Chapter 7

552 36 0
                                    

"MIN HO, bakit ka nga pala nakikipag-away?" tanong ni Itchie kay Min Ho sa pagitan ng pagnguya. Kasalukuyan silang kumakain no'n ng fishball sa fishball cart na malapit sa park. Hindi sumagot ang binata. "Yohoo... my honey."

"What?" angil nito sa kanya.

"Sino ba 'yong kaaway mo?"

Nag-iwas ito ng tingin saka bumuntong-hininga. Kumain muna ito ng isang pirasong fishball bago sumagot. "That guy is Rico. Kaibigan ko siya."

Nagulat siya. "Kung kaibigan mo siya, bakit mo siya inaway?"

"May hindi lang kami naging pagkakaunawaan."

Tumungga muna siya ng samalamig bago muling nagsalita. "Ano bang ginawa mo?"

"Binayaran ko 'yong tuition fee niya ng hindi niya alam."

"Ang generous mo naman, Min Ho. Eh bakit nagalit iyong friend mo?"

Nagkibit-balikat lang ito.

Parang may ideya na siya kung bakit nagalit iyong Rico na 'yon. "Min Ho, anong sinabi mo sa kanya noong tanungin ka niya kung bakit mo binayaran 'yong tuition fee niya?"

Nilingon siya nito. May pagtataka sa mukha nito pero sumagot pa rin naman ito. "Galit siya no'ng kinompronta niya ko kaya nainis ako. Ang sabi ko, mahirap na nga siya, ma-pride pa siya. Doon na kami nagkapikunan."

Napapalataktak siya. "Sinasabi ko na nga ba. You and your sharp tongue again."

"Ano bang mali sa sinabi ko?" Uminom ito ng samalamig. "Totoo naman 'yon."

Bumuntong-hininga siya. "Min Ho, sabihin mo nga sa'kin, anong dahilan mo kung bakit mo binayaran 'yong tuition fee niya?"

Matagal bago ito sumagot. "I want us to graduate together."

Napangiti niya. She was right all along. Mabait talaga si Min Ho kahit matalas ang dila nito at suplado. "Min Ho, nainsulto siya sa ginawa mo. Siguro naman gumagawa siya ng paraan para mabayaran niya ang tuition fee niya. Hindi mo siya dapat pinangunahan."

"Hindi siya aabot ng enrolment kung hindi ko ginawa 'yon."

"Alam kong gusto mo lang makatulong pero maling-mali 'yong atake mo. You should have waited for him to ask for your help. Ah, hindi. Sa tingin ko, magkakaayos kayo kung sasabihin mo ang dahilan kung bakit mo ginawa 'yon. I'm sure matutuwa 'yon."

"Ayoko."

Nilingon niya ito. There was a tinge of pink on his cheeks. Napangiti siya. "Aww... my honey is shy. Ang cute."

"I'm not your honey."

Natawa lang siya. "Min Ho, believe me. Magkakaayos kayo kung sasabihin mo sa kanya ang dahilan mo. You don't want to lose a friend, do you? Being honest will solve everything."

Humarap ito sa kanya. There was uncertainty in his eyes. "Are you sure?"

Napangiti siya. Aww... her honey had a big heart. "Oo." Nilabas naman niya ang pakete niya ng Band-aid mula sa kanyang shoulder bag at inabot iyon dito. He gave her a questioning look. She winked at him. "'Props' 'yan."

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now