Chapter 2

891 41 2
                                    

"THAT damn actor!"

Napangiwi si Itchie sa lakas ng boses ni Meiko. Kasalukuyan silang naglalakad sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng jeep ng mga sandaling iyon. Galing sila sa mall tour ni Skylus Saitou – ang lalaking aksidenteng natapunan ng sundae ice cream ng bruha niyang pinsan. Pasasalamatan sana nito ang binata pero hindi nila inakalang masama pala ang ugali ng artistang iyon.

"Eh Ate Meiko, kaya nga siya artista dahil magaling siyang umarte," gatong niya sa paghihimutok ng pinsan niya.

"Sinayang niya lang ang three hundred fifty peso pink roses ko! Mamatay na siyang walanghiya siya!" patuloy na pagsesemtimyento nito. "Napaka-plastik! Grabe talaga! Gano'n ba lahat ng tao sa showbiz?!"

"Well, hindi naman siguro lahat pero malamang sa malamang, karamihan ay gano'n."

"Kapag nagkita uli kami – ah, hindi. Hindi na uli kami magkikita."

"Imposible 'yan, Ate Meiko. Sa East Sun University din siya nag-aaral kaya siguradong magkikita at magkikita kayo."

"Hah! Subukan niyang magpakita sa'kin! Matutunan niyang huwag na huwag galitin ang isang Mallari!"

"Sige, Ate. Itayo mo ang bandera ng angkan natin."

Nagpatuloy sa paglilitanya ang kanyang pinsan samantalang may nahagip naman na kung ano ang mga mata niya sa creek sa kanang bahagi nila. Nanlaki ang mga mata niya nang naging malinaw sa kanya ang imahe – a puppy was drowning in the water!

"Itchie, just where the heck are you trying to do?"

"Magpapakabayani lang, Ate!"

Nagpadausdos siya ng pagbaba sa damuhan. Hindi na siya nagdalawang isip na lumusong sa tubig at iligtas ang tuta na kasalukuyang tinatangay ng agos. Malapit sa tuhod niya ang taas ng tubig at may kalakasan din ang agos. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng tuta sa kanyang mga braso. It was a cute, little puppy. A chihuahua if she wasn't mistaken.

"Don't worry, little puppy," alo niya rito. "Malapit na tayong makaahon – kyaah!" Napatili na lang siya nang madulas siya dahilan para mapaupo siya at sa lakas nga ng agos, halos matangay na siya niyon. Hindi rin kasi makapagbalanse dahil pinoprotektahan niya ang chihuahua. Nagtangka siyang tumayo at mapapaupo na uli sana siya nang may humapit sa baywang niya. Naramdaman na lamang niya ang pag-angat ng katawan niya sa tubig. She landed safely on the grass.

"Little girl! You're really crazy!"

Gulat na nag-angat siya ng tingin sa nagsalitang iyon. A warm feeling surrounded her heart when she saw Min Ho's handsome face. Handsome but obviously irritated. Still, that didn't stop her from smiling. "An yong haseyo, Min Ho!"

"Ewan ko sa'yo," asar na sabi nito na ginaya pa ang tono niya. "Nagpapakamatay ka ba? Nakita mo na ngang ang lakas ng agos, sumige ka pa rin! O, ano?"

Napatingin siya sa tuta sa kanyang bisig. Kalmado na iyon. Napangiti siya. "The chihuahua is safe."

Narinig niyang malakas na bumuga ng hangin ang binata. Mayamaya lang, naramdaman niya ang pagbalot ng mainit na bagay sa kanyang katawan. It was a jacket. Min Ho's jacket.

She looked up at his handsome face. Hindi na ito galit. His eyes softened somehow. Nag-aalala ba ito sa kanya? Napangiti siya. "Salamat, Min Ho." Pero inalis niya ang jacket sa katawan niya at sa halip ay binalot niya iyon sa katawan ng pobreng tuta. "Pasensya ka na, ha? Pero sa tingin ko, mas kailangan niya ang jacket mo."

"All right. Hanapin na natin ang may-ari ng tuta na 'yan."

Lumingon siya sa paligid. "Si Ate Meiko ko? Nakita mo ba?"

"Oo. Tinangay ni Skylus."

"Huh?"

Kumunot ang noo nito at hinila siya sa kamay. "Don't mind them. Malaki na ang mga 'yon."

Napatango na lang siya at napatitig sa magkahawak nilang mga kamay. She suddenly felt warm inside. Kaya kahit dumadampi ang malamig na hangin sa basa niyang katawan, hindi siya makaramdam ng panlalamig.

The warmth of Min Ho's hand was giving wondrous feelings to her system.

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now