chapter 51: Wedding

42 1 0
                                    

As promised,after nga ng foreign language course ko sa Korea ay bumalik na ako dito sa Pilipinas. Medyo nagkaron pa kasi ng problema mag travel sila Daniel at Mina sa Embassy. I want to make sure na okay silang makakalabas ng bansa para hindi naman nakakahiya. Ang motif ng kasal ni ate Macy ay Pink. Kaya naman sobrang kikay ng mga girls na kasali sa entourage. At parang blessing in disguise daw si Mina dahil nagkulang sya ng isang flower girl at si Mina ang papalit sa isang nawala. Everything is all set.

Wedding day.

Nagpaayos na lang ako sa favorite salon ko para hindi naman mahirapan yung inarkila ni ate Macy na image stylists. Pina-make upan ko na din si Mina ng sobrang light lang. Nagsi ayos na ang mga kasali sa entourage at isa isa nang naglalakad ang mga kasali. Nang magtagpo ang mga mata namin ni Keith ay ramdam ang tensyon sa aming dalawa. Pagkatapos kasi ng pagtatalo namin ay hindi pa din kami nag uusap. Nagtuloy tuloy ang misa at nagpalitan na ng vows si Ate Macy at Kuya Lindell. Hindi ko maiwasang mainggit. At parang kusang nag daydream ang utak ko. Pero pilit akong nag focus sa kinakasal. Umiiyak na si ate Macy and somehow, parang na-touch ako sa mga sinasabi nya. Marriage is about building a better relationship with your partner. Investing a lot of feelings,trust and growing old together. Ang sarap siguro sa pakiramdam na mahanap yung 'The One'. Yung taong gusto mo makasama habambuhay, yung taong pag aalayan mo ng lahat lahat. Yung taong tunay na magpapakita sayo ng worth mo bilang isang nilalang. Ate Macy is really lucky to find her lucky One. I know their marriage will last a lifetime.

Matapos ang ceremony ay nag proceed na sa mala fairy tale na reception dito sa Sofitel. Parang cinderella lang. Hindi ko ineexpect na ganito ka-bongga yung reception, well sa haba ba naman ng preparations e. Nagkainan,nagkaroon ng sayawan at mga speech galing sa malalapit na tao sa kanilang buhay.

At syempre, pwede ba naman matapos ang araw na hindi ginagawa ang bouquet catching na tinatawag. Hindi ako nakaligtas kay ate Macy kaya kasali ako sa sasalo ng bouquet. Nasa likuran na nga ako dahil ayoko masalo ang bouquet. Sinutsutan naman ako ni Daniel at binigyan ko lang sya ng what-the-hell look. Sa kasawiang palad ay nakalahad ang kamay ko at sa akin napunta ang bulaklak. Nahawi naman ang daan at dun ko lang napansin na ako pala ang nakakuha. Tuwang tuwa naman ang bride at parang sinasabi ng mga mata nya na umaayon sa kanyang mga plano ang tadhana.

Nang matapos ang mga girls ay oras na para saluhin naman ng mga bachelors ang garter na galing sa bride. Hindi ko alam pero sa kasawiang palad din ay nasalo ni Daniel ang garter. Nalungkot naman si ate Macy, mukhang alam ko na ang gusto nya mangyare.

"Okay ladies and gentlemen may I call now the lovely bridesmaid and the man who got the garter. Please join us here on stage."

"Ah miss ano po ang name nila?"

"Ahh Jen."

"At ikaw sir?"

"Daniel."

"Okay. Since kayo ang mga lucky catchers natin, any message for our lovely couple? Ikaw muna miss Jen."

"To the newest couple, enjoy a happy together and more babies to come." nagtawanan naman ang mga tao sa message na sinabi ko.

"And to you sir Daniel?"

"Ahh, don't ever get tired of loving each other. Best wishes and congrats."

"Okay. Ngayon po na nakapag message na sila pareho, pwede na po isuot ni Daniel ang garter sa binti ni Jen."

Oh my gosh. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Isusuot lang naman yung garter Jen, relax ka lang.

Nakaramdam ako ng init mula sa aking mukha nang padaanin nya ang garter sa binti ko. The people keep on shouting higher at yun naman ang ginawa nya. Hindi ko alam pero parang may spark akong nararamdaman sa tuwing tumatama ang palad nya sa balat ko. Pagkatapos non ay nagulat ako nang bigyan nya ko ng kiss sa forehead. I was left there speechless. Hindi ko alam kung bakit may ganito akong nararamdaman sa kanya. Nagkaron ulit ng sayawan at nagulat na lang ako nang yayain ako ni Daniel sumayaw.

"Marunong ka pala sumayaw?" pagtatanong ko sa kanya.

"Hindi naman mahirap 'tong sayaw e. Wag mo lang ako pag hihip-hopin. Di ko expertise yun." Natawa naman ako sa sinabi nya.

"So, pwede ba ako magtanong?"

"Sige lang."

"Bakit mo ako hinalikan sa noo kanina?" Dere deretso kong tanong.

"Ah.. Ano.. Pa-thank you ko lang. Para sa pagpapasaya palagi kay Mina, sa panlilibre ng trip samin dito, sa lahat."

"A-ah. Ganon ba? Wala yun. Akala ko kung ano na."

Natahimik kami parehas hanggang sa bigla naman sya nagsalita.

"Hindi ganto yung binigay kong kasal sa asawa ko, pero sigurado ako na masaya kami, masayang masaya." bigla akong nalungkot sa sinabi nya. Ginrab ko na lang yung opportunity na yon para magtanong.

"Pero,bakit kayo naghiwalay? Ano ba talaga nangyari?"

"Hindi naman ako mayaman Jen. Pero kahit na ganito ako,pinilit ko sila bigyan ng magandang buhay ni Mina. Hindi sya pure filipina, half Korean sya at kaya sya nasa Korea para hanapin ang mga tunay nyang mga magulang. Mayaman ang pamilya nya pero parehas nang namayapa nung matagpuan nya. At dahil hindi sya kinilalang anak,wala syang nakuhang parte ng pamana. Siguro nasawa na lang din sya sakin kaya bumalik sya dito sa Pilipinas. Tapos hinanap yung mayaman nyang ex."

"Kung ganon, hindi pagmamahal yon. Dahil bakit sya humanap ng yaman? Hindi ba sapat ang pagmamahalan at anak nyo?"

"Hindi lang naman pagmamahal ang bubuhay sa amin. Pero, hindi ko alam. Siguro gusto nya lang talaga makaranas ng ginhawa."

Parang bigla akong nalungkot para sa kanya. Matindi pala ang pinag daanan nya. Napayakap na lang ako sa kanya sa kalagitnaan ng pagsasayaw namin. Para naman kahit papano hindi nya maramdamang nag iisa sya.

"Jen, kapag nakita mo na sya, iparamdam mo sa kanya lahat. Kung kailangan mo sya ipaglaban gawin mo. Hwag kang pumayag na talo ka na lang. Prove to that person that you're worth it and you're more valuable than a million dollar diamond." pagkatapos nya sabihin yon ay inakay na nya ako para maupo.

Habang nag eenjoy ang lahat, hindi mapakali si ate Macy sa kanyang kinauupan kaya naman lumapit sya sa akin at niyaya ako pumunta sa may garden.

"Jen, tapatin mo nga ako. Nag away ba kayo ni Keith?"

"Well, not away really. Nagkaron kami ng slight misunderstanding,again."

"Again? What do you mean by that?"

"Ate Macy, I'm sorry. It's just not him. I don't wanna force myself to him. That wouldn't be fair to him e. I know there's a saying na "natututunan naman ang magmahal" pero NO. I don't want to lose him, he's special.. As a friend."

Napabuntong hininga na lang si ate Macy sa pagkalungkot. Pati tuloy ako nagi-guilty. Gusto ko naman ayusin to e. Kaya lang, sya yung palagi kong pinoproblema.

"But, the guy na tatay ni Mina, is he---"

"No ate, he's not courting anyone. We are just friends,close friends."

"Okay, okay. I'm sorry for pushing him so hard on you. I just feel that my brother needs someone to take care of him. Someone important. Lalo pa ngayon, i'm a married woman now."

"Don't worry ate Macy. Malaki na si Keith. Don't be so pressured. Dadating din ang para sa kanya, but I think hindi talaga ako yon."

Niyakap naman ako ni ate Macy,cheering me up. Alam ko nasasaktan din sya. Pero never kong gagamitin na panakip butas si Keith para lang pasayahin sya.

Iniwan na ako ni ate Macy sa labas at umupo naman ako sa isang bakanteng upuan malapit sa may bay. Ninamnam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Inalala ang sinabi sa akin ni Daniel. ' kapag nakita mo na sya, iparamdam mo sa kanya lahat. Kung kailangan mo sya ipaglaban gawin mo. Hwag kang pumayag na talo ka na lang. Prove to that person that you're worth it and you're more valuable than a million dollar diamond'. Sino nga ba ang lalaking ito na kailangan ko ipaglaban? Kung lalaban man ako para sa pag-ibig, sana lang yung kasama ko sya. Yung hindi ako nag iisa.

Author's note

Sana po nagustuhan nyo yung update.

Game over na ba para kay Keith at Jen? Kayo? Ano ba ang inyong dream wedding? :)

Vote,comment and please don't forget to fan/follow me. Thankie!

_NAJ

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon