Love #38

76 8 2
                                    

Stephanie's POV

Nabyahe kami ngayon ni Sade papunta sa ospital. Hindi pa nakakaalis dun si Leo, at yung katawan ni Alyssa ay pinoproseso na. Her family decided na crimation ang mangyari at dadalhin nila yung abo sa Amerika. At pinagdesisyunan din na dun dadalhin yung anak nila ni Leo. Pumayag si Leo dahil wala naman siyang nakikitang problema para tanggihan, at sigurado siyang yun din ang magiging desisyon ni Alyssa kung sakali. Susunod din naman si Leo after kapag naayos niya lahat.

"Kumain ka muna Stephanie, para bago tayo makarating nakakain ka na." sabi ni Sade at kinapa niya ang isang paper bag sa gilid niya.

Kinuha ko yun at sinimulang kainin yung Chicken Burger at fries. Sinubuan ko si Sade ng fries habang nagdadrive siya at pagkakaubos niya ay sinusubuan ko siya ulit.

Bago pa man maubos yung fries, Sade held my hand habang yung isa niyang kamay ay nasa manibela.

"I missed you." sabi niya at sumulyap saglit sakin at ibinalik yung tingin sa kalsada.

"Ako rin naman, sobra." sabi ko at sinubuan ulit siya ng fries.

Naramdaman kong mas lalong humigpit yung hawak niya sa kamay ko.

At nanatili lang kaming ganun hanggang sa makarating kami sa parking lot ng hospital.

Lumabas si Sade at umikot para pagbuksan ako ng pintuan.

"Gentleman." I murmured then smirked.

"Wag mo nga ako asarin." shit namumula yung tenga niya. Hahahaha!

I pinched his cheek.

"Cute mo!" nanggigigil ako sobra.

Pokerface lang siya habang naglalakad kami at nakapulupot naman yung braso ko sa braso niya.

Habang lumalapit kami kung nasaan si Leo medyo bumigat yung aura. Tinanggal ni Sade yung pagkakapit ko sakanya at siya na mismo ang humawak sa kamay ko.

Tinabihan ko si Leo dahil nakaupo lang siya sa mga upuan na nasa tapat ng nursery.

"Cheer up, you have your daughter naman oh." sabi ko sakanya at pinat siya sa balikat.

"Masaya naman ako eh. At least naging masaya siya bago siya mawala." sabi niya samin.

Tiningnan ko si Sade at nakatingin lang siya sa loob ng nursery room. I saw pain in his eyes, pilit niyang tinatago pero hindi kaya ng mga mata niya. Hindi sila nakapag-usap ni Alyssa bago siya mawala, I know he is regretting it right now.

"Anong balak mo ipangalan sakanya?" I blurted.

"I want to name her after her mom." sabi niya. I silently nodded at ngumiti.

Sobrang matutuwa si Alyssa kung nasaan man siya ngayon.

Tumayo ako at sumilip sa nursery.

Manang mana siya kay Alyssa. Sobrang obvious na mas kamukha niya si mommy niya kesa kay Leo. Kaya bagay na bagay sakanya na ipangalan sa mommy niya.

Nawala man siya pero may pumalit naman, so lucky.

-

Pauwi na kami ni Sade, iniwan na namin si Leo dun na nag-aasikaso ng mga kailangan para sa baby.

"Masaya na kaya siya?" i asked out of nowhere.

"Hmm?" nakatutok lang siya sa pagdadrive.

"Masaya na kaya si Alyssa?" tanong ko ulit sakanya.

"Siguro. Hindi naman natin malalaman eh. Pero isa lang ang sigurado ko, alam na niya ngayon kung gano karami ang nagmamahal sakanya. " sabi niya.

Love [HunLi FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon