chapter 31: Beautiful day

110 2 0
                                    

*YAWN*

naramdaman kong tumama na sa mga mata ko ang sikat ng araw. what a beautiful day! naramdaman ko na may katabi akong unan at niyakap ko iyon. ang lamig! ang sarap ng tulog ko ah. parang nakakatamad pang bumangon pero kailangan na. marami pang dapat gawin ngayong araw na to. third day ko na dito sa dating bahay nila Xander. at alam ko na busy na siya sa mga kung anu-anong surprises. nagiging maayos na ang pakikitungo namin sa isa't isa. bumabalik na kami sa dati. yung madalas asaran pero hindi na nagkakatapuhan. simula nung magkausap kami tungkol sa buhay namin after 5 years e gumaan lalo ang pakiramdam ko. para kaming bumalik sa pagkabata namin.

umupo ako sa gilid ng kama. nag-inat sandali at naramdaman ko na may gumalaw sa kabilang side ng kama ko..

MAY.. MAY KASAMA AKONG MATULOG DITO?!

HINDI PWEDE..

WAG MONG SABIHING..

"good morning babe. ang aga mo naman gumising. tulog pa tayo."

*BOOOGSSSSHHHHHH!!!*

"aray!!!! bakit mo naman ako sinipa??!! aish."

"anong ginagawa mo dito?! bakit dito ka natulog?!"

"relax. nag brownout kasi kagabi. tinignan ko lang naman kung nagising ka pa. e tulog mantika ka na nung dalhan kita ng kandila dito sa kwarto, di ko namalayan nakatulog na pala ko."

"E BAKIT DITO KA SA TABI KO NATULOG?! AYUN ANG SOFA OH!!"

"e masakit sa likod e. nakakangalay. to naman, ang arte mo."

"arte ka dyan! alis na nga! kung gusto mo pa matulog dun ka na sa kwarto mo. alis!!"

"ang sweet mo talaga. kaya naman mahal na mahal kita e. ^_____^"

"tse!! alis na!!"

bumangon naman siya at umalis na. hay nako. okay okay. ayoko man siya paalisin pa pero kailangan na talaga. mamaya kung ano pa isipin ng mga kasama namin dito sa bahay. bumangon na lang ako at naligo na. aantayin ko na lang siguro siya sa baba. baka nga matulog pa yun e.

naisip kong tulungan si manang Lucy ngayon. feel ko magluto kasama siya e. saka hindi ko pa siya masyadong nakakausap. hindi naman masama kung maging helping hand niya ko ngayon di ba?

"good morning manang Lucy! ^_______^"

"oh iha, ang aga mo yatang gumising?"

"ah, okay lang po yon. wala naman po kasi ako ginawa kahapon kaya siguro hindi ako masyadong napagod. ah, may maitutulong po ba ako dyan?"

"nako, e kasi hindi pa nadating yung taga bili ko ng grocery, si Rolly. baka hindi siya makakadaan dito para mamili. wala pakong iluluto mamaya para sa tanghalian."

"ay, ako na lang po ang mamimili! tutal hindi pa po ako nakakapasyal sa bayan. magpapasama na lang ako sa driver."

"bakit magpapasama ka pa sa iba e nandito naman ako? good morning manang Lucy!"- Xander

"nako, tamang tama. may kasama ka na oh. iho, baka naman pwedeng samahan mo na si Jen sa bayan."

"nako manang Lucy. hindi nyo na kailangan makiusap. sasamahan ko talag to. mamaya maligaw pa yan e. haha!"

"nagsisimula ka na naman. tara na nga. ah manang Lucy ano po ba lulutuin nyo?"

"gusto ko kasi mag pinakbet e. okay lang ba sa inyo yun?"

"nako oo naman po. masarap yun. sige yun na lang."

"osige, isusulat ko lang yung mga bibilin nyo ha. sandali lang."

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon