chapter 47: Bittersweet ending (PART 2)

41 1 0
                                    

"Jen.."

Bigla akong kinilabutan at unti-unti kong tinanggal ang pagkakayakap nya sa akin. Tumayo ako at nagsalita.

"7pm. Bakit ngayon ka lang.."

"May..inasikaso lang."

"Talaga? Mas importante pa sa akin?"

"Pwede bang magpaliwanag muna ako?"

"Okay then, Explain."

"Pauwi na ako sa bahay nang makasalubong ko sila William, mga kaibigan ko sila nung college ako. Hindi nila alam na umuwi ako kaya inaya nila ako mag inom. Tumanggi ako pero pinilit nila ako kaya sumama na lang din ako. Nang nasa bar na kami,all boys lang talaga. Nagulat na lang ako nang dumating si Jc. Wala syang kasama kaya niyaya na din siya ng mga kaibigan ko na sumama sa table namin at don na uminom. Nung makita nyang nagtetext ako,kinuha nya yung phone ko kaya hindi ako nakapag paalam sayo na may lakad ako. I'm sorry."

"Sorry? Sana kasi tinext mo na lang agad ako para alam ko.. na.. makikipaglandian ka pala."

"Jen, hindi naman sa ganon. I can't just be rude to someone na kilala ko. Alangan namang paalisin ko sya. At saka hindi ako nakikipaglandian sa kanya."

"Yeah right. Sa sobrang pagka-gentleman mo pala yon kaya nakipaghalikan ka sa kanya. Hindi mo na lang tinanggihan ganon ba?"

"Wait, what?!"

"Oh, so hindi mo tanda? Na nagtext ka sa akin,asking me to come over para pala ipakita na talo na ako ganon ba?"

"I-- I don't understand..."

"I went to your house last night pero bago pa lang ako papasok nung makita ko kayong naghahalikan." Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Gustung gusto ko na talaga siya saktan ngayon. Pero galit na galit ako. Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko.

"Hindi-- Hindi ko alam. I was so drunk. Is it-- is it true?"

"Of course hindi mo alam. You were caught red handed di ba? May tao ba na aamin sa kasalanan lalo na kung gusto naman nya yung nangyare? Hah! Ang tanga ko lang. The moment na nalaman ko na nagkasama kayo sa Europe I felt worried. Pero hey, pinagkatiwalaan kita kasi mahal kita. At yon ang pinanghawakan ko sa mga oras na hindi kita kasama. Pero, nagawa mo pa din ako lokohin. Ano pa bang kulang Xander? Ibinigay ko naman sayo lahat." pakiramdam ko anytime hihimatayin na ako dahil sa punung puno na ako. Pakiramdam ko magbe-break down na ako.

"Babe, hindi kita niloko. I was honest the whole time with you. Kahit na nung nasa Europe ako. Hindi kita niloko, at never kita lolokohin. Akala ko pinagkakatiwalaan mo ako? Pero bakit mo naisip na niloloko kita?"

"Because I don't trust that woman! At alam ko anytime kaya ka nyang agawin! Anytime pwedeng bumalik ang nararamdaman nyo para sa isa't isa. At ako? Ano na lang ang mangyayari sa akin pagkatapos? Ginawa mo lang naman talaga kong panakip butas di ba? Dahil sa sarili mo alam mo na mahal mo pa din sya!"

"Of course not! What we had was already in the past. A past that is forgotten. Pero ayan ka,bini-bring up pa ang isang bagay na tapos na. Matagal na kaming tapos ni Jc. Ikaw na ang mahal ko. Pero ganyan pala ang tingin mo sa akin. Na ginamit lang kita. Di ko alam na all throughout our relationship e yan lang pala ang tingin mo sa akin. Jen, hindi ko alam na ganyan ka. How could you think of me that way?"

"Hindi ko alam Xander. Siguro tapusin na lang natin to. Tutal, aalis ka na naman di ba? Its better if we just part our ways. Hindi ko na kaya ituloy ang relasyon na to with you."

"No. Please. Ayusin naman natin to. I know I was wrong. I'm sorry. Wag naman ganto Jen. I love you. Hindi ko kayang tapusin to ng ganon na lang."

Nasilaw ako sa ilaw ng kotseng tumama sa mata ko. May bumaba at tamang tama naman ata ang timing ng pagdating nya. Nakita nyang nakaluhod si Xander at ako naman ay nakalikod. Nakayapos si Xander sa mga binti ko nang mga oras na yun. Biglang tumayo si Xander.

"Jc, thank God you're here. Explain her what really happened. Ikaw lang ang makakapagsabi ng lahat."

"Oo Jen. May nangyari sa amin. I want to think that he raped me pero,gusto ko din naman ang nangyari, so it was not like that."

"What? Hindi Jen. I--"

"Totoo ba? Na may nangyari sa inyo kagabe? Sumagot ka!"

"Hindi ko alam! I was so drunk and then when I woke up--"

"I'm telling you the truth Jen. You want proof? Here."

Ipinakita ni Jc sa akin ang mga litrato. Wala akong maramdaman. Gusto ko na lang mamatay. Ang sakit. Tumulo ang luha ko. Pilit ako niyayakap ni Xander pero hinarap ko sya at sinampal, bagay na dapat kanina ko pa ginawa. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari. Bigla na lang ako nawalan ng malay.

                         ********

"Jen, okay ka lang ba? Anong nangyari?"

"Jen, si Keith to. Are you alright?"

"Nasan ako?"

"Nasa bahay ka na. Kuya called me. Ayaw nya sabihin sakin ang nangyari e. Bakit ka hinimatay?"

"Okay na ako. Pwede na kayo umuwi."

Kita ko ang pag aalala sa mukha ni Keith kaya pinalapit ko sya sa akin at niyakap. Naniwala naman sya na okay ako kaya umalis na din sya at sinabi na babalik na lang sya bukas. Naiwan kami ni Jessica sa kwarto. Hindi ako makatingin sa kanya dahil nakikita ko si Xander sa kanya. Kapag naaalala ko na naman ang lahat,bumabalik na naman ang sakit.

"Wala na si Keith. Pwede mo na ba sabihin sa akin ang nangyari?"

"Jess, wala na kami ng kapatid mo. We broke up. Please, wag mo na ako tanungin ngayon. I'm okay now. Pwede ka na umuwi."

"Bessy,but.."

"Alam ko na. Alam ko na lahat. Maybe we were just not for each other. I get it. Makakaya ko to. You can go now. Nakapagdesisyon na ako."

"A--anong desisyon ang sinasabi mo bessy?."

"I made up my mind. I'm going to live with my parents. Dun na ako magsisimula ulit. I'm sorry.. Pero makakaalis ka na."

Author's note

Okay, 3rd part of my update. Susubukan ko na sya tapusin kahit na sa phone lang ako mag uupdate. Dino-double check ko na yung mga grammars at spelling pero eeditin ko pa din yung mga naunang chapters. Again, wala munang photos/videos. Dama pa din naman yung story di ba?

Mauuwi pa kaya sa kasalan sina Xander at Jen? O baka naman talagang si Jc at Xander ang para sa isa't isa? Abangan! :)

Vote,comment and don't forget to fan/follow me. Thank you!! :)

_NAJ

Save The Best For LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon