Chapter 18

572 34 3
                                    

"PLEASE SAVE her, doctor!" pagmamakaawa ni Itchie sa doktor na kasabay niyang tumatakbo habang sinasabayan nila ang stretcher kung saan nakahiga si Suri, duguan, at sa tingin niya ay hinang-hina na. Her friend was barely breathing!

"We'll do everything we can to save her, Miss," the old yet dignified-looking doctor reassured her.

"Itchie?"

Kunot-noong nilingon niya ang tumawag sa kanya sa kritikal na sandaling iyon. Pero agad ding umaliwalas ang mukha niya nang makitang si Greyson Chai iyon. Umaagapay ito ng takbo sa kanya. He was wearing a doctor's robe. Right. Based on his nameplate, he was a surgeon.

"What happened to you?" nag-aalalang tanong ni Greyson na sa kanya lang nakatingin kaya marahil hindi pa napapansin ang kaibigan niya.

"I'm fine. Suri is not."

"Suri? What ha –" Natigilan ito nang sa wakas ay dumako na ang tingin nito kay Suri. Namutla ito bigla dala marahil ng takot. "Suri! God! Doctor Ramos, ako na ang bahala rito. Magpalit tayo ng shift."

"But Doctor Chai –"

"Dammit! I won't let Suri die so get the fuck out of my way!" galit na sigaw ni Greyson na nakapagpatahimik sa lahat ng nakarinig dito. Ito na rin ang halos tumulak sa stretcher papunta sa emergency room.

Naiwan na tuloy siya sa bilis niyon. Isa pa, kahit paano ay panatag na siyang magiging ligtas si Suri. Greyson wouldn't let her die. She was sure of it. That was the first time she heard him curse. She would kill Gresyon herself if he would fail to save her friend's life.

Ngayong nahimasmasan na siya kahit kaunti, naramdaman na niya ang matinding pagkahapo. Napaupo siya sa isa sa mga upuan na nakahilera sa pasilyo ng ospital na iyon. Yumuko siya at pinagdaop ang mga kamay niya. She closed her eyes and prayed.

Don't let Suri die. Please. Iligtas Niyo po siya.

Natauhan siya nang maramdaman ang pagbalot ng mainit na bagay sa kanyang katawan. She opened her eyes and looked up at the person standing in front of her. "Min Ho..." Jacket nito ang binalot nito sa kanya.

"You're shaking. Are you sure you're not hurt anywhere?"

Marahang umiling siya. "How about you?"

Tinuro nito ang nakabenda nitong braso. "I'm fine. The bullet scraped my arm, that's all."

Nakahinga siya ng maluwag. Kanina kasing nasa ambulansya sila, habang binibigyan ng paunang lunas si Suri, nag-panic siya nang makitang duguan ang bandang balikat ni Min Ho. Marahil ay nakuha nito iyon nang protektahan siya nito.

Tumayo siya. "Min Ho, thank you for saving my life... and sorry kung napahamak ka pa ng dahil sa'kin. Maayos ka na ba talaga?"

Tumango ito. "I'm fine. You can talk to the doctors here if you really wanna make sure."

He was using the same cold and distant voice he used to use whenever he was upset. Napilitan lang talaga itong iligtas siya dahil kailangan kaya ito nasa harapan niya ngayon. But now that everything was over, it was time to say goodbye to him once again.

"I-I have to go. Ah, the hospital bill –"

"I have taken care of it. Hindi mo na kailangang mag-abala."

Tumangu-tango siya. "Ahm, then, aalis na ko. Kailangan ko pang tawagan ang pamilya ni Suri." Pero nakakaisang hakbang pa lang siya, nahawakan na siya ni Min Ho sa kanyang braso. She hitched her breath when the familiar spark crept out throughout her system. Nagtatakang nilingon niya ito. "B-bakit, Min Ho?"

"You can barely stand. Where the hell are you planning to go in that state?" may himig ng pinaghalong pagkaasar at pag-aalala sa boses nito. "Stay here." Paghila nito sa kanya ay sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito. He wrapped his arms around her. "See? You're trembling."

She felt so weak. Not because she was tired but because of Min Ho. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya kayang labanan ang nararamdaman niya para rito. Himbis na tumakbo palayo rito, heto na naman siya at pinagbibigyan ang kapritso ng kanyang puso. She hugged his waist tightly and closed her eyes.

Being in his arms like this washed away her fear, her anxiety, her weariness. His embrace filled her longing for him, the seven-year gap and the emptiness in her heart.

Min Ho, I missed you...

Wake up, Itchie!

Natauhan siya bigla. Marahang naitulak niya si Min Ho. "I-I'm sorry..." Handa na sana siyang tumakbo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Min Ho!"

It was Seung-hyun. May kasama itong limang Korean bodyguards.

"Hyung." Bahagyang yumukod si Min Ho sa kapatid nito. "What are you doing here?"

Seung Jo looked relieved. "Babo. What kind of question is that? Of course I'm here to check if you're still alive! No serious injuries, I hope."

"None, hyung. I'm fine."

"Simula ngayon, magbibitbit ka na ng sampung bodyguards saan ka man pumunta." Dumako ang tingin ni Seung Jo sa kanya. "Itchie-a!" Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "Are you okay?"

She smiled weakly. "I'm okay, Seung-hyun oppa."

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "You should change your clothes. Do you want me to take you home? Kailangan mong magpahinga. Look at you. You look awful."

"She still looks pretty even if her clothes are tainted with blood," mariing kontra ni Min Ho na ikinagulat nila ni Seung-hyun.

"A ra so," nakangiting sagot ni Seung-hyun na ang ibig sabihin ay 'okay.' "Anyway, Min Ho, do you remember Itchie?"

Nagtaka siya sa tanong ni Seung-hyun. Sigurado naman siyang kahit galit sa kanya si Min Ho ay maaalala pa rin siya nito.

Min Ho looked straight into her eyes. "No, hyung. I don't remember her."

Maghahanap na sana siya ng syringe na ituturok sa leeg ng binata dahil nasaktan siya sa ginawa nitong pagtatangging kilala siya nito nang magsalita si Seung-hyun.

"Oh. Too bad your amnesia took away your precious memories of Itchie."

Nalaglag ang panga niya sa narinig.

May amnesia si Min Ho?!

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now