Chapter 5

661 48 1
                                    

MAY NARAMDAMAN si Itchie na marahang humahaplos sa kanyang noo. Hindi nga lang siya sigurado kung nanaginip pa siya o gising na. Pero teka, nakatulog ba siya? Saka lang unti-unting nagbalik sa kanyang isipan ang mga nangyari. She passed out.

Napabalikwas siya ng bangon. "Aww..." daing niya habang nararamdaman ang panginginig ng buong katawan niya dahil sa biglaan niyang pagkilos.

"Ayos ka na?"

Sa kabila ng mga nararamdaman niyang hindi maganda, nagawa pa rin niyang mapangiti nang masilayan ang kaguwapuhan ni Min Ho. Nakaupo ito sa armrest ng sofa na inookupa niya. "An yong haseyo, Min Ho!"

Kumunot ang noo nito. "I think you're okay now. I was about to bring you to the hospital. You were passed out for five minutes."

Nilibot niya ang paningin niya sa kuwartong iyon. It looked like an ordinary office. Pero mukhang out of place para sa isang opisina ang huge sofa bed na inookupa niya. "Where am I? Nasa'n ang Ate Meiko ko?"

"Opisina ng boss ko 'to. Iyong pinsan mo, pinakiusapan kong mag-cover ng work ko."

"Pumayag si Ate? Na maglinis ng mesa dito?" she asked in disbelief. Ang tamad kaya ng babaeng 'yon!

"Nope, it's a different job. Ako dapat ang magsusuot ng mascot ni HappyChic at a-attend sa children's party kung saan si Skylus Saitou ang guest of honor."

Napailing siya. Hanggang ngayon talaga, adik pa rin ang babaeng 'yon kay Skylus.

"Come on, I'll bring you to the hospital."

"Huh?"

"Anong huh? Kailangang mong magpa-check up. Tingnan mo nga 'yang itsura mo. Walang kakulay-kulay 'yang mukha mo."

Awtomatikong napahawak siya sa magkabilang pisngi niya at marahang tinapik-tapik iyon. "Hala. Hindi pa naman ako masyadong maganda kapag walang blush on."

Lumapit sa kanya ang binata at pinigilan siya sa pagsampal-sampal sa kanyang magkabilang pisngi. "No need to do that. Na neun ye pu da."

"Huh?"

"Secret."

"Ano nga 'yon? Parang maganda, eh."

Bumuga lang ito ng hangin at laking gulat niya nang bigla siya nitong hawakan sa mga kamay para hilahin patayo. Tila nag-slow motion ang lahat habang hinihila siya nito. The spark that she felt whenever he touched her was stronger than ever, creeping throughout her whole body. It was electrifying, elating and it simply felt good to feel his warmth on her hands.

And then suddenly, she was looking straight into his adorable chinky eyes. There were no emotions in them but she could feel his warm gaze lingering on her face. She felt her cheeks burn.

"O, may kulay na uli ang mukha mo," he said in amusement.

Binawi niya ang kamay niya mula sa binata at dinama ang kanyang magkabilang pisngi. Mainit ang mga iyon. She was probably blushing at the moment. "H-Hindi mo na ko kailangang dalhin sa ospital. Maayos na ang pakiramdam ko."

Dala lang marahil ng matinding pagod at sunud-sunod na gabi ng walang tulog ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. Kabisado niya ang katawan niya, alam niyang wala siyang sakit. Magpapaalam na lang siya kay Mudra na hindi muna magtatrabaho mamaya para makapagpahinga siya.

"What's that?" Napapiksi siya nang hawakan siya sa braso ni Min Ho habang nakatingin doon. "Bakit may mga pasa ka?"

"Ahm..."

"Itchie."

She froze. That was the first time he had called her by her name! It felt good hearing him say her name. May kung anong kumiliti sa kanyang puso.

"I've been wondering about this..." mayamaya ay sabi ng binata habang tila malalim ang iniisip. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanyang braso pero alam niyang hindi iyon ang nakikita nito. "You have a wish list, you have a deep thought about death, these bruises, your pale complexion, your weak body. Itchie, magtapat ka nga sa'kin." He looked straight into her eyes. "May... leukemia ka ba?"

Napaawang ang bibig niya. "Min Ho... seryoso?"

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat para alalayan siyang umupo. He got down on one knee and didn't break their eye contact. "Itchie. Lahat ng symptoms, nakikita ko sa'yo."

Tumawa na sana siya ng malakas kung hindi lang niya napansing seryoso talaga ito. He might get insulted if she laughed so she just smiled. "Bakit? Aalagaan mo ba ko kapag sinabi ko sa'yong may cancer nga ako at may taning na ang buhay ko?" hamon niya rito.

Matagal bago ito sumagot. "If that's what you want... yes, I will take care of you."

Ano daw?!

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now