

Yas. I love this style.

" Ma'am gusto ko lang pong ipaalam yung mga theme na gagawing niyong dalawa--"

"Dalawa?" takhang tanong ko sakanya.

"Opo kayo po ni Mr. Miller. " sabi ni ate.

Hindi na ko nagsalita kaya ipinagpatuloy na ni ate yung sinasabi niya.

" Teenage couple at the park, at school. Tapos po married couple at the beach. Tapos solo shoot po na suot niyo yung damit ng sponsors. " sabi ni ate.

Ah okay, alam ko na pala yun. Pero hindi ko alam na may kasama pala ko.

So ayun na nga sinuot ko na yung damit na ipinapasuot samin.

" Good Morning, Mr. Miller. " sabi nung photographer dun sa lalaki.

Hahaha! Sabi na e, hindi si Sade marami nga kasing Miller sa mundo.

Pero bakit nagbubuhat?

" Good Morning. "

Fvck.

" Stephanie, this is Sade. Sade, this is Stephanie. " sabi ni Photographer.

" Yeah we know each other." sabi ni Sade.

"Oh? Talaga? " ay hindi hindi kakasabi lang diba? Tss.

Love [HunLi FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon