chapter 40: All I want for Christmas is you (part 1)

80 4 0
                                    

Jen's POV

December 24..

"Sir we are very sorry pero last minute na lang po kami ngayon e. half day lang po magbubukas ang store namin. This is our last cake prepared for today. Hindi na po kami makakagawa pa ng pang 3rd batch." kalmado kong sabi sa isa naming customer

"Is it okay kung palalagyan ko siya ng lettering?"

"Okay na okay po sir, may free din po kayong card specially made my 'The Desserts'. personalized card po siya."

"Sige, I'll take it."

"Okay sir, that will be P560 pesos. thank you sir, Merry Christmas! ^____^"

Nang makalabas na yung lalaki ay binaliktad ko na agad yung 'close' sign na nakasabit sa pintuan ng shop. buti na lang at nakabenta pa din kami kahit papano.

"sissy! tara na sa bahay. doon ka na mag dinner. magsisimba tayo."

"ah, uuwi muna ako ha? magbibihis lang ako."

"okay sige. tawag ka na lang ha?"

naghiwalay na kami ni Jessica dahil kailangan namin mag ayos para sa simba mamaya. alam ko marami ang magsisimba nagyon kaya dapat maaga kaming makapunta doon.

Nagluto ako ng lasagna kasi yun ang dadalhin kong handa mamaya para sa Noche buena. Marami siguro ang pupunta kina Jessica kaya dinamihan ko na rin ang luto ko.

Nang matapos na kaming kumain, pumunta na agad kami sa simbahan. As expected, marami na ngang tao sa loob. buti na lang at may naupuan kami na kasya kaming lahat. Kalapit ni Jessica si Kian sa upuan at nasa harap naman namin ang pamilya nila Kian. ang ganda ng sinermon ng pari, sabi nga niya, "give love on Christmas day". halata sa mga tao dito sa loob ng simbahan ang kasiyahan na dinudulot ng pasko. may kaya man o wala, masaya pa rin sila dahil nabigyan sila ng pagkakataon na maicelebrate ang birthday ng Panginoon. Ang dami kong narealize sa mga nagdaang buwan. Napakaswerte nga pala ng taong ito kaya taos puso akong nagpapasalamat sa Panginoon para sa lahat ng binigay niyang biyaya sakin.

Pagkatapos ng misa, dahil nga hindi uuwi ang parents ko, naisip kong kina Jessica na lang ako magcecelebrate. tutal e bahay naman iyon ng bestfriend ko. Dala ang niluto kong lasagna, pumunta na rin ang mga kamag-anak nila sa bahay at ipinakikilala naman ako ng nanay nila sa iba pa nilang kamag-anak. Kaso, hindi ba dapat proud ako? or masaya ako? kasi nakikilala na ako sa pamilya nila. Na dapat maging memorable at sobrang saya na ng pasko ko? bakit hindi ko maramdaman ang kasiyahan?

Nakita ko namang dumating si Kian kaya sinamahan na siya ni Jessica. Ang saya nilang tignan, makikita mong parang Iisang pamilya na sila.

"ate Jen, anong ginagawa mo dito? halika doon tayo kila mommy." tawag sa akin ni Pearl, ang kakambal ni Jessica.

"hinde sige okay lang ako dito, sige na punta ka na doon."

"namimiss mo na si kuya no?"

"Sobra." nawala ang ngiti sa mga labi ko. parang anytime babagsak na ang luha ko.

hinagod naman niya ang likod ko to cheer me up. "Siguro may mga inaasikaso lang si kuya doon. hindi rin nga natawag si daddy e. I'm sure may dahilan naman siya."

"siguro nga. sige na baka hinahanap ka na nila sa loob. dito na lang muna ako. I'll be fine."

Nahalata naman ni Pearl na okay na ako kaya umalis na siya. Akala ko pa naman mabilis lang siya doon. yun ang sinabi niya sa akin bago kami nagkahiwalay, hindi pala.

Sa New year kaya uuwi siya?

sa valentines?

sa birthday ko?

sa susunod na monthsary?

hanggang kailan ba siya mawawala?

yung madalas naming pag-uusap noon, nauwi na lang sa madalang na kwentuhan. Minsan nga wala pa e. kapag hindi ko siya matiis, nag-eemail ako sa kanya pero ang tagal bago pa niya yun masagot. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano. I trust him more than anyone else. Kung ano ang mga sinabi niya at mga pinangako namin sa isa't isa, lahat yun itinatak ko sa puso ko kasi mahal ko siya. Kasing lamig na ba ng simoy ng hangin ang pagmamahalan namin para sa isa't isa?

Nilabas ko ang cellphone ko para tignan kung may text man lang na galing sa kanya.

kaso, wala..

pero may isang unread message..

From: Keith :)

- Jenny! Merry Christmas sayo. :) hinahanap ka nga pala ni ate Macy pero sinabi ko na sa kanya na may pupuntahan ka kaya kumalma na siya at ndi na namilit papuntahin ka dito. Ingat ka ha? wag matutulog ng busog. :p

Napangiti ako sa text ni Keith. Kani-kanina lang naman yung text kaya nagpaalam na ako kila Jessica at sinabi ko naman kung saan ako pupunta. hindi ko sinabi kay Keith na pupunta ako doon para masurprise siya. umuwi ako sa bahay kasi may kukunin pa akong mga regalo.

To be continued..

AUTHOR'S NOTE

so eto na po ang 2nd update ko. actually medyo advance siya kasi wala pa namang Dec. 24 pero yun ang timeline ng kwento ko. :D maiksi lang ata to, wag magtaka kasi nga may part 2 pa.

oh Xander, asan ka na ba at bakit ang lamig mo na nga yata kay Jen? hmm.. wag ganon ha? bad yun. GIRLFRIEND MO SIYA!! :|

exciting ang mangyayari sa part 2. promise. please keep on reading. hanggang ilang chapters kaya ako aabot? haha! hindi ko pa makita ang ending. :P

vote, comment, add to reading list and please don't forget to fan me. :) MAGPAPASKO NA!!! thank you. :))))

- NAJ

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon