Chapter 22

672 35 5
                                    

I'M STILL in love with Min Ho Jang.

Iyon ang bonggang-bonggang realisasyon na pinoproblema ni Itchie ngayon. Kababalik pa lamang ni Min Ho, oo. Pero sa maiksing panahon na iyon, naramdaman agad niya na hindi pa nagbabago ang reaksyon niya sa binata. Walang nagawa ang pitong taong paghihiwalay nila para mabura ang pagmamahal niya rito. She still loved him.

Syet.

"Hoy, babae, anong drama 'yan?"

Natauhan siya nang batuhin siya ng mani ng pinsan niyang si Meiko. Oo, last week pa ito nakauwi ng bansa mula sa pamamalagi nito sa Japan. "May iniisip lang ako."

"Sino, si Min Ho na naman?" sabad naman ni Suri habang ngumunguya ng mani. Tumakas ang bruha mula sa ospital kahit hindi pa naki-clear ang pagdi-discharge ng paglabas nito.

Kasalukuyan silang nasa kanyang My Honey Salon at prenteng-prenteng nakaupo habang sabay-sabay na nagpapa-foot massage. Ngayon lang uli sila nagkasama-samang tatlo kaya todo relax ang drama nila ng mga sandaling iyon.

Bumuntong-hininga siya. "I still love him..." pagtatapat niya sa mga kaibigan niya.

"O, anong bago do'n?" kunot-noong tanong ni Meiko. "You've always been in love with that Korean hottie. Hindi mo pa rin ba matanggap 'yon?"

Ngumuya muna siya ng mani bago sumagot. "I'm more in love with him now."

Napa-"ohh" ang mga kaibigan niya.

"Desidido na ko," matatag na sabi niya. "Sasabihin ko na sa kanya kung sino ako. Wala na kong pakialam kung magalit man siya o isako niya ko. Kung kinakailangan kong ligawan uli siya, gagawin ko. Patawarin niya lang ako."

"So, anong balak mo?"

Tumikhim siya. "Sasabihin ko sa kanya na ako ang pinakamagandang babaeng nakilala niya sa buong buhay niya kaya dapat lang na patawarin niya ko. Magko-confess na rin ako. Sasabihin ko sa kanyang mahal ko siya, bagsakan man ako ng nuclear bomb ng North Korea."

Nakakalokong nagsipalakpakan ang mga kaibigan niya. Minsan talaga, walang kuwentang kausap ang mga ito. Iniba na lang niya ang usapan.

"Suri, buti pinayagan ka ni Greyson na magpakalat-kalat ngayon?" tanong niya rito.

Tumawa ito. "Hindi ako nagpaalam sa kanya 'no. Pineke ko lang 'yong pirma niya para makalabas ako ng ospital."

Napasinghap siya ng malakas. "Gaga ka talaga. Hindi na ko magtataka kung hinahaluglog na niya ang bawat sulok ng Pilipinas mahanap ka lang. Pinahihirapan mo 'yong tao." Naaawa talaga siya kay Greyson. College pa lang sila, alam na niya kung gaano nito kamahal si Suri. Pero dahil likas namang malihim at misteryoso si Suri, hindi nila maintindihan kung bakit tila bale-wala lang rito ang binata.

Nagkibit-balikat ito. "Kasalanan niya 'yon. Hindi ko naman sinabing hanapin niya 'ko." Nilingon nito si Meiko. "Ikaw, Meiko, kumusta na kayo ni Skylus pagkatapos ng drama niyo sa TV?" Ang tinutukoy nito ay ang pagsapak ng pinsan niya kay Skylus na nabalita sa telebisyon. Napanood niya rin iyon.

Eksaheradong sumimangot si Meiko. "Sino 'yon?"

"Ako."

Sabay-sabay silang napalingon nina Suri at Meiko sa nagsalita. Sabay-sabay din nilang nabitawan ang mga hawak nilang plastic ng mani na lumikha ng ingay sa VIP area ng salon niya dahil sa kanilang nakita.

Standing a few feet away from them were the hottest men they could have seen in their whole lives. Skylus Saitou, Greyson Chai and her Min Ho Jang, the epitomes of a Greek god, were regally walking towards them. How come they became more handsome and sexier as they aged? Ang unfair talaga ng mundo.

Sabay-sabay silang napahawak nina Suri at Meiko sa kani-kanilang ilong. "Hotness overload," they whispered in unison.

"Suri Ramirez! You stubborn woman!" Walang kasere-seremonyang tinayo ni Greyson si Suri at isinampay ito sa balikat nito. "Hindi mo na ko matatakasan gaya ng pagtakas mo sa'kin noon."

Siyempre, nagtititili si Suri. "Greyson! Saan mo ko dadalhin? Anong gagawin mo sa'kin?"

"Sa malamig at madilim na lugar. Mag-uusap tayo ng masinsinan."

Nawala lang ang atensyon niya kina Suri at Greyson nang si Meiko naman ang tumili. Nang lingunin niya ang pinsan niya, nakasampay na rin ito sa balikat ni Skylus.

"Put me down, Skylus! Hayup ka! Saan mo ko dadalhin?!"

"Mag-uusap din tayo ng masinsinan... sa malamig at madilim na lugar."

Napakurap na lang siya nang sumara ang pintuan. Wala na ang mga kaibigan niya. They were taken away by the Chines cutie and the Japanese hunkie just like that.

Leaving her alone with the Korean hottie, Min Ho.

"Itchie, mag-usap din tayo ng masinsinan," wika ni Min Ho na bumasag sa katahimikan nila.

"Ha?"

Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito. "Wala. Anyway, nagpunta ako rito para sana ayain kang lumabas."

May kung anong malakas na bumangga sa dibdib niya. "B-bakit?"

Nagkibit-balikat ito. "Pasasalamat lang sana sa pagbabantay mo sa'kin no'ng sumakit ang ulo ko."

Napatango siya. "Ah... okay." Napaisip siya. "May isang lugar sana ako na gustong puntahan."

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now